Chapter 1: Francis

155 4 2
                                    

Francis Emerson Bersona on multimedia ----->

I'm Francis Emerson Bersona..17 yrs old, nagiisang anak ng mga magulang ko.. Bakla ako pero tinanggap ako ng tatay ko.. Matagal ng patay nanay ko, naaksidente kasi siya habang papunta sa trabaho niya.. Mahirap man pero tinanggap namin yung pagkawala niya.. Dalawa lang kami ni tatay sa mansion na pinag ipunan nilang dalawa ni mama.. Maswerte pa rin ako kasi may naiwan pa sa akin na mahal ko..

Masasabi kong bakla ako pero hindi sa paraan na lumalandi ako, nagmemakeup, o kaya maingay kapag nasa daan.. Ako yung klase ng bakla na mahinhin, tahimik lang tsaka may gusto ako sa isang lalake pero hindi yung todo papansin ako dun.. May respeto naman ako sa sarili ko noh..

"Anak? Nakita mo ba yung damit ko dito sa higaan kanina?" sigaw niya.. nandito kasi ako sa baba tapos siya nasa taas..

Umakyat ako para magrespond sa sinabi ni papa.. Mahirap kaya magsalita kapag sumisigaw ka..

"Wala naman po akong nakita jan eh tsaka po hindi po ako pumasok sa kwarto niyo :)" sagot ko kay papa..

"Baka pinaglalaruan na naman ng mama mo haha!" halatang malungkot pa rin si papa..

10 years na rin ang nakaraan nang mamatay si mama.. 7 yrs old ako nung mangyari yun, nakita ko rin kung paano magwala si papa.. Sobra akong nasaktan nung malaman kong wala na talaga si mama.. Ayaw akong papuntahin ni papa sa hospital kasi baka daw di ako makatulog o kaya matrauma daw ako.. Nung mga araw na nagdadamayan kami ni papa mas close kami..

"Nga pala dad, may pupuntahan po ako mamaya.. Pwede po ba?" pagpapaalam ko.. Sabay na kami bumaba ni dad..

"Saan ka naman pupunta?" simula nung mawala si mama mas naging protective si papa sa akin kahit lalake ako.. Lalake nga ba? Hahaha.. Ayaw na niya kasing maulit yung nangyari kay mama sa akin..

"Sa bahay po ni Elissa.. Yung kaklase kong babae :)" pagpapaliwanag ko..

"Anong oras ka makauwi? Mag iingat ka ha? Magtext ka sa akin or mag message ka ha?" sunod sunod na tanong niya..

"7:00 po.. May group project po kasi kami.. Promise po kapag di ako nakauwi 7:00 sharp, you'll give me punishment pero kapag nakauwi po ako ng 7:00 sharp kakain tayo sa labas.. Deal?" sabi ko nang nakangiti.. Sana pumayag hahaha!!

"Ok deal! Pero ipangako mo yang promise mo ha kundi malilintikan ka sa akin Francisco" natatawang sabi niya..

Im Inlove With My Gay Bestfriend (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon