Chapter 1

6.6K 85 2
                                    

"READY for me?" bulong ni Bullet sa tapat ng mga labi ng kaulayaw. Mas itinaas niya ang suot nitong napakasikip na leather miniskirt at isinandal ito sa malamig na marmol na dingding. Kalat-kalat na ang pulang lipstick nito dahil sa pinagsaluhan nilang malalalim na mga halik at maging ang pagkaka-ipit ng buhok nito ay nagulo na rin. Maliit lamang ang babae'ng iyon, halos hanggang balikat lamang niya pero maganda ang katawan nito, na siyang pumukaw sa kanya noong nakita niya ito sa bar kanina.

Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong sumagot. Luminga-linga siya para tingnan kung walang ibang tao sa madilim na dulong bahaging iyon ng bar at nang makasiguro'ng sila lamang dalawa ang naroon ay siniil na niya ng halik ang leeg nito. Nakaringgan niya ito ng ungol na napakasarap sa kanyang pandinig.

"Open wide, baby."

"W-wait...dito talaga?" tanong nito sabay pigil sa mga kamay niyang hubarin ang panloob nito. "Hindi mo ba ako...dadalhin sa...bahay mo?"

Hindi naituloy ni Bullet ang paghalik sa tainga nito dahil sa narinig. Natawa siya at tiningnan ang dalaga sa kanyang harapan. Umiling siya at dahan-dahang lumayo rito. "I'm sorry, Miss. Kung ayaw mo rito, huwag na lang."

At sa isang iglap, tumalikod na si Bullet at iniwan ang babae na hindi na niya nakuha man lang ang pangalan. Hindi siya sigurado kung pang-ilang babae na ba iyon na nakilala niya nang gabing iyon, at pang-ilan nang babae na nagbigay sa kanya ng motibo. Kahit kailan talaga, hindi niya maintindihan ang mga babae. Makikipagkilala ang mga ito, magpapa-cute, magbibigay ng motibo pero aayaw rin sa huli na para bang siya pa ang bastos at masama.

Napapailing pa rin siyang lumapit sa bar kung saan marami na rin ang mga tao'ng nakapaligid sa maliit na bartender na abala sa pagtimpla ng mga orders ng mga customers. Uupo na sana uli siya sa kanyang inupuan kanina pero may iba nang umookupa rito nang dumating siya. Bahagya pa siyang lumapit sa dulong bahagi ng mahabang bar at masusing pinagmasdan ang babae'ng may hawak na isang baso ng alak habang abala sa cellphone nito.

At dahil sa maliliit na tear-drop hanging bar lights lamang nagmumula ang liwanag, hindi niya masyadong makita ang itsura nito kaya humakbang pa siya palapit roon at mabilis na inokupa ang bakante'ng upuan sa tabi nito.

"Scotch," sabi niya sa bartender habang pinagmamasdan pa rin ang babae'ng katabi. Nakapusod ang buhok ng dalaga at nang hubarin nito ang suot na jacket ay tumambad sa kanya ang itim nitong tanktop na nagpalutang sa maputi at makinis nitong kutis. Hindi tuloy naiwasan ng mga mata niyang pagmasdan ang batok nito, pababa hanggang likod. Napalunok siya nang mapadako ang mata niya sa maputi nitong leeg, pababa sa malulusog nitong dibdib.

Maganda ang babae'ng iyon, walang duda. 'Yung tipo ng ganda na pansinin, 'yung ganda na lilingunin. Her body may not be the model-type, but he's sure that she's got everything every guy could ever want – an angelic face, flawless skin, tiny waist and huge perky bosoms. At kahit pa nakaupo ito ay kitang-kita ang magandang kurba ng likuran nito. In short – she's hot. And it seems like she didn't have a clue about it.

"Hi, miss. Can I buy you a drink?" medyo malakas niyang tanong. Lumapit pa siya rito nang kaunti para marinig siya nito.

Walang tugon. Ni hindi ito lumingon sa kanya at patuloy lang ito sa pagtingin sa hawak na cellphone. Nang dumating ang kanyang order ay agad niya iyong inubos at nag-order ng isa pa. Sinuklay-suklay niya ang hanggang balikat niyang buhok at ngumiti na nagpapakita ng mapuputi niyang mga ngipin. Hindi siya ang tipo ng lalaki na nag-aaksaya ng oras sa babae'ng ayaw sa kanya pero hindi rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan niyang mapansin ng katabi. Siguro dahil hindi siya sanay nang nati-turn down ng mga babae at siguro, dahil gusto niyang patunayan sa sarili na wala pang humi-hindi sa karisma niya.

Me and Mrs. Leopold by M. Wilde (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now