chapter 17

256 8 0
                                    


*mayumi's POV*

nakatulala akong nakatingala sa malawak at madilim na kalangitan. Di ko talaga maintindihan kung bakit ako nandito sa labas. Parang may sariling utak ang mga paa ko at dinala ako Palabas ng kubo.

Napayakap ako sa sarili ng biglang umihip ang malamig at may kalakasang hangin. Napalaki ang aking mata mabilis ang aking paghinga.

Ganto rin ang mga nangyayari sa twing nasa paligid siya.

Nagpalingalinga ako just to make sure na mali ang nasa isip ko. Napahinga ako ng maluwag ng mapagtantong walang nanggagalaiting kaluluwa sa paligid ko.

Papasok na sana ako sa loob ng kubo ng sa isang iglap nagbago ang kapaligiran. Nahihilo ako kinakabahan na naman ako. Ito naba? B-baka ito na ang kataposan ko. Nanginginig akong humakbang habang pinagmasdan ang paligid. Wala na ang kaninang kubo na nasa harapan ko. Napalitan ito ng malatalahib na tanawin.

May tumatakbo..
Napalingon ako ng wala sa oras ngunit wala.
May tumatakbo na naman. Paulit paulit nalang. Napahawak ako sa ulo ko sabay sabunot sa sarili.

"Ugggghhhh" napahiyaw ako sa ginawa ko. Shit i'm not dreaming. Nataranta agad ako. Akmang tatakbo na sana ako ng di ko mahilahila ang paa ko. Shit di ko maigalaw ang paa ko. Nangangatog kong tinignan ito halos takasan na ako ng lakas ng makita syang nakangisi sakin. Nagpabalingbaling ang leeg nya.

"Takot ka naman palang mamatay ehh"

May halo ng panunuya ang tono ng kanyang pananalita. No--- this couldn't be. Parang sa isang iglap nawalan akong Boses walang ni isa mang lumabas sa bibig ko. Patuloy sya sa pag halakhak. Napaiyak ako habang pinipilit na makawala sa kanya.

Napasabunot uli ako sa sarili dahil sa sobrang lito.

"Tama naaaahhhh!! Tama naahhhh ayoko nahhhhh" humahagolgul na saad ko. Napaupo ako sa damohan

"Ayaw mo bang ako ang pumatay sayo? Kung ganun patayin mo ang sarili mo. Hahahahahahahahahahahah"

"Tama naaahhhhhhh" napatakip ako ng tainga her words are keep on taunting me. humahalakhak parin sya.

Siguro tama sya. Ayokong matalo nya ako at mapatay. Kung ganun ako nalang mismo ang tatapos nitong buhay ko. Nakakita ako ng dagger sa di kalayuan sakin gumapang ako papalapit dun. Napangiwi ako sa sakit shittt nasabit pala sa barbwire ang paa ko. Nagtataka man ay pinilit kong umusad.

"Yan !! Ganyan nga. Dahan dahan babae hahahahahahahahaha"

Umalingawngaw sa buong sistema ko ang mga sinasabi nya. Napapangiwi man pero kinaya ko ang sakit at ng maabot ko ang dagger tinitigan ko muna itong mabuti. Umayos ako upang makaupo at maabot ang paa ko.

Napailing ako hindi to tatalab sa barbwire na nakakabit sa paa ko.kailangan ko ng mabigat na desisyon. Napapikit ako ng mariin.

"Ahhhhhhhggggggg" napasigaw ako sa sobrang sakit ng idiin ko ang dagger sa paa ko. Bawat hiwa at pagdiin na ginagawa ko ay napapahiyaw ako at naiiyak. P*ta ang sakit..

"Hahahahahaha! Malapit nahh malapit nahhh kunti nalang hahahahah"

Patuloy parin ako sa paghiwa ng paa ko habang humagagulgol. Nanghihina na rin ako namanhid na ang buong paa ko. Di ko man ito tinitingnan alam kong malapit na itong umabot sa buto.

sitio walang buhay (Completed)Where stories live. Discover now