Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen

Start from the beginning
                                    

"Magnanakaw! Gag*! Bumalik ka dito!"


Kahit na sa malayo rinig pa din yung pagtama ng parang kadena sa isa pang metal. Mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko papalabas. Isa lang ang ibig sabihin nito, pinakawalan na nila yung aso.


"Fck! Shit!"


Nahigit ng isang lalaki yung polo ko at pinaharap ako. Sa sobrang lakas ng pagkakahigit sa akin napaupo ako sa lapag. Hindi pa nga ako nakakabawi bigla naman niya akong kinwelyuhan.  "Magnanakaw! Ano kinuha mo sa amin ha?!" sigaw sa akin.


 "Wa-wala..."


Sinubukan niya akong suntukin  kaso nakawala ka agad ako sa pagkakakwelyo niya at nakaiwas sa kamao niya. Tanging daplis lang sa gilid ng mga mata ko ang naibigay niya sa akin.


Mukhang nagulat siya sa biglaang pag kakawala ko kaya naman kinuha ko yung oras para tumakbo papalayo.


Ilang beses din akong nadapa sa pagtakbo ko at nang makakita ako nang medyo mababang bakod agad ko itong inakyat at tumalon pababa.  Tabi –tabi ang mga bahay kaya nahirapan akong makahanap ng labasan. Tapos apat na silang mga lalaki na humahabol at umakyat din sa may bakod katulad ng ginawa ko.


Tsk! Kung hindi dahil sa kabaliwan ni Belle hindi  mangyayari 'to! Psh! At boxers lang na weirdo ang kinuha ko! Hindi ito ginto!


Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa maaninag ko na yung kotse.  Lalapit na sana ako nang maramadaman kong may biglang kumagat sa pantalon ko. Nang lingonin ko yung aso pala.


"Alis! Alis!" sabi ko sa kanya at pinilit na palayuin. Buti na lang at sa laylayan ko lang siya nakagat at hindi sa mismong paa.  Ayaw niya pa din kumawala at yung apat na lalaki papalapit na ng papalapit sa kanya. Hindi na ako nagisip at hinubad ko ang pantalon ko at nang Malaya na ako sa aso kinuha ko yung superman boxers sa may bulsa ko at nagsimula na naman akong tumakbo papunta sa kotse.



Nadatnan ko si Belle na mamatay na sa kakatawa.


"Oh my God! Kendrick! That's so epic!"


Binato ko sa pwesto niya yung boxers. Ang lapit na nung lalaki at nung aso niya sa akin. Kung hindi lang ako mabilis na nakatakbo baka maabutan niya ako at hindi lang suntok ang maabot ko.


Hindi na ako nagaksaya ng panahon at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nang makasigurado akong walang humahabol sa amin pinark ko yung kotse sa isang iskinita.


"Are you happy? Psh. Muntik na ako dun."


Seryoso ko yung sinabi kaso nang mag umpisa na naman siya sa pagtawa hindi ko na napigilang sumabay sa kanya.


Kasi kung tutuusin  nga naman parang ewan lang yung ginawa ko. Nagnakaw ng boxers? Haha! Mga tanga lang pwedeng maka isip nun.


Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now