chapter 15

198 10 5
                                    

*miyana's POV*

Di kami halos nagkibuan ng magtapos mag kwento si lhyrhiana. Pareho kaming nalilito. Pareho kaming Di mapakali because every now and then pwede--------
Pwede kaming mamamatay lahat at Di Na maka uwi Pa samin.

"Yana!"

Nilingon ko si mayumi. Halata sa mukha nya Ang kaba ang takot. She's somehow shaking. Lumapit sya sakin at pumatak ang luha nya.

"Sana sinabihan nalang natin sila ng mas maaga" pahikbing saad nya. I hugged her and tap her back.

"Wala Na tayong magagawa! Andito Na tayo ehh" pag aalo ko sa kanya.

"Si jasmine nakita nyo ba?" Our attention was diverted to ivan he was catching his breath.

"Hindi bakit?"

"Shit!!" Pabulong Na sambit nya sabay sipa sa pinid ng pinto. Napahawak kami ni mayumi sa dibdib dahil sa gulat. Nagkatinginan kami.

-------------

*Jasmine POV*

Pagkatapos namin pakinggan ang kwento ni rhiana ay pumasok ako sa kwarto para matulog. Pero may napansin ako sa may puno.

Parang may naka tago dun at palihim Na sumusulyap sakin.
Naglakas loob akong puntahan ang puno. Di Na ako nakapagpaalam dahil sa eagerness Kong malaman kung ano yun.

*********

Malayolayo Na ako sa Kubo ng biglaang umihip ang malamig Na hangin. Napayakap ako sa sarili at kinagat ang pang ibabang labi ko. Patuloy parin ako sa paglalakad.

Ng tila parang may dumaan sa likoran ko. Napalingon ako sandali ngunit wala akong makitang Tao. Nagpalinga linga Pa ako pero wala talaga.

Kaya nag patuloy ako sa paglakad muntik Pa akong atakihin sa puso ng tumunog ang naapakan kung patay Na sanga ng puno.

But there was something that cought my eyes. A silver necklace I bowed to get it pero Di ko PA lang nahawakan ang kwentas ay umihip uli ang napakalamig Na hangin nanindig ang balahibo ko. It sent shiver all over my body.

Kumikiskis ang mala sampaguitang tela sa balat ko. Mahaba at tila pamilyar sakin ang bestidang iyon.

"Shhhhhhhhh"

Napalaki ang Mata ko at lumakas ang tibok ng puso ko. Hawak ko Na ngayon ang kwentas. Kahit natatakot ay nakuha ko pang tingnan iyon. There was a letters engraved in the pendant ng basahin ko yun mas lalo akong natakot at kinabahan.

"Yura??" I mouthed. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhh" may humihila sa paa ko ayaw ko mang aminin pero alam Kong kamay yun ng isang patay dahil sobrang lamig nito Na parang yelo.

Jusko kung mamatay man ako ngayon wag nyo po hayaang mapahamak ang mga kaibigan ko.

Naramdaman ko nalang Na nahihilo ako at ng dumilat ako ay nakabitin Na ako patiwarik.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!! W-wag please w-wag huhu"

Sa harap ko may naka talungko Na babae malamlam ang kanyang Mata maputla ang kanyang mukha. At----
May bakas ng tali sa kanyang leeg.

"Haha hahaha hahaha! Sige mag makaawa kayo! Dyan kayo magaling"

Nanindig lalo ang balahibo ko at napaluha. Ang lamig ng boses nya parang galing sa ilalim ng lupa.

"Wag please!!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero ngumisi lang sya ngisi Na mala demonyo. Ayoko sa ngisi nya.

"Jasmineeeeee"

Umalingawngaw ang boses ni ivan pati ng mga kaibigan ko. Sisigaw sana ako pabalik. Pero napasinghap ako ng may tumusok Na matalim Na bahay sa leeg ko.

Napalaki ang Mata ko. Kita ko ang malapot at mapulang likido Na tumulo galing sa leeg ko.

"Di kana nila maaabutan !!" Pabulong Na sambit nya. At tuluyang nilaslas ang leeg ko.

"Ahhhhhhhhhhggggg"

Kasabay ng pag daing ko ng sakit ang unti unting paghina ng pintig ng puso ko. At ang tuluyang pagpikit ng Mata ko.

---------------------

*Ivan POV*

"Ahhhhhhhhgggggg"

Sabay kaming nagkatinginan at nagtakbuhan para mahanap kung saan nang galing ang sigaw.

"Jasmineeeee" patuloy parin ako sa pag sigaw jusko wag naman sana.

"Jasmineeee" sigaw rin ng iba hanggang sa umabot kami sa may Ilog. Kinakabahan ako Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama Kay jasmine. Pano nalang ako kung wala Na ang nag iisang nagbigay ng kulay sa buhay ko.

Agad naming sinuyod ang lugar.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" Pareho kaming napalingon sa naka upong si mayumi. Patakbo kaming lumapit sa kanya.

----------------

*miyana's POV*

"Ahhgghgg" napasuntok si ivan sa puno kasabay ang pagtangis nito. "Jasminnnnneeeeeee"

Napayakap ako Kay Geo. Hindi ko kayang tingnan si jasmine may gilit sya sa leeg at nakabitin patiwarik.

Patuloy parin sa pag iyak si ivan pati si mayumi.

"No------- babe!! Wake up please" lumapit si ivan sa bangkay ni Jasmine at niyugyug Ito. Ayoko sanang paniwalaan ang mga pangyayari pero heto't abot kamay ko ang mga nangyayari.

"Guys! Hali kayo" tawag pansin ni lhyrhiana Samin kaya lumapit kami sa kanya. And the thing that shocks us is----

"Y-yura's necklace? P-posible bang sya a-ang may ga------" naputol  ang pagsasalita ko ng sumigaw si ivan.

"NASAN KANG LINTEK KA? ANO MAGPAKITA KA!! DI  AKO TAKOT SAYO P*TANGINA MO. MAGPAKITA KAHHHHHH"

umihip ang malamig Na hangin kasabay non ang pag dagundong ng isang makatindig balahahibong halakhak.

"Hahahahahahahaha"

Animoy galing Ito sa pinakailalim ng lupa. At sumasaliw sa hangin ang boses nya.

"AHHHHGGGGGGG" winawasiwas ni ivan ang itak Na dala nya. Pero laking gulat namin Na bumabalik sa kanya ang mga tama at wasiwas ng itak.

"Ahhh! Ugghh!" Napasigaw sya sa ng nasaksak sya ng sariling itak. Na kung paano nangyari ay Di namin alam.

Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni ivan ang pagsigaw ni lhyrhiana.

"TAKBOOOOOOO"

Agad kaming nagsitakbuhan habang umuusal ng dasal Na ko Latin si lhyrhiana.

"IN NOMINE JESU ABIRE MALI SPIRITUS"

Sumasaliw sa hangin ang dasal ni lhyrhiana. Lalong lumakas ang ihip ng hangin. Na may halong pag kulog at pag kidlat.

"IN NOMINI PATRIS ET SPIRITUS NEQUAM EGREDERENTUR" sumigaw ng malakas si lhyrhiana at kasabay ng paglaho ng mala IPO ipong hangin ay ang pagbagsak nya. Nanghihina sya.

Di namin namalayam Na nakaabot Na pala kami sa tapat ng Kubo.
Agad naming binuhat si lhyrhiana at pinasok sa Kubo. Dali dali ko syang nilapatan ng paunang lunas.

--- >  to be continued

A/N: hi guys 2 chapters left. At wawakasan ko Na ang paghihirap ng magkakaibigan. See you till the end ;)

(In NOMINE JESU ABIRE Mali spiritus)

> in the name of Jesus go away bad spirit.

(In NOMINE patris et spiritus nequam egrederentur)

> in the name of the father go away evil spirit

Okay! That's it

-darkfashion04

sitio walang buhay (Completed)Where stories live. Discover now