Chapter 15: Manliligaw

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sino ka ba at paano mo ako nakilala?" Saang lupalop ba kasi siya galing? Baka mamaya, kriminal pa siya o kung ano e.

"Grabe ka naman. Hindi mo na talaga ako naaalala? Ako 'yong classmate mo no'ng elementary sa Korea. Classmates pa nga tayong tatlo ni Shawn Lucas, 'di ba?"

Tinitigan ko siya nang mabuti. Ilang beses pa akong kumurap-kurap. This is not happening. What the?! Siya si MM!!! Siya 'yong kalaro namin ni Lucas noon. Hindi ko na matandaan 'yong pangalan niya. Ang alam ko lang, siya si MM. Short for Mickey Mouse. Mahilig kasi siya do'n kaya 'yon ang tawag namin sa kanya ni Lucas. Kaya naman pala may pagkamayabang siya e.

"Ikaw ba talaga yan, MM?!"

"Ikaw naman, Candice, o. Mga bata pa tayo no'ng tinatawag mo ko n'yan. Blake na lang para mas gwapong pakinggan." Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Mayabang pa rin siya. "Tara, sabay na tayong pumasok?"

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Wow, hinawakan niya talaga ha? Bago ko pa maalis 'yong kamay ko sa kamay niya, dumating si Kuya Charles.

"Sinong nagsabi sa 'yong hawakan mo 'yong kamay ng kapatid ko ha?!" Nako. Galit 'ata si Kuya.

"Hi, bayaw! Good morning sa'yo." Sige lang, sabayan mo 'yang galit ni Kuya. Tignan ko lang kung umubra ka. "Kumain ka na ba? Hindi 'ata maganda 'yong gising mo e."

"Ano?!" Lumapit sa kanya si Kuya. Gusto niya 'atang suntukin 'tong si Blake kaya lumapit agad ako sa kanila pagkatapos ay pinigilan ko siya. Baka ano pa magawa niya e.

"Ito naman si bayaw. Nagbibiro lang e."

"Hindi ako natutuwa sa biro mo! Sino ka ba ha?!" Halata ngang hindi siya natutuwa. Nag-uusok na 'yong tenga niya sa galit e.

"Ako nga pala si Blake. Manliligaw ni Candice."

Teka, manliligaw? Wala akong maalala na pumayag akong manligaw siya sa 'kin ha? Aba, okay 'yon ah. Instant manliligaw?!

"Manliligaw?!" Tumawa si kuya. "Ngayon pa lang, busted ka na!" Aw ang sakit naman no'n.

"Charles!!!"

Natigilan kami pagkatapos ay napalingon kaming tatlo sa babaeng sumigaw. Si Ate Serina. Mukhang hindi rin 'ata maganda 'yong gising niya. Mukhang galit siya.

"Charles Gonzales! Hindi ka man lang nagpaparamdam sa 'kin kahapon tapos hanggang ngayon, wala?! Alam mo bang monthsary natin ngayon ha?!"

Busy si Kuya kahapon dahil sa meeting niya do'n sa business partners namin. Nako, lagot siya. Kung nakakatakot kasi siya magalit, mas matinding magalit 'tong si Ate Serina.

"Excuse me," sabat ni Blake.

"Sino ka naman ha?!" Sige, sasabat-sabat ka pa riyan. Madadamay ka pa sa galit ni Ate Serina.

"Delivery boy ako. Ide-deliver ko na sana 'tong bulaklak na 'to sa inyo. Regalo ni Sir sa inyo. Ito o." Inabot niya 'yong bulaklak kay Ate Serina. Pareho kaming nagulat ni Kuya sa ginawa niya. Ano bang pinagsasabi niya? "Busy siya kahapon kakaisip kung anong magandang iregalo sa inyo tsaka gusto ka niyang i-surprise."

Tumaas 'yong kilay ni Ate Serina pero unti-unti naman siyang napapangiti. Aba, effective 'ata 'yong ginawa niya ha?

"Totoo ba 'yan, Charles?" Hindi alam ni Kuya kung anong isasagot niya. Pareho kaming nagulat sa mga pinaggagagawa nito ni Blake e.

"Totoo po 'yan. Plano nga ni sir na mag-breakfast kayo ngayon do'n sa malapit na restaurant dito e." Ano ba 'yong mga pinagsasabi niya?! Pero bakit gano'n? Gusto kong matawa.

Siniko ko na si Kuya Charles para sumang-ayon sa mga pinagsasasabi ni Blake. Pagkakataon na niya 'yan para hindi na magalit pa si Ate Serina.

"Ah o-oo, sweety pie. 'Yan talaga 'yong plano ko. Su-surprise?" Sobrang nagpipigil na ako ng tawa rito. Mukhang tanga kasi si Kuya ngayon e. Sobrang dumbfounded niya. "Happy monthsary."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon