Chapter 23: Lesson #14: Forgive and Forget

Începe de la început
                                    

"For you, babe. This is my peace offering to you. Hope you will accept it." Ngumiti pa ito nang alanganin. Halatang kinakabahan ito. Para bang ngayon lang ulit niya ito nakita na ganoon kakabado.

Parang namang biglang namuo ulit ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. It's an awkward feeling na para siyang nasa gitna ng nag-uumpugang bato. Nakita niyang masama ang tingin ni Dexter dito kaya naman nag-aalangan din siyang tanggapin iyon. Ayaw niyang isipin ni Dexter na totoong nakipagbalikan siya kay Paolo. Ayaw niyang magalit na naman ito kaya nagpasya siyang hindi tanggapin iyon.

"I'm sorry, Paolo. Nagkamali ka yata ng pinagbibigyan mo? Hindi para sa akin iyan. Marami kang girlfriend, hindi ba? Sa kanila mo na lang ibigay iyan," mahinahon ngunit may pagkasarkastikong sabi niya sabay baling kay Dexter. Umabrisyete siya sa braso nito. Nakita niya ang pagtiim-bagang ni Paolo at ang mahigpit na paghawak nito sa bulaklak. Mukhang nagalit ito sa sinabi niya.

You deserve it. Ginaya lang naman kita, sabi ng isip niya habang palihim na sinulyapan ito.

"Hindi ka na ba galit sa akin, my heart?" malambing na tanong niya kay Dexter na sinadya niya pang iparinig kay Paolo.

Umiling naman si Dexter. "Ofcourse not, sweetheart. That why I'm here. I want to invite you for lunch kung okay sa'yo at kung hindi ka busy dito," tugon nito saka hinawakan ang kanyang kamay.

Hay salamat sa Diyos, mukhang okay na kami. Nakaka-miss talaga ang ganito. Makita ko lang siyang nakangiti nabuo na ang araw ko. Tila nangangarap na nakatitig siya sa mukha nito. Hindi niya lubos maisip na makakasama niya ulit ito pagkatapos ng hindi nila pagkakaunawaan.

"Sweetheart..." tawag nito sa kanya kasabay ang pag-snap ng daliri.

"Ano ulit iyon?" wala sa sariling tanong niya.

"Sabi ko, lunch tayo. Para makapag-usap na rin. I think you should have to explain everything to me," seryoso nitong sabi dahil diniinan pa nito ang huling sinabi.

Napalunok naman siya ng laway. Akala niya ay okay na sila pero mukhang galit pa rin ito sa kanya. Marahil ay dahil sa biglang pagsulpot ni Paolo sa eksena. Nag-alala siya na baka maudlot pa ang reconciliation nilang dalawa ni Dexter.

"Okay, sandali lang at magpapalit ako ng damit," paalam muna niya rito at tumalilis na para hubarin ang chef uniform niya.

"Let's go," aya niya kay Dexter matapos niyang makapagpalit ng damit at mag-retouch nang kaunti.

"Sorry, Paolo. We have to go. Makakaalis ka na rin." Umabrisyete na ulit siya kay Dexter at iginiya ito palabas ng bakeshop para mabawasan na rin ang tensyon sa paligid. Ramdam niyang nagngingitngit sa galit si Paolo habang nakatingin sa kanila. Masama pa rin ang tingin nito kay Dexter. Parang naghahamon ng away.

Sumakay na sila sa kotse nito pero wala pa ring imik ito hanggang sa mag-umpisa na itong magmaneho. Lalo siyang kinakabahan. Akala niya ay okay na sila pero parang pakiramdam niya ay nakaupo na siya sa hotseat para sa interrogation nito maya-maya.

"D-Dex..." tawag niya sa pangalan nito pero tanging "huh?" lang ang sinagot nito kaya hindi na niya itinuloy ang dapat sana ay sasabihin. Tahimik lang sila hanggang makarating sa isang magarang hotel and restaurant.

Hays! Ang hirap naman kapag moody ang boyfriend mo oh. Ang hirap spell-engin. Spell Dexter, Certified M.O.O.D.Y.

Pumasok sila sa loob niyon at umupo sa nakareserba nang upuan para sa kanilang dalawa. Um-order na rin ito ng kanilang pagkain. Tahimik pa rin ito habang kumakain sila. Sa palagay niya ay wala siyang balak kausapin nito kaya naman ibinaling na lang niya ang inis sa pagkain. Parang lahat ng pagkain na kainin niya masarap para sa kanya. Kahit nga ang buto ng roasted chicken na inorder nito ay sinimot niya.

Operation: MOVE ON (Wattys2017 Winner)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum