Chapter 56: The Prophecy

1.3K 52 4
                                    

The Prophecy

"Nandito na tayo," Jane.

Inalalayan ako ni Dwayne dahil medyo nahilo ako. Ginamit kasi namin ang portal ability ni Jane at sobrang bilis ng pangyayari dahil kanina ay nasa kwarto lang kami nila Jane at ngayon... nasa sagrado na kaming lugar... Ang Hidden Ronicames of Imperia at kasama din namin ngayon si Lola Agatha.

Maganda ang lugar na ito, maraming puno't halaman pero ang nakapagtataka... itim itong lahat. Medyo may kalumaan na rin ang lugar na ito.

Malawak, sobrang lawak. Siguro kasing lawak ng Adreana Academy.

Wala namang mga kagamitan dito kaya napakaluwag talaga. Pwera na lang siguro dun sa malaking bilog na orasan na nakasabit sa pader.

Pero kakaiba itong orasan na ito dahil sa bawat galaw ng kamay ng orasan na ito, nababawasan ang ilaw na nakapaligid dito.

At mapapansin mong konti na lang ang ilaw na natitira, wala na sa kalahati. Para saan kaya 'yun?

Napagtanto ko na ito pala 'yung lugar ng pinagdarasalan nila.

Naglibot-libot lang kami. Naglakad nang naglakad hanggang sa makarating sa isang kweba. Pumasok kami dito. Madilim. Pero may dala naman kaming torch na magsisilbing liwanag sa daraanan namin.

Maya-maya lang ay nakalabas rin kami at bumungad sa amin ang isang bridge.

Literal akong namangha at napanganga sa sobrang ganda nito. Hindi mo talaga aakalaing may ganitong klaseng lugar dito sa Imperia.

Naglakad kami patungo sa kabilang dako pero kailangan mo munang dumaan sa bridge na ito. Naglakad lang kami.

Ang ganda talaga. Maraming paru-parong nagsisiliparan. Lahat sila ay malayang lumilipad. Pero kulay itim ang mga ito ngunit makikinang naman silang lahat at nagsisilbi ring liwanag sa madilim na lugar na ito.

May dumapo sa aking isa. Lumipad ito at parang sinasabing sundan ko ito. Susundan ko sana kaso biglang nagsalita si Lola Agatha.

"Alam mo bang may kwento sa likod ng lugar na ito. Sabi nila... ang dahilan kung bakit may ganitong napakagandang lugar dito sa Imperia ay dahil raw sa puso ng isang batang lalaking may itim na kapangyarihan," literal na kinilabutan ako sa sinabi ni Lola.

Napansin kong parang natakot rin si Jane at Dwayne. Seriously?

"At sinasabing nakatago lang dito ang puso ng batang iyon," sabi pa ni Lola Agatha.

"Ano po bang nangyari sa bata na 'yun. Pinatay po ba siya?" tanong ni Dwayne.

Iyan din ang tanong na nabuo sa aking isipan na kung bakit puso ng isang batang lalaki ang dahilan ng pagkakaroon ng napakagandang lugar na ito.

"Hindi ko rin alam iho. Basta kung ano man ang tunay na kwento nito ay malalaman at malalaman rin ito kalaunan... dahil walang sikretong hindi nabubunyag," seryosong pagkakasaad ni Lola Agatha.

Ang haba pala ng tulay na ito dahil nasa kalahati pa lang kami samantalang kanina pa kami naglalakad.

At nakarating na rin kami sa dulo. Naglakad ulit kami at napansin kong nakasunod pa rin ang paru-parong itim.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon