Warning: Lots of foul words,typographical errors and grammatical errors. YOU'VE BEEN WARNED. ⚠
Towser's Point Of View
"Malayo pa ba?" Iritadong tanong ni Xeris. Imbes na pansinin sya ay binaling ko nalang ang tingin ko sa dagat. Mukhang malayo pa nga ang pupuntahan namin.
Papunta kasi kami sa isang isla, tutal patapos na ang summer at naghahanap kami ng last minute vacation pinatos nanamin ang nakuhang mapa ni Micky. Kanina nga lang nya sinabi ang nakuha nyang mapa biglaan lang din ang lahat. Pero nagulat kami nang malamang masyadong malayo ang isla hindi na sana kami tutuloy kaso biglang nagsabi si Zach na malapit yon sa isla nila at pwede namang dun kami tumuloy kung di naman magustuhan sa islang nasa mapa, malay ba namin kung abandonado na yon. So, we ended up going in that island. Buti nalang at marunong si Kier mag paandar ng yate. At may available na yate si Cherty, available itakas.
Yeah, wala saamin ang nagpaalam umalis, ideya yon ni Micky. At ngayon nasa yate na nga kami at patungo na sa Islang yon.
Napansin ko ang pagdaan ni Micky sa tabi ko, binabalikbaliktad nya ang mapa. Sa aming walo sya tong mahilig sa pag sosolve ng mga bagay bagay at mukhang na chachallenge sya ng mapang to.
Napansin nya ang pagtingin ko kaya lumapit sya saakin, "Something's wrong." Giit nya. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan ang mapa. Isang beses ko lang tong nasulyapan kanina kaya di ko malaman kung anong naging mali. Sinusundan lang din namin ang mapa since wala pa talaga saamin ang nakakarating don o may alam manlamang don sa islang iyon aside sa malapit ito sa resort nila Zach.
"Wala ka bang napapansin?" Giit nya, nanatili ang pagkunot ng noo ko tsaka umiling. "Mick! Kelangan kita dito!" Narinig naming sigaw ni Kier mula sa Dashboard. Tuluyan nya nang kinuha ang mapa saakin tsaka nagmamadaling pumuntang Dashboard.
Ibinalik ko nalang ang tanaw ko sa dagat at tsaka pumikit,
"Lakas maka titanic Tres ha," Biro ni Dustin na kasama si Ash. Tumabi sila saakin at pinatong din ang siko sa railings. Tahimik naming tinanaw ang kalawakan ng dagat, at ang sunset...napakaganda.
"Uhh guys! I was asking you back there, ma-la-yo pa-ba?!" And there she goes, I heard Ash signed. "Bakit ba kami tinatanong mo? dun ka mangulit kela Milky." Pagtataboy nito. Inirapan lang sya ni Xeris at agad kaming iniwan.
"Tss. Wag mo hina highblood Ashie ko ha." Pahabol pang sigaw ni Dustin kay Xeris, kaya naman nakatanggap sya ng batok kay Ash. "Get a room geez." Komento ko. Kung nagtataka kayo, babae si Ash ah. Sinamaan lang ako ng tingin ni Ash sabay inakbayan si Dustin palayo.
I sighed. Kinuha ko sa shoulder bag ko ang cellphone ko, tsaka kinuhanan ng picture ang buong karagatan. I don't want to forget this. "Ate ate bawal po yan," agad ako napaharap sa lalaking umakbay saakin. Si Micky. At oo nga pala, bawal magdala ng cellphone sabi nila Ash.
"Good mood?" tanong ko, sabay tinago ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. He chuckled tsaka tinaggal ang pagkaka akbay saakin at sumandal patalikod sa railings. "Nah, malapit na kasi tayo." Sabi nya. "Hays. Akala ko talaga---" Pinutol nya ang sinasabi nya at nawala ang ngiti sa labi nya. Kumunot ang noo ko na ikina kamot nya ng batok nya sabay peace sign.
I rolled my eyes.
"I'm allergic to weirdos. Shoo." Biro ko. Wag na kasing banggitin lalo na kung di naman sasabihin. Pasalamat sya at hindi ako kagaya ng karamihan na uhaw sa sikreto.
"Should I really go?"
Tiningnan ko sa mata si Micky, is he serious? Tumawa ako ng kaunti. "What now?" tanong ko. "I'm sorry. If I let you down. But you can still trust me, not as your lover but as your friend, right?" tanong nya ng may sinseridad.
"Let's not talk about that Micky." Sabi ko nang di sya tinitingnan, "Get a room geez," Sabay kaming napalingon sa nang aasar na si Ash, nagtawanan sila ni Dustin sabay tumakbo pababa ng yate.
Wait, are we finally here?
