Kabanata 2: Kayamanan Sa Karagatan

652 2 2
                                    

Sinimulang gamutin ni Padre Florentino ang mga sugat ni Basilio. Hinang-hina siya mula sa natamo niya sa kasalan ni Paulita.

“Hindi kita pwedeng kupkupin ng matagal. Alam mong maghahanap din dito ang mga gwardya sibil,” sabi ni Padre Florentino kay Basilio.

“Pero wala na po akong mapupuntahan bukod sa inyo, Padre,” sagot ng binata. “Alam ko. Pero alam mo din na nilalagay mo sa panganib ang aking buhay.”

Nataranta si Basilio sa mga problemang kinahaharap niya ngayon. Wala na siyang maisip na paraan upang makatakas at magbagong buhay tulad ni Simoun.

“Yung kayamanan!” sigaw ni Basilio.

Nanahimik ang paring indio. Hinahanda niya ang kanyang sarili na sabihin sa binata ang kanyang ginawa sa kayamanan ni Crisostomo Ibarra.

Sinalaysay ni Padre Florentino ang mga pangyayari: bago nagpakamatay si Ibarra, ibinigay niya kay Padre Florentino ang isang kahon na naglalaman ng natitirang niyang kayamanan. Itinapon niya ito sa karagatan at ipinagdasal na ang makakakuha nito ay sana gamitin niya sa kabutihan.

May halong tuwa at lungkot ang nararamdaman ni Basilio. Ang kahon na iyon na lamang ang natitira niyang pag-asa upang maiwasan ang mga kaguluhan. Tinanong ng binata kung nasaan na ito ngayon.

“Nasa karagatang pasipiko na ito. Pero kung gusto mo talaga ito makuha, mukang may oras ka pa naman para abutin ito,” sagot ng pari.

Hindi na nagdalawang isip si Basilio na pumunta sa dagat at languyin ang kayamanan. Nagsimula na siyang magayos papunta sa dalampasiganat nagpaalam kay Padre Florentino.

“Basilio,” huling tawag ng indio. “mag ingat ka mula sa totoo nating kalaban. Tandaan mo ang mga pangako ni Ibarra sa iyo.”

El Filibusterismo: VenganzaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt