More than friends, Less than lovers

264 6 4
  • Dedicated to jolo miranda
                                    

More than friends,

Less than lovers

“When we look up in the sky,

we are trying to find the way back to ourselves..

-Jostein Gaardner

Sophie’s World

Naalimpungatan ako ng magising dahil sa traffic. Hindi lang pala Maynila ang may gantong traffic. Kahit nasa bus ako naiinip pa din ako. Gulat naman ako, nasa Muñoz na pala. Tumayo na ako at pumwesto sa bandang harapan ng bus, naghahanda nang bumaba.

Ambagal pa din umandar. Anu ba naman yan. Naiinip na talaga ako. Napaihip ako at bahagya namang nilipad ang buhok ko sa harap ng mukha ko. Naiinip na talaga ako kaya bumaba na ako. Lalakarin ko na lang siguro.

Bumaba na ako sa Bantug kahit sa CLSU pa naman talaga ako bababa. Nang makababa na ako, noon ko lang nakita na mayroon palang patay? Galing ata sa loob ng CLSU. Ang daming tao. Daming kaibigan netong namatay. Sino kaya yun? Ano kayang ikinamatay? Karamihan sa mga nasa prusisyon ay mga kabataan at estudyante, dahil yung iba mga naka-uniform pa. Siguro bata pa yung namatay. Andami nyang kaibigan. Andaming nakikiramay ooh! Pag ako kaya ang namatay? Ewan ko lang kung may pupunta.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na lang papuntang main gate. Mula ngayon isa na akong opisyal na estudyante ng CLSU. Hindi bilang 1st year college kundi isang transferee mula sa ibang eskwelahan. Kung bakit ako nagtransfer? Hindi na mahalaga yon dahil ang mahalaga ngayon ay andito na ako sa CLSU.

Nakakapagod ang byahe para sa iba, pero para sa akin paglalakbay ang pinakamasarap na gawin sa lahat. Gustong gusto kong bumabyahe kahit saan lang. Basta hindi ako mapakali kung hindi ako babyahe at aalis. Ayos lang sa akin kahit na wala akong kilala sa lugar na pupuntahan ko basta bagong lugar game akong pumunta. Kaya nga ang una kong kurso ay Community Development, para kahit saan ako ipatapon. Isa pa, marunong akong makisama. Hindi maarte kung anong merong pagkain kakainin ko. Sanay na ako, kasi sa dati kong eskwelahan ay madalas kaming makipamuhay sa komunidad. Tribo man o urban poor, pwede ring sa magsasaka o di kaya sa mga mangingisda. Pinaka gusto ko noong makipamuhay kami sa mga batang kalye.

Pero ngayon, nagpunta akong CLSU hindi para makipamuhay lang at mag-organisa kundi para hanapin ang sarili ko. Tama, hahanapin ko ang sarili ko sa dati kong bayan. Dito ako ipinanganak sa Muñoz at dito rin ako lumaki. Sampung taong gulang ako ng lumipat kami sa Maynila at lisanin ang Muñoz. Sa Muñoz Elementary School ako noon nag-aral at madalas kaming pumunta dito sa CLSU ng mga kaklase ko noon. Dito ako unang nagkaroon ng mga kaibigan at nakilala ang unang hinahangaan. Dito ako nahilig sa musika at dito rin gumawa ng maraming kalokohan noong bata pa.

At ngayon nga na makalipas ang sampung taon bumalik ako dito para hanapin ang kalahati ng buhay ko. Mali ka, hindi babae ang hahanapin ko dito kundi ang ibang parte ng sarili ko. Marami kasi ang bahagi ng buhay at pagkatao ko ang naiwan sa lugar na ito. Lalo na ang mga alaala.

“Magkakilala ba kayo?”

Yan ang tanong nila sa amin nang ipakilala kami sa isa’t isa ni scooter girl. Si scooter girl yung babae na lagi na lang nawawala kapag tatanungin ko na ang pangalan. Una kaming nagkakilala sa bleacher, yun yung gabi na dumating ako sa CLSU.

Byernes noon kaya kaunti ang mga estudyante dahil uwian na ng mga naka-dorm at naka-boarding house. Dahil biglaan ang paglipat ko ng eskwelahan, halos tatlong linggo na akong nahuli sa opisyal na pagbubukas ng klase.

Mabuti na lamang at nakahanap ako kaagad ng uupahang boarding house sa Osmeña (Isang lugar sa CLSU). Kaaalis lang kasi ng dating nakatira doon kaya naman kinuha ko na agad. Dalawa kami sa isang maliit na kwarto. Dylan ang pangalan ng room mate ko. Ayon sa kanya, taga Cabanatuan City sya at 3rd year na. Kumukuha ng kursong AB Social Science. Wow! Astig ang kurso nya, mala-aktibistang pakinggan.

More than friends,  Less than loversWhere stories live. Discover now