Gusto kita

43 0 0
                                    

Nung una Hindi ko pa alam
Nung una hindi ko pa ramdam
Nung una akala ko natural lang
Nung una akala ko walang kulang
Sumunod akin ng naintindihan
Paunti unti kong nalalaman
Yung dating akala ko wala
Meron pala, na sobrang halaga
Yung dating hindi ko alam
Ngayon ko dinamdam
Nakilala ko ang isang ikaw
Ikaw na nagbigay ilaw
Ikaw na akala ko wala lang
Ikaw pala ang kulang
Ikaw ang kokompleto
Ikaw ang bubuo
Oo tama nga ako
Ikaw nga, ikaw ang bubuo sa buhay ko
Ikaw na may perpektong ngiti
Ngiti na isinuot mo sayong labi
Labi mong nais kong matikaman
Yakap mong nais kong maramdaman
Ang astig talaga ni kupido
Sa lahat kase ng tao sa mundo
Sayo ako nahulog ng todo
Anong klaseng bangin ba ang ginawa mo?
Na kahit anong pagtaas ang gawin ko
Hindi ko magawang makawala sa pagibig nato
Tapos ko ng mapagtanto
Tapos ko ng makompleto
Nabuo ko na ang mga piraso
Piraso ng mga konklusyon
Piraso ng mga impormasyon
Ibedensya yon ng aking nararamdaman
Piraso na kayang patunayan
Patunayan ang aking mga nalaman
Ano? Naintindihan mo na ba?
O naguguluhan kapa?
Sa dulo ng tula ko ay malalaman mo
Kung naintindihan mo ,oo tama ang intindi mo
Pinana ang puso ko ni kupido
Nung unang kita ko palang sayo :)

-Pekeng makata❤

Pekeng Makata ❤Where stories live. Discover now