Thoughts #2

3 0 0
                                    

Thoughts #2

"Minsan kailangan nating magtiis at masaktan para matuto at magpahalaga."

Maria Aliyah Quizon

Nakakainis.

Yung feeling na gusto mong pumatay ng tao? Yan ang naf-feel ko ngayon.

Jusko. Ba't ba ang tanga-tanga ko?

Muli akong napasabunot sa sarili kong buhok sa inis.

Tiningnan ko muli ang laptop sa harapan ko.

At nagsimula nang pumatak ang luha ko.

Nonstop mga beh. Kahit anong pahid ko di siya tumitigil.

Hanggang kailan ba ako iiyak?

Yung akala mo na abot kamay mo na ang isang bagay, mawawala lang pala ng parang bula.

Napatingin uli ako sa harapan ko.

Kailangan ko ba kayo makikita?
Wah! Ayoko na. Mababaliw na ako.

Humiga ako at tumalikod sa screen ng laptop ko.

Isa lamang akong hamak na K-pop fan at isa lang naman ang gusto ko ang makita sila ng LIVE.

Oh lemme rephrase that, Ako'y isang dakilang K-POP fan at proud ako dito.
Itayo ang bandera ng K-POP fans.

At katulad niyo gustong-gusto ko silang makita ng live.

Pero bakit ang hirap abutin?
Bakit palaging may hadlang?
Hanggang kailan ako magtitiis mga besh?

Napatingin uli ako sa laptop ko na kanina pa paulit-ulit na pineplay ang 21st Century Girls ng BTS.

Hanggang screen na lang ba ako?
Team-Bahay na ba is me forever and ever?

Napangiti ako ng mapait.

Kung hindi ko sana naiwala yung pera ko pambili ng ticket. Kung sana di ko pinairal ang katangahan ko. Sana.. Sana...

Muli na namang tumulo ang luha ko.

Sabihin nating OA pero Masakit eh.

Ilang years ko tong pinag-ipunan at pinaghandaan pero napunta lang sa wala.

Lahat ng effort ko, nasayang lang.

Hindi kami mayaman pero nakaipon ako ng sapat. Yung allowance ko allotted lang sa projects. Walang kain kain mga bes, basta't makaipon.

Handa na pa naman plane ticket ko.
Oo, taga probinsya ako. Kaya kailangan kong lumuwas, pero witchekels kiber. Makita lang sila gagawin ko ang lahat.

Tama nga sila sana mas pinahalagahan ko yung pera na yun at hindi naging pabaya.

Mahal na Mahal ko talaga ang BTS.
Lalo na ang Bias kong si Taehyung.
Kung makita sila ng personal. Ito naman talaga ang hiling ng mga fangirl na tulad ko. Makita lang sila, pwede na akong mamatay.

*sigh*

Nakakalungkot. Nakakadepress. Nakakafrustrate.

Iisipin ko na lang na sana maging blessing in disguise sa nakakuha ng pera ko. Iisipin ko na lang na mas kailangan niya ito. At sana lang talaga sa mabuting paraan niya ito gamitin. 





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fan Girl Thoughts Where stories live. Discover now