Tragedy

30 3 0
                                    

Pumunta muna sila Dexter, James at Brandon sa banyo para umihi. Naghahanap rin ng signal si James ngunit walang signal sa lugar na iyon. Pumasok na sa banyo si Dexter habang si Brandon naman ay naghihintay sa kanyang kaibigan. May napansin si Brandon sa bodega na kakaiba. Pumunta siya roon at nakita niya ang isang Black Hood na nakasabit. Pagkatapos ay ginulat siya ni Dexter at nagmamadaling lumabas papuntang gate.

Sa harapan ng gate ay nandoon sina Becky, Nicole, Tess, Manang Delia at Joshua.

"Ano ba 'yan bakit nakasara ang gate?" Tanong ni Becky sa iba pang pasahero.

Sumunod naman sina Dino, Joshua, Jean, Migz, at Cesar at nagulat sila sa nangyari. Nagwawala na naman si Joshua katulad ng nangyari sa tren kanina.

"Sarado din 'yan? Ano ba naman toh!"
Reklamo ni Nicole.

"Bakit nakasara ang gate? Abuso nato ah!" Sabi naman ni Jean habang bitbit ang kanyang anak na si Migz. Pinili nalang nilang maghintay lamang hanggang sumikat ang araw.

Sila ay nagpahinga sa tabi ng gate. Naglakad si Manang Delia papunta sa tabi ng pinapahinga ng ibang pasahero. Si Tess naman ay hinahanap niya ang kanyang cellphone dahil ito'y nawala. Tumayo si Cesar at humarap sa mga pasahero.

"Meron bang signal sa inyo?" Tanong niya.

"Ako wala." Sagot ni Dino.

"Ako rin wala eh. Nawala pa nga yung cellphone ko." Sabi ni Tess.

"Alam niyo? Masyado na kayong OA. Pwede naman tayong magstay-over dito diba? Hahahaha!" Birong sagot ni Becky at uminit nanaman ang ulo ni Joshua.

"Kanina kapa ah. Hindi kami nakipagbiruan dito!" Sabi ni Josh gusto na niyang patulan si Becky. Inawat naman ito ni Cesar para matigil ang away.

"Mas maganda siguro kung maghanap tayo ng telepono dito."

"Sasama kami. Para kasing may napansin ako dun." Wika ni James. Sumama narin si Joshua upang makatulong siya. Agad silang pumunta sa teleponong nakita ni James. Sinubukan nilang iangat ang bintanang gawa sa bakal at sila'y nagtagumpay ngunit nanlaki ang kanilang mga mata at kumunot ang kanilang mga noo nang nakita nilang putol ang wire ng telepono. Ganundin sa katabi ng bintana na putol ang wire ng telepono. Lumayo si Brandon sa kanila at nagsalita.

"Alam niyo kasi, maglakad nalang tayo papunta Estrella kaysa maghanap ng te- Aaahh!" May humablot kay Brandon galing sa taas. Nakita ni Joshua na may hagdanan pataas at agad silang umakyat sa hagdan. Pagbukas ng pinto ay nanlaki ang kanilang mga mata nang makita nilang wala nang buhay si Brandon. Butas ang kanyang katawan at nawala ang kanyang puso. Nandidiri naman ang mga
lalaki dahil sa kanilang nakita. Kumaripas ang kanilang takbo papunta sa pinapahingahan ng mga pasahero para ipaalam ang nangyari.

Nakadating rin sila agad at nagtaka ang iba kung bakit sila natataranta.

"Kailangan na nating umalis dito!" Sabi ni Cesar habang hinihingal.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong ni Jean.

Sinimulan ni Cesar ang kuwento para malaman ng iba ang nangyari. "Yung kaibigan nila, may humablot sa kanila at naabutan na namin siyang wala na ang kanyang puso. Kaya umalis na tayo dito habang meron pa tayong oras! Babanggain natin ang gate kaya pumasok na kayo sa loob ng tren."

Natakot sila sa kanilang narinig at maya-maya't pumunta na sila sa tren. Napansin ni Joshua si Becky na tinatawag niya ang matandang baliw na si Manang Delia.

"Hoy! Halika na dito pabayaan na natin siya."

"Bahala na kayo, kayo na bahala sa buhay niyo!" Nagpupumilit na sigaw ni Becky kay Joshua. Kaya walang naisip si Joshua na iwan ang bakla, pati narin ang matandang babae.

Agad pumunta si Becky sa matanda at nagpupumilit itong kausapin ngunit dasal nang dasal si Manang Delia at binabanewala lamang niya ito.

"Halika na dito ate. Tatakas na tayo please pakinggan moko. Para matigil na ang lahat para makita mona ang asawa mo!" Sabi ni Becky kay Manang Delia. Biglang huminto sa pagdadasal si Manang Delia dahil sa kanyang narinig.

"M-matagal nang patay ang asawa ko. Kaya malapit kona siyang makita." Tinuloy parin ni Manang Delia sa pagdadasal. Nainis na si Becky at naisip nalang niyang iwan ang matanda at magtago na lamang.

"Hail Mary, mother of God. Pray for our sins, now and at the hour of our dea-". Biglang tumigil sa pagdadasal ang matanda at nanlaki ang kanyang mga mata nang nasa harapan na niya ang halimaw na kakaiba ang anyo. Isang halimaw na walang mata ngunit malakas ang kanyang pandinig kahit mahina lang. Tinusok ng halimaw ang puso ng matanda ang binawian siya ng buhay.

Kinain niya ito at nakita ni Becky ang buong pangyayari. Dahil sa pandidiri ay napasigaw siya nang mahina at narinig ng halimaw. Agad pumunta ang halimaw sa kinaroroonan ng sigaw at nagulat si Becky dahil paparating sa kanya ang halimaw. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang kanyang gagawin at tumakbo na lamang. Habang siya ay tumatakbo ay sinusundan naman siya ng halimaw. Wala nang daanan at napahinto si Becky at dulot dito ay napasigaw siya sa takot at siya'y namatay.

Deadly StationWhere stories live. Discover now