"Kamusta?"

Di niya namalayan na naupo na si Ate Alex sa tabi niya. Inakbayan siya nito at niyakap siya.

"Ayos lang." tipid na sagot niya.

"Adie." usal nito sa isang concerned tone.

"If it is about Marco. Don't worry, akong bahala." sabi niya.

"I didn't ask you about him. I'm asking about you. Sa'kin ka pa ba magsisinungaling? I know there's something wrong. What is it?" concerned na tanong nito sakanya.

Huminga siya ng malalim at nangalumbaba. "Wala 'to Ate Alex. Nalulungkot lang ako kasi matatali na sa'yo si Kuya." dinaan nalang niya sa biro para maligaw ang usapan nila ni Ate Alex.

Tumawa naman ito at hinampas siya sa balikat. "Sira ulo ka talagang bata ka! Bakit? Gusto mo hiwalayan ko kuya mo ngayon na para tayong dalawa nalang ang magpakasal?" sakay nito sa biro niya.

Ngumisi siya rito. "Huwag na. Baka ipa-salvage pa ako ni Kuya. Tsaka 'di kita type 'no!" sabay halakhak niya.

Ngumuso naman ang Ate Alex niya at napahalukipkip. "Bakit? Sino type mo? Ang bago mong boss?" may halong pang-aasar sa tono nito.

"Sino? Si Marco? Yuck!" tanggi niya.

"Uyyy! Bakit ka diyan nagba-blush! Yiiiee! May hidden desire ka na kay Marco agad-agad. Eh halos apat na araw palang kayo nagkakatrabaho!" asar ulit sakanya ni Ate Alex.

"Tigilan mo nga ako Ate! Sige ka! Hindi ako kakanta sa kasal niyo!"

"Oo na. Titigil na. Hoy, tumayo ka na. Ikaw na ang sunod sa fitting." sabay tulak sakanya patayo sa couch.


Alas singko na ng hapon natapos ang fitting ng mga gowns sa kasal ni Ate Alex. Next week na ang kasal ng mga ito. She's so happy for her kuya. And also for Ate Alex.

Dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. Pumunta nalang siya si Adie sa restaurant ng kaibigan niyang si Jean. Kakaiba talaga ang restaurant ng kaibigan niya. Puro glass ang floor at walls para makita ang tubig sa ilalim na may lumalangoy na mga iba't ibang klaseng isda. Ang mga walls naman ay para makita ang garden at may illusion ng waterfall.


"Hi Jean!" bati niya sa kaibigang nakaupo sa bar counter.

"Ads!! Buti naman at naligaw ka ulit." sabay yakap nito sakanya.

"Day-off ko eh. Wala akong matambayan."

"Haha. Day-off sa computer,ballpen at papel kamo."

Hindi alam ng kaibigan ang pagiging secretary niya. Tanging si Ate Alex at Kuya Adrian niya lang ang may alam.

"Hindi rin. See?" sabay taas niya sa kanyang laptop.


Napailing nalang si Jean sakanya. "O siya sige. Doon ka sa may dulo. Hindi masyadong maingay roon. Makakapagsulat ka ng matiwasay." suhestiyon nito.

"Ayos! Thanks Jean!"

Dumiretso siya sa table na itinuro ng kaibigan. Umorder lang siya ng clubhouse at isang smoothie at tsaka binuksan na niya ang laptop na dala.





Halos dalawampung minuto na siya nakatitig sa blankong page sa MS Word. Wala siyang maisip na maisulat. Tinry niyang gumawa ng poem about sa clubhouse na kinakain niya pero naisip niya na ang panget naman nun. Tinry niya rin gumawa ng isang paragraph na tungkol sa smoothie pero naisip niya na mas lalong panget iyon.

Napabuga nalang siya ng maluwag. Just then, her phone rang. It was her Kuya Adrian.

"Oh kuya?"

"Ano itong narinig ko kay Alex na may gusto kang lalaki?"

"Ha?"

"Anong 'Ha' ka diyan! Ikaw princess ah, nagtatago ka na sakin ng sikreto. Sino naman ang swerteng hampaslupa na nagustuhan ng kapatid ko?"

Napaisip si Adie sa sinasabi ng kuya niya. Siya? May nagugustuhan? Then suddenly, a picture of Marco popped into her head. Nanlaki ang mga mata niya. Pinilig niya ang ulo para maalis ang kung ano man ang nasa isip niya.

Cannot be!! Cannot be!!

"Princess?" untag sakanya ng kuya niya.

"Wag kang maniwala kay Ate Alex. Alam mo namang baliw iyang fiancé mo. Gotta go kuya. Bye!"

Agad niyang tinapos ang tawag. Sandaling nakatingin siya sa computer screen niya.

Shet. Bakit niya naisip ang walang puso niyang boss?

Sabagay. Aminado siyang gwapo ito. Palaging mabango. Maganda ang katawan kahit na hindi niya pa ito nakikitang hubad o kahit half naked man lang.

Langya! Nagiging manyak na siya! Pero sino ba naman ang hindi magiging manyak kung ganoong adonis ang nasa harap mo.

Hindi niya pa nakikita ngumiti si Marco pero siguro kapag ngumiti ito ay mas lalong gagwapo. At maraming babaeng magkakandarapa rito.

Sa kakaisip niya ay maya-maya lang ay tuloytuloy na ang pagtitipa niya sa keyboard ng laptop niya.


Looking at you is as if time ticked slow
Eyes,lips and nose just made my face glow
Maybe I adore you but it's hard to show
Because someone like you is so hard to know

Napatigil siya sa pagtitipa nang basahin niya ang naisulat. Wait a minute kapeng mainit! Did she just confessed to her computer?

Maybe I adore you but it's hard to show

Shet itlog!

Umamin nga siya. Napapikit siya ng mariin at huminga ng maluwag.

"So what? It's just a crush. Ano naman ang masama roon?" bulong niya sa sarili.

"Sino ang masama?"

"Ay demonyo ka!" napaupo siya ng maayos sa sobrang gulat sa nagsalita sa harapan niya.

"Chill Ads." natatawang sabi ni Jean.

"Nakakagulat ka naman kasi!" hawak parin niya ang dibdib sa sobrang gulat.

"Adie, pwede ka bang kumanta? Isang song lang. Medyo maraming customers ngayon eh, mamayang six pa kasi dating nung singer ko. Isang kanta lang."

Napaisip si Adie. Oo, kailangan niyang mailabas ang bagong realization niya. Shet. She has a crush. Ang masaklap pa ay sa walang puso niyang boss.

"Okay." pagpayag niya.

"Yes! Sige go-go-go ka na sa stage. Akong bahala sa mga gamit mo." sabi ni Jean.

Isinave na muna ni Adie ang naitype at tsaka kinlose ang window. Mahirap na baka masilip pa ni Jean.

Umakyat na siya sa stage at kinuha ang isang gitara. Tinono na niya muna ito sa isang gilid at tsaka umupo sa isang stool sa gitna ng stage.


"Hello po. I hope you enjoy your meal."

She started strumming her guitar and started singing bringing her into a world like she's the only one living in there.

----------

VOTE AND COMMENT ;)

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now