Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen

Start from the beginning
                                    

Pinilit kong wag ngumiti sa sinabi niya.


Hindi na ako sumagot at nagsimula na ako magpaandar ng kotse. Tss, hindi naman pala siya susunod sa napag usapan. May pa YOLO, yolo pang nalalaman.


Nang tumunog na yung makina agad niya akong hinawakan sa braso. "Fine! Fine! I will erase all the videos! Ugh! Bummer!"


Ngumingisi ako habang bumaba ako sa kotse. Tiningnan ko muna kung nahalata na ba kami ng mga may-ari nang nakasampay na damit na ngayon ay nag iinuman.


 Nang makasigurado ako na hindi pa ako nakikita ng mga lalaki agad akong tumakbo papunta dun sa may bakod. Mataas yung bakod kaya nagdahan dahan ako paakyat. Kada apak ko sa metal na patungan tumitingin ako sa paligid.  Wala pa naman sa ngayon ang nakakakita o nakakarinig sa akin.


 Agad kong nakita yung pinagiinitan ni Belle kaya naman agad ko itong kinuha. Mukhang bago at kakalaba pa lang dahil mabasa basa.


Ang dali naman pala tong pinapagawa sa akin. Hindi naman pala ako mahuhuli dito. Tiningnan ko ulit yung mga naglalasing at mukhang hindi naman nila ako nakikita. Masyado silang lulong sa pag inom.


Aakyat na sana akong bakod pabalik sa sasakyan nang may narinig akong isang tahol.


At isa pa.


Hanggang sa dire-diretso na yung tahol.


Sht.


Lumingon ako sa pinagagalingan ng tahol. May aso palang nakakadena malapit sa sampayan at sa direksyon ko tumatahol. Hindi ako mahilig sa  aso. Ayoko sa kanila. At nang bata kasi ako nakagat na ako ng isa sa kanila kaya ayoko talaga.


Walang tigil sa pagtahol sa akin yung aso. Lumalabas ang ngipin at nagsisitaasan lahat ng balbon niya na parang galit  sa akin.  Ah , oo nga pala. Ninanakaw ko pala yung boxers ng amo niya. Dmn. Paano na'to siguradong maririnig 'to ng mga naglalasing!


Nagmadali ako sa pag akyat sa bakod pero kahit anong gawin ko nadudulas ako. Sht. Bakit kanina naman may napatungan ako? Sht.


"May tao ba diyan? Hoy! Magnanakaw!"


Sa sobrang pagkataranta ko pinilit  ko na lang magkasya  kung boxers sa may bulsa ko at ginamit yung dalawa kong kamay para akyatin ang bakod. Lumingon ako at nakitang  papalapit na sa akin ang apat na lalaking nagiinuman kanina.


Kung maabutan nila ako tiyak patay ako nito. Sa laki ba naman ng mga katawan nila kumpara sa akin panigurado talo ako.


Naghanap ako ng ibang daan bukod sa bakod. At nang may nakita akong makitid na daan sa gilid hindi na ako nagaksaya ng panahon at mabilis na tumakbo.


" Sht! Sht! Sht!"


Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now