"Care for a drink?" ulit niya sa tanong at sa pagkakatao'ng iyon ay inilapit niya ang upuan rito para masigurado niyang maririnig siya ng dalaga.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng drinks mula sa hindi ko kilala," mahina nitong sabi nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Natawa siya. "Well, the name's Nick...and you are?"

Doon niya nakuha ang atensiyon ng dalaga. "Not interested. I'm not interested." Saglit siya nitong tinapunan ng tingin at sa ilang segundong nagtama ang kanilang mga mata ay ramdam niya ang kakaibang epekto nito sa kanya. Iyon ba ang tinatawag na 'love at first sight'? Natawa siya sa kanyang sarili at napailing. No, it was a simple case of attraction, which has happened to him many times before. Tumayo ito dala ang itim na shoulder bag at iniwan siyang mag-isa. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makakita ito ng bakanteng pandalawahang mesa sa di kalayuan.

Napanganga siya at muling napailing. That was the first time he got rejected and it didn't feel good at all. Matapos um-order ng isang baso ng whiskey at isang Frozen Margarita ay tumayo na siya, kinuha ang mga in-order at lumakad palapit sa dalaga - dahil hindi siya basta-basta sumusuko lalo na kung isang napakagandang babae ang kasama sa usapan.

"Frozen Cotton Candy Margarita for the beautiful lady."

Kung ibang babae lang, isang matamis na ngiti na ang natanggap niya, at kung susuwertehin ay may kasama pang halik. Pero tiningnan lang siya ng masama ng dalaga lalo na nang maupo siya sa tapat nito.

"Again, I'm Nick...and you are?"

"Again, not interested," seryoso nitong tugon. Nakatingin pa rin sa kanya ang malalamlam nitong mga mata at wala sa loob siyang napangiti. She's even more beautiful up close, he realized. While looking at him, her eyes were sparkling against the light. Tatayo na sana itong muli pero may biglang sumulpot sa tabi nila. Matangkad iyong babae, mahaba ang buhok at nang tingnan niya ito ay pakiramdam niya'y nakita na niya ito kung saan.

"Red!" matinis na bati nito sabay halik sa pisngi ni Bullet. "Sofia, remember?"

No, he doesn't but he just smiled. Mabuti na lamang at tinawag na ito ng mga kaibigan sa di kalayuan dahil kung hindi ay hindi niya alam kung paano niya ito paaalisin. Humalik pa muna ito sa kanya bago tuluyang umalis. Pero wala pang ilang segundo ay may lumapit na naman sa kanilang isang babae'ng balingkinitan na tinawag naman siyang 'Glenn'.

"Red? Glenn?" may himig pagtataka'ng tanong ng dalagang nakaupo sa harap niya nang wala na sa paningin nila ang babae. "Wow. Ano ito, bagong trend, na iba-ibang pangalan ang ibinibigay ng lalaki sa iba't-ibang babae?"

Napakamot ng ulo si Bullet at napasandal sa upuan. Kung bakit ba naman sa dinami-rami ng pagkakataon ay noon pa nagkasabay-sabay dumating ang malas?

"I'm sure, hindi rin Nick ang totoo mong pangalan?" At sa wakas, ngumiti rin ito, na nagpangiti rin sa kanya. She's got perfect set of teeth and her smile is probably the one of the most captivating he has ever seen.

"Fine. It's Samuel Blake Ortega. You can call me Bullet, everybody does."

"How about Nick or Glenn or Red?" Again, she smiled, which made his heart skip a bit.

Umiling siya at napangiti rin. "Just Bullet...please call me Bullet," sabi niya sabay lahad ng kanang kamay. Ilang saglit pang nag-alinlangan ang dalaga bago nito iabot ang kamay.

"Astrid," simple nitong sabi. "And don't worry, that's my real name."

"Beautiful." Tumangu-tango siya habang hawak ang malambot na kamay nito. Masarap iyon sa pakiramdam na para bang ayaw na niya iyong bitiwan.

Me and Mrs. Leopold by M. Wilde (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now