"Meng," muli kong tawag tsaka ko narinig ang mumunti niyang 'meow'. Nakita ko siya sa isang upuan na nakahiga roon. Natawa naman ako sa itsura niya na para bang bago akong tao sa bahay na iyon.

Ibinaba ko na ang kainan niya at tumalon siya mula sa upuan at sinimulan nang kumain.

Ipinikit ko ang mata ko at sandaling nag-isip.

Syringes, black liquid, a laboratory, screams.

"Reed!!"

Muli kong naidilat ang mga mata ko. Ano iyon? Natutop ko na lamang ang bibig ko dahil tila kinakapos ako ng hininga. Bakit kasama ako roon? Ano yon?

Napaigtad ako nang biglang may magdoor bell. "Ayan na!"

Naghahadaling pumunta ako sa pintuan at pagbukas ko ay ang kasamang matanda ni Ichi. "Magandang gabi, hija. Ako si Kuya Dino. Pinasusundo ka ni Ichi sa akin,"

"Huh? Mawalang galang na po, bakit? At paano niyo nalaman ang address namin?" Kumindat lamang ang matanda at nauna nang pumunta sa nakaparadang kotse.

"Sandali lang ho."

Agad kong kinuha ang backpack ko at sinara ang bahay. Ano nanaman bang problema sa akin ni Ryoichi?

Nakaabang si Kuya Dino sa may pintuan ng backseat at nang makalapit ako ay binuksan niya ito.

"Buti naman at sumama ka," halos mapatili ako sa boses na nanggaling sa dilim. Ang silhouette niya ay nakapalumbaba at kita ko ang tangos ng ilong niya. "Ano kailangan mo?"

"Ikaw."

"Huh?"

"May kailangan ako malaman sa iyo," walang kainteres-interes na wika niya.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko. "Marami," tumingin siya sa akin at ngumisi. "Ano ba talaga ang tinatago mo, Reed?"

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit, nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. "W-wala akong tinatago," malakas ang kabog ng puso ko habang sinusubukang tumingin sa mga mata niya.

"You're stuttering, are you nervous?" Lalong lumapad ang ngisi niya at naramdaman namin na gumagalaw na ang sasakyan. "Scared aren't you?" Hindi niya iniaalis ang tingin sa akin.

Naamoy ko ang mint niyang hininga at ang pabango niya. Bakit ganto? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ano nangyayari sa akin?

"P-wedeng lumayo ka sa akin?" Sinubukan kong lumayo sa kanya pero umusog din siya palapit sa akin. Umusog lang ako nang umusog hanggang sa napasandal ako sa pintuan ng kotse nila.

"There's no distance anymore, Tyler. You entered my life and you can't run away from me," bulong niya. Iniangat niya ang baba ko gamit ang hintuturo at hinlalaki niya. "You're a dangerous angel I'm a dangerous man, I could be your greatest destruction and you might be mine."

Ngumisi siya sa akin at dumistansya. Pakiramdam ko sobrang init ng pisngi ko. Sobrang namumula ito dahil sa kahihiyan. "Cute," bulong niya at pinisil ang pisngi ko.

"Aray!" Tumawa siya, a heartfelt laughter, the very first laughter I heard from him. He always snicker on me, but now he just laugh in front of me.

Does he find me amusing? In what way?

Hindi ko na rin namalayan na nakangiti na rin ako habang tumatawa siya. He seem so cute while laughing. His pearly white teeth exposed, his eyes almost gone because of pure laughter.

Kahit pa sa dilim nakikita ko ang pagka aliw niya. After his laughter died he looked at me.

"Saan tayo pupunta?"

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now