"Killing Me Softly"

22 3 0
                                    

Narinig ng ibang pasahero ang sigaw ni Becky at napahinto sila sa kanilang narinig.

"Sinabi kona sa kanila pero ayaw nilang sumunod eh." Sabi ni Joshua.

Bigla nilang narinig ang isang tunog na kakaiba. Yun pala ay paparating na sa kanila ang halimaw. Agad silang pumasok sa tren para maging ligtas silang lahat. Pumunta sina Cesar at Joshua sa harapang bahagi ng tren upang isara at iandar ang tren. Ngunit nabigo sila dahil hindi ito gumana at parang nasira na. Humarap si Cesar at nagsalita para sa kanyang balak.

"Kailangan nalang nating maglakad papuntang Estrella Station."

Hindi sumang-ayon ang lahat sa balak niya dahil sa balot ng takot na sila'y mamatay. Tumayo silang lahat at nagkaroon sila ng sariling plano.

"Mas mabuti kung dito nalang tayo sa loob ng tren tutal matibay naman ang mga pintuan." Plano ni Joshua ngunit hindi sumang-ayon si Cesar.

"Paano ka nakakasigurong hindi pupunta dito ang halimaw?" Seryosong tanong naman ni Cesar.

"Sino ang gustong sumama sakin para matapos na ito?" Tanong ni Cesar habang inalalayan ang ibang pasahero.

"Kami." Wika ni Dino.

"Sigurado kaba dito babe?" Singit naman ni Julia sa kanyang kasintahan.

"Mas safe tayo kung sasama tayo sa kaniya. Dati palang meron na akong tiwala sa kaniya." Sagot ni Dino sa tanong ni Julia.

"Ano? Sila lang ba?" Tanong naman ni Cesar sa iba.

"Kami rin." Wika naman ni Jean habang bitbit niya si Migz.

"Habang meron pa tayong oras, halina kayo umalis na tayo dito!" Sabi ni Cesar at agad silang umalis.

"Bahala na kayo sa buhay niyo huwag na kayong babalik dito!" Singit naman ni Joshua.

Pumunta sina Cesar, Jean, Migz, Dino at Julia sa kabilang gate papuntang Bonifacio Station. Sinubukan ni Cesar na buksan ang gate ngunit nabigo ito, hanggang sa nakita niya ang gitara ni Dino. Pinaghahampas niya ang Switch gamit ang gitara ni Dino at maya-maya't bumukas na ang gate, ngunit hindi buo kundi mababa lamang. Kailangan pa itong humiga sa sahig para makalabas sa gate. Humiga na si Julia para makalabas. Sumunod naman si Dino. Papalabas na sana ngunit meron naman silang narinig na kakaibang tunog. Nagmamadaling lumabas si Dino at hindi na lumabas sina Jean, Migz at Cesar. Humiwalay si Cesar sa mag-ina dahil meron nanaman itong balak.

Habang naglalakad nang mahina at tahimik sina Jean at Migz ay hindi nila namalayan na sinundan na pala sila ng halimaw. Sila ay nagtago sa tabi. Nang madaanan ng halimaw ang pinagtataguan ng mag-ina ay biglang sumigaw nang mahina si Migz dahil sa takot. Tinakip ni Jean ang bibig ng kanyang anak.

Agad namang narinig ng halimaw ang mahinang sigaw ng bata. Agad niyang pinuntahan ang pinaroroonan ng ingay. Mahigpit na mahigpit ang pagtakip sa bibig ni Migz dahil ilang hakbang nalang ay paparating na ang halimaw.

Tumabi sa kanila ang halimaw at tinanggal niya ang suot niyang hood. Dahil sa sobrang takot ng mag-ina ay kahit isang salita lang ay hindi nila ginawa. Nakita ni Cesar ang dinaranas nina Jean at Migz. Tinulungan niya agad ang mag-ina para mailigtas sila. Kinuha niya ang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa. Itinapon niya ito sa malayo at nagdulot ito ng malakas na tunog. Napalingon ang halimaw dahil sa malakas na tunog. Umalis kaagad ang halimaw para puntahan ang pinanggalingan ng ingay.

Nakita rin nila Tess, Nicole, Joshua, Dexter at James ang buong pangyayari. Nagulat rin sila sa kanilang nakita dahil sa anyo ng halimaw. Sinarado nila ang mga pintuan para masiguradong hindi pupunta sa tren ang halimaw. Habang sinara ni Dexter ang pintuan ay nagulat na lamang siya dahil dumating ang halimaw at kinagat siya sa braso. Nanlaki rin ang kanilang mga mata dahil sa kanilang nakita at agad nila itong tinulungan.

"Tanggalin mo yung polo mo." Sabi ni Tess habang alalang-alala sa lalaki. Tinalian ni Tess ang sugat para hindi lumabas ang dugo ngunit patuloy parin itong umagos.

"Kailangang dalhin natin siya sa ospital. Mauubusan siya ng dugo at maaaring mamatay siya!" Tarantang sabi ni Tess habang abala sa pangagamot.

Habang sila'y nag-alala sa binata nang biglang bumalik ang halimaw. Dahil sa sobrang pagkagulat ay napalayo sila kay Dexter. Pinakinggan ng halimaw ang tunog na nanggaling sa loob ngunit wala siyang marinig. Napansin ni Joshua ang nais ng halimaw.

"Huwag kayong maingay. Naririnig niya tayo." Mahinhing pagkasabi sa kanyang mga kasama. Papaalis na sana ang halimaw nang biglang nag-ring ang telepono. Hindi nila alam kung saan ito nanggaling. Dahil sa lakas ng ringtone ay narinig ito agad ng halimaw. Bumalik siya at gusto niyang basagin ang salamin ng bintana. Katok nang katok ang halimaw hanggang sa mabasag niya ito. Nagulat ang lahat sa pagkabasag ng salamin. Lumingon ang halimaw sa kaliwa at sinundan niya ang daan papasok tren. Ganoon din ang naisip ni Joshua kaya agad niya itong sinundan.

Nais ni Joshua na buksan ang pinto sa harapan ngunit hindi niya ito mabuksan. Paulit-ulit niyang tinulak ang pintuan pero nabigo parin siya. Laking gulat nalanf nang biglang bumukas ang pinto at dahil sa lakas ng pagkabukas ay napahiga siya sa harap. Nanlaki ang kanilang mga mata at natuklasan nilang hinila ng halimaw si Joshua.

"Tulungan niyo ako! Aaahh!" Sigaw ni Joshua habang hinihila siya ng halimaw. Napakapit si Joshua sa kamay ni James at sinubukan nilang hilain ang lalaki ngunit malakas ang pagkakahila ng halimaw. Habang hinihila siya ng halimaw ay kinakagat niya rin ang likuran ni Joshua, dulot nito ay nanghina siya. Nawalan na ng lakas si Joshua at nabitawan niya ang kamay ni James. Nahila ng halimaw ang katawan ni Joshua at siya'y namatay.

Sinubukan nila James, Tess at Nicole na buhatin ang katawan ni Dexter. Nakita ni Nicole at nanlaki ang kanyang mga mata dahil papasok na sa loob ng tren ang halimaw. Pinalo ni Nicole sina James at Tess para pabayaan ang katawan ng lalaki at tatakas sila. Nakita nila na paparating na ang halimaw sa kanila at pumunta agad sila sa likuran ng tren.

Sinubukan nila Tess at James na buksan ang pinto sa likod ngunit ito'y matigas at hindi nila ito mabuksan. Habang si Nicole ay nanood lamang sa kanila at sa halimaw. Salita rin siya nang na parang wala na sa sarili. Kalaunan ay nabuksan na nila ang pinto.

"Bilis! Bilis! Bil- Aaahh!" Natatarantang sigaw ni habang nagmamadaling lumabas sina James at Tess. Paglabas nila ay nakita na nilang hinila ng halimaw si Nicole.

Tumilapon si Nicole sa pader at dahil sa lakas ng pagkahagis ng halimaw ay nanghina ang babae at napaupo dahil sa sakit. Pagkatapos ay nakita niya ang halimaw na nasa harapan niya. Dahil sa kanyang takot ay napasigaw siya at narinig nila James at Tess ang sigaw ng babae.

Napahinto silang dalawa dahil sa lakas ng sigaw. Alam na nilang patay na ang babae at nagpatuloy parin sa pagtakbo.

"H-halika na baka maabutan pa natin ang iba." Wika ni James habang hinihingal. Bumaba sila sa hagdanan para magtago. Nang bumaba na sila ay biglang lumabas ang halimaw. Punung-puno ng dugo ang kanyang bibig at tila hinahanap niya ang iba pang pasahero ng tren.

Deadly StationWhere stories live. Discover now