Chapter 55: The Real Adversary

ابدأ من البداية
                                    

Naglakad siya papunta sa akin at umupo sa tabi ko. Tumingin siya kay Manang Agatha.

"Sabihin mo na Dwayne," sabi naman ni Jane. Teka. Anong nangyayari?

Hinawakan ni Dwayne ang kamay ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko.

I don't know but I can feel the nervous.

"Shakira, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to... Sina Queen and King Twilight ang lolo't lola mo," walang ano-ano'y tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit.

Pero parang kusa itong lumabas nang hindi ko man lang pinahihintulutan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot, magagalit. Wala. Hindi ko alam.

Hindi lang ako makapaniwala na sa mga panahong inisip ko na kami na lang ni tita Carmela, na siya na lang ang natitira kong pamilya ay hindi pala. Dahil may lolo't lola pa ako.

Niyakap ako ni Dwayne, at pinunasan ko ang luha ko.

"Pero paano?" Tanong ko.

Ngayon ay seryoso na akong tumingin sa kanila. Gusto kong malaman ang lahat. Kung paanong matagal bago ko nalamang sila ang lolo't lola ko.

Time has passed and I thought that I am already completed. But I was wrong. And now, I am ready enough to know everything. Every single detail about myself, about the race that I came from. It is a must for me to know everything.

"Ang ama mong si Keiro ang panganay na anak nila Margareth. At ang bunso naman ay si Carmela ang tita mo," Manang Agatha. So, tatawagin ko na ba siyang lola dahil pinsan siya ng lola ko?

"Paanong nangyaring hindi nila kami nakilala o hinanap man lang?" Tanong kong muli.

Eh kasi diba, bakit Sutherland ang gamit naming apelyido gayong Twilight naman pala. At bakit hindi sinabi nila papa ang tungkol dito?

Ngayon, si Dwayne na ang sasagot. Alam niya na pala ang lahat simula nang mawala ako sa Macedonia.

"Kasi..." Huminga ng malalim si Dwayne bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. Tumingin sa mga mata ko.

"Ang papa mo at ang mama mo ay nagmula sa ibang lahi. Si Tito Keiro ay isang Allied samantala, isang Allies naman si Tita Shane... Immortal na magkalaban ang dalawang panig na ito, at alam mo iyon. Ngunit lubha silang nagmamahalan kaya naman tinutulan ng hari at reyna ang kanilang pag-iibigan... Subalit, mahal talaga nila ang isa't isa. Kaya lumayo sila sa lugar na iyon, nagpakasal pero pinalitan nila ang apelyidong gagamitin. At iyon ay Sutherland... Isinama ni Tito Keiro si Tita Carmela na noon ay bata pa... Hinanap sila ng hari at reyna ngunit nabalitaan na lamang nila na may namatay na dalawang magkasintahan at isang batang babae dahil diumano sa pagsalakay ng mga mababangis na nilalang... Lubha itong ikinalungkot ng hari at reyna sapagkat inakala nilang namatay ang kanilang dalawang anak na susunod sana sa kanilang trono," paliwanag ni Dwayne.

Unti-unti akong naliwanagan pero meron pa ring mga katanungang bumabagabag sa akin.

Seryoso lamang na nakatayo si Jane habang nakikinig na parang siya rin ay naguguluhan pero unti-unti na ring naiintindihan.

"Diba sabi mo, isang Allies si mama? Paano nangyari 'yun?" I asked again.

Hindi ako titigil hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan sa isip ko. Dahil hangga't hindi ito nabibigyang-linaw ay pakiramdam ko... may kulang sa akin.

"Si tita Shane ay ipinadala ng kaniyang lahi upang magmasid sa Twilight Academy. Nakapasok siya sa paaralang ito... Nagkakilala sila. At sa kasamaang-palad, nahulog sila sa isa't isa... Batid nilang bawal ito pero wala silang magagawa dahil mahal nila ang isa't isa... Kapag ang pag-ibig na ang umatake wala ka nang kawala... Pero dahil nga magkalaban ang lahing kanilang pinagmulan, hindi pinahihintulutan ng hari at reyna na mag-ibigan ang mga ito... Gayundin sa panig ng Allies," Dwayne said.

So, it only means that I am half Allied and half Allies. Hindi ko inaasahan na ang lahing kinasusuklaman ko noon ay kalahi ko rin pala talaga. How irony.

"Isa pa pala... Sina Afanas and Hadriana Cerberus ang lolo't lola mo sa side ng mama mo dahil magulang niya ang mga ito... Sila ang hari at reyna ng Adrasteia," pagkasabi niya noon ay nakaramdam na naman ako ng pagkabigla.

Hindi ko inaasahan na sila ang lolo't lola ko. Sila 'yung nakita ko dun sa pagtitipon na naganap noong andun pa ako sa Adrasteia. Hindi talaga ako makapaniwala.

Ibig sabihin ba nito...

"Nagkaayos na ang Allied at Allies Vampires. Pormal na nilang itinalaga ang pakikipag-alyansang muli sa isa't isa laban sa kanilang tunay na kaaway... Ang Apollyon Vampires."

Someone's POV

Ngayong alam niyo na ang lahat. Humanda kayo. Dahil magsisimula na ang tunay na labanan.

And I will make sure that you're going to lose this battle.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن