"It is for your best to end this damaging relationship. This is not just all about differences in our faith anymore. That misled feelings of yours is no longer healthy, hindi na e, nasisira na kayong dalawa, iyong present niyo, pati na rin kinabukasan. I'm begging the both of you, itigil niyo na ito. Live separate lives, after all, you are both still young. If you're really for each other, nothing will ever, ever get in the way. Kayo at kayo pa rin, at the right time, under the right circumstances"
Kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Nilapitan ako ni Kuya at inakay palabas habang nakasunod kay Mommy na inaalalayan din ni Daddy. Sinubukan kong lingunin ang lalaking siyang inikutan ng aking mundo sa nagdaang mga buwan ngunit nakayuko lang ito habang yumuyogyog ang mga balikat. Ayaw kong magpaalam, ni ayaw kong isipin ang katagang iyon, dahil sa puso ko, may konting silid pa rin ng pag-asa na balang araw, magtatagpo kaming muli.
© 2017 JasmineAnikaMarie. All rights reserved.
YOU ARE READING
Predestined
General Fiction"Goodbye is not really the proper term... Because I'm hoping... praying... pleading to God.. that one day, there'll be an 'us' again..."
