School for Dangerous Boys

5.2K 76 19
                                    

Kaye Punzalan POV

Delikwente, Basagulero.
Panira at Black sheep.
Lahat na yata ng pangit na deskripsyon ay ibinansag kay Shirou.

Si Shirou Yagiri ang half Japanese half Pinoy na kapatid ko.

Sa murang edad ay ilang beses na siyang muntik makapatay. Mahilig kasi siyang mang-away at mambugbog, pero  nalulusutan niya iyon dahil mayaman ang tatay niya.
Hanggang sa dumating sa punto na kinailangan nang magdesisyon ng kanyang ama.
Dahil hindi na raw makontrol si Shirou ay dapat na itong ipasok sa Kubojin High.

Ang Kubojin High ay kilalang paaralan para sa mga delikwenteng kabataan.
Pinaniniwalaan na ang sino mang basagulero na ipasok doon ay huhubugin para maging kagalang-galang.

Hindi pumayag si Shirou na mag-aral doon.
Ako rin. Ayoko siyang dalhin doon dahil ayokong magkakahiwalay kami. Lalo lang kasing lalayo ang loob niya sa akin kung magkakalayo pa kami.

Subalit kapwa kami walang nagawa.

Ipinasok pa rin sa Kubojin High si Shirou.

Naisip ko na pumasok din sa school na iyon.

Kaya lang...

Paano ako makakapasok roon kung paaralan iyon para sa mga lalaki?

At...

Kakayanin ko bang magtagal doon kung lungga iyon ng mga delikwente?

Anong gagawin ko?




A/N

Dati ko na to'ng story, inspired ng Ouran High, Gakuen Alice at Prince of Tennis.

Hindi ko lang itinuloy after kong mapanood ang Hana kimi. Pero since sabi ng kapatid ko iba naman ang angle, heto at itinype ko siya at ipinost dito.

Naisip ko rin na 'yung mga bida sa Hana kimi ang gamitin na imaginary characters.

Anime based po ito kaya Japan ang setting. Kunwari Japanese na din 'yung salita

Thanks for reading!

A/N 2017

Almost 5 years na-hiatus ang story na ito kaya narito ako. I-e-edit ang story.

Balak kong palitan ang mga Imaginary Characters since married na halos lahat ng mga ginamit ko noon.

Ang ipapalit ko ay sana ay ang mga characters sa Dangerous Boys/ Made me Shudder, pero right after kong mapanood ang Kencha Bancho Otome recently ay parang naisip ko na sila iyong perfect na gamitin para sa story na ito.

Balak ko rin sanang gawing Philippines ang setting nito which means mababago ang mga name ng mga character at ganoon na rin ang mga location, even ang school pero since may mga nagbabasa naman nito I decided na i-remain na lang na Japan ang setting nito.

So iyon!

I hope ma-enjoy nyo ang story na ito my dear jdrama/anime fanatic.

Sorry sa matagal na hiatus.

WARNING: Jeje pa. Tatapusin ko na muna bago ko i-edit.

Edited again 2023

School for Dangerous BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon