Pangatlo: Mysterious Creature

3.9K 83 0
                                    

:MYSTERIOUS CREATURE

"Euphie!"

Pag-mulat ko nang aking mata ay sumalubong ka-agad sa akin ang mukha ni Erin at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pag a-alala sa akin.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa hospital ako.

"Akala ko talaga hindi ka na gi-gising!" sambit muli ni Erin at nakita ko naman ang pag lapit sa akin ni Daphne at pag yakap niya.

"Mag tu-two weeks ka ng nakahiga dito ate," sambit ni Daphne at sumang ayon naman si Erin at nakita ko sa likod ni Erin si Clyde na nakatingin sa akin at may pag a-alala sa kanyang mukha.

"Two weeks na?" takang tanong ko sa kanila dahil ang huling na a-alala ko ay nasa museum kami.

"Nawalan ka ng malay sa museum at agad ka naming dinala rito," ani ni Erin.

"Y-yung lalaking nag tour sa atin! Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman siya sa mga nangyaring ito." sambit ko.

Bago ako mawalan ng malay ay may sinabi pa siya sa aking kataga at kita ko sa mata niya na marami siyang nalalaman na hindi ko alam.

"What do you mean? Siya pa nga ang nag dala sa'yo dito."

Napa kagat ako sa aking labi dahil sa sinabi ni Erin. That guy bring me here? Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa nangyari.

Napahawak ako sa ulo ko nang may mga imaheng pumapasok sa isipan ko. Imahe ng kagubatan at mga dragon isang palasyo na may mga halaman at inaamoy iyon ng isang babae na may kasamang lalaki.

"Ate?"

"Euphie!"

Naramdaman ko ang pag hawak nila sa akin at pinakalma ko ang aking sarili upang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Ayos na ako," sambit ko sa kanila at nakita ko namang napabuntong hininga sila.

Lumipas ang tatlong araw at na dis-charge narin ako sa hospital. Kinailangan ko ring mag-catch up nang ibang lessons dahil ilang araw din akong hindi naka attend sa mga klase ko. Sa nag daang mga araw ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari, madalas ko rin mapanaginipan ang mga imaheng tungkol sa gubat at dragon maging sa lalaki at babaeng mag kasama sa hardin na napapalibutan ng magagandang halaman.

"Ang lalim ng iniisip mo..." napalingon ako kay Clyde na nasa gilid ko. Nakatingin siya sa librong binabasa niya at tumingin sa akin.

"Iniisip mo parin ang nangyari sa museum?" muling tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Ang hirap kalimutan. Parang--parang gusto kong malaman ang buong katotohanan." sagot ko sa kanya at napabuntong hininga. "Recently, naging normal naman ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung baliw na ako o ano ba talaga." dugtong ko pa at narinig ko ang pag tawa ni Clyde.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagpa-pakalma niya sa kanyang sarili.

"Natatawa lamang ako sa reaction mo," aniya at napairap ako.

"Palagi naman," ani ko at napairap ng guluhin niya ang buhok ko.

"Clyde!--" agad akong napatakip sa bibig ko nang ma alalang nasa library kaming dalawa. Napatingin pa ang ibang studyante sa amin kaya naman agad akong nakaramdam ng hiya.

Nag patuloy kami ni Clyde sa pag re-review para sa quiz namin. Erin is not here because she's running for president, may meeting rin sila sa organisasyon. I was lucky that I have them as my friend.

GENASIWhere stories live. Discover now