Thoughts#1

8 0 0
                                    

Thoughts#1

'Parating kulang, parating di tama, kailan ba magiging sapat?'

Jhea Marie Fernandez

Excited akong nag log in sa facebook account ko upang makita kung updated na ba ang story mo sa wattpad. Dito mo kasi pinopost kung may update ka na ba o hindi. At syempre kung may post ka na naman na kahit ano.

Post mo palang napapangiti na ako, pano pa kaya kung ma-notice mo ko edi nagpahanda na ako ng kabaong na fink.

Every posts mo palagi akong nagc-comment ng "Please, notice me po."
"Kyahhhh, add me please." "Mahlabs add mo na ko." "Notice me senpai."
Pero wala akong natanggap nareply.

Pero di ako susuko. Ganyan tayong mga fangirl. Hindi madaling sumuko. Wala sa bokabularyo ang salitang
Give Up.

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa tagal ng loading ng facebook. Ang bagal ng signal sing bagal ng pag move on mo. Char!

Aaminin ko siya lang ang naka see first sa fb ko para kung magpost man siya agad at una itong lilitaw sa News Feed ko.

Ang rami kong crush pero geeez ikaw lang ang tumagal ng ganito sa puso ko. Pinahanga mo ko sa bawat letrang tinipa ng mga kamay mo at dahil doon na kabuo ka ng kwentong minahal ko.

Nababaliw na ata ako. Inlove ako sa isang author na alam kong malabo namang pansinin ako.

Hindi na ako mapakali kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Ate. Di kami magkasundo kaya di kami close. 
Ganito ako,lulunukin ko ang pride ko o kahit zonrox para sayo.

Nahihiya talaga pero andito na ako eh.

"Ate? Pahiram ng phone at may is-search lang."

"Oh,pakibilisan ha?" Mataray niyang sabi.

"Thanks!" sabi ko at pumasok uli ng kwarto.

Nakaplan siya kaya mas-stalk ko uli si author-crush.

Gaya ng inaasahan ko, mabilis na nagload ng sinearch ko ang pangalan mo.

Kumabog ang puso ko ng makitang may bagong post ka. Update na ba ito? o Kadramahan mo lang sa life?

Binasa ko ito. Nanlaki ang mata ko.
Naibagsak ko ang cellphone kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Bakit nasasaktan ako ng ganito? Tagahanga lang naman ako diba? Tagahangang uhaw sa atensyon mo.
May karapatan ba akong umiyak ng ganito.

Inis na pinahid ko ang mga luhang nag unahang tumulo sa pisngi ko.

Ang sakit. Oo, mahal ko ang mga karakter na ginawa mo pero mas mahal kita.

Alam kong para sayo basura lang ang nararamdaman ko pero para sakin ito ang pinaka-importanteng bahagi ng pagkatao ko.

Oo nga naman no? Sinong tanga ang mamahalin ang taong di pa niya nakilala,nahawakan, o nasilayan man lang?

Oo ako ang tangang yon. Ako ang tangang umibig sa isang taong di ko pa nakikita sa personal o nahawakan man lang pero alam kong kilala kita dahil sa mga akda mo.

Naniniwala kasi akong salamin ang mga akdang ginawa ng isang tao sa kanyang sarili.

Sabagay, ganito naman tayong mga fangirl palaging nasasaktan at napapabayaan.

Humanga't nagmahal lang naman tayo diba? Ba't ang sakit?

Gusto kong pagmumurahin ang sarili ko, ba't sayo pa? Na alam ko namang di masusuklian?

Pinulot ko ulit ang cellphone ni Ate at binasa muli ang post mo.

"I love you so much." na nakatag sa isang babae.

Tae. Parang gusto kong kulamin yung babae. Tirisin ng paulit-ulit. Ipasalvage sa mga ninjang kakilala ko. Pagmumurahin. Imurder.

Pero ano bang magagawa ko? Kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Kung masaya ka sa babae na yan, edi go. Support kita, kahit masakit kakayanin.

Di pa ba ako sapat? Anong kulang?

Ganito kasi kaming mga fangirls, mapagparaya at mapagmahal.

May mahal ka na pala. Paano kami? Paano ako?

Hindi ito infatuation o obsession, alam ko sa sariling kong ...

Hinigugma, Pinalangga, Sinisinta kita.

Oo, Mahal na Mahal kita Otor.

Fan Girl Thoughts Donde viven las historias. Descúbrelo ahora