Confessions

14 3 0
                                    

Pumunta sina Jean, Migz at Cesar sa loob ng building. Bago paman silang pumasok ay sinigurado muna ni Cesar kung ligtas ba at wala ba ang halimaw. Dahil nasa ligtas na lugar sila ay pumasok narin sila. Nakita ni Cesar ang isang telepono at lumapit siya roon para subukang matawagan ang mga pulis. Nanlaki ang kanyang mga mata nang ang telepono ay putol kagaya nong kanina. Agad niya itong ipinakita ni Jean ang telepono at nagsalita.

"G-ganito rin ang nakita ko kanina. Parang sinadya nila ito." Bulong na sinabi ni Cesar. Tingin lang ng tingin sa telepono si Jean habang si Migz ay nakangiti lamang. At nagulat na lamang sila dahil nakita nila sina James at Tess. Hingal na hingal silang dalawa dahil sa pagkaripas ng kanilang takbo. Agad namang tinanong ni Jean kung anong nangyari.

"Kami lang ang n-nakaligtas." Wika ni James.

"Pinatay na silang lahat." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tess.

"Nakita niyo ba kung saan pupunta ang halimaw?" Tanong ni Cesar.

"O-opo. Papunta y-ung halimaw.. Sa Bonifacio Station." Sagot ni James habang hinihingal parin ang binata.

Nagulat sila sa kanilang sinabi dahil naalala nila sina Dino at Julia.

Sa riles ng Bonifacio Station ay naglalakad sina Dino at Julia. Napapagod narin sila dahil wala silang pahinga at pinapatuloy na lamang sa paglalakad, masiguro na sila ay ligtas. May nakita silang lumang tren at pumasok sila roon. Nagulat na lamang sila dahil pero katawan ng tao ang nasa loob nito. Wala na itong mga buhay at duguan na. Nandidiri naman sila dahila sa kanilang natuklasan.

Bumaba na sila at niyakap ni Julia si Dino. Biglang tumawag ag tatay ng dalaga at agad niya itong sinagot.

"Daddy? Daddy hindi kita marinig. Daddy I Love You!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Julia habang si Dino naman ay nalulungkot. Habang nagdadalamhati sila ay hindi nila napansin na nasa tabi nila ang halimaw. Nakarinig sila ng kakaibang tunog at doon na nila nakita na paparating sa kanila ang halimaw. Tumakbo sila nang malakas pero nadapa si Dino. Nagpatuloy lamang sa pagtatakbo ang dalaga at hindi na niya namalayan ang kanyang boyfriend. Agad napansin ni Julia na hindi na sumunod si Dino. Gusto niya itong balikan pero huli na ang lahat. Tinusok ng halimaw ang puso ng binata at tumutulo na ang mga dugo na nanggaling sa kanyang bibig.

"S-sorry.." Ang huling salita ni Dino at siya'y namatay na. Dahil sa takot na mamatay siya ay kumaripas ang takbo ni Julia para makatakas.

Naghahanap ng daan si Cesar para makatakas na silang lahat. At doon niya naisip na basagin ang salaming nasa harapan nila. Agad kumuha si Cesar ng upuan at binasag niya ang salamin. Bago pa sila nakatakas ay nagsalita muna sina Jean at Cesar.

"Salamat sa lahat na naitulong mo samin." Mahinhing wika ni Jean.

"Gusto ko sanang sabihin ito sayo pero..." Pinutol niya dahil hindi pa siya handa. Nagmamalakas-loob siya para sabihin na niya ito.

"Pero?" Singit na tanong ni Jean.

"Pero.. Hindi parin nawala ang feelings ko sa'yo. I'm still inlove with you, Jean. So sorry." Sabi ni Cesar. Namangha naman sina James at Tess sa usapan ng dalawa ngunit meron na namang tumunog na kakaiba, paparating na ang halimaw. Dahil sa sobrang taranta ay napatakbo sina James at Tess papunta sa baba. Pinigilan ito ni Cesar ngunit hindi nila ito pinansin.

Bumaba na sina James at Tess sa hagdanan at pumunta sila sa ilalim ng tren upang doon magtago. Akala nila na ligtas na sila ngunit may biglang tumulo sa noo ni James. Nagulat si Tess dahil ang tumulo sa noo ni James ay dugo at nagtataka ito kung saan ito nanggaling. Tumingin sila sa taas at nanlaki ang kanilang mga mata nang nakita nilang nasa ibabaw na ang halimaw. Napasigaw sila sa takot at sila'y namatay.

Sinabihan ni Cesar si Jean na magdahan-dahan sa pagbaba. Agad naman itong sinunod ni Jean. Nasa baba na ang babae at sumunod na sina Cesar at Migz.

"Humawak ka nang mahigpit ha? Huwag kang bibitiw." Bulong ni Cesar kay Migz. Sumunod naman ang bata at nakababa na silang lahat.

Deadly StationWhere stories live. Discover now