Lumingon Ka

566 6 1
                                    

Sa tuwing tinitingnan kita,
Nakikita ko ang mga tingin mo'y palaging nasa kanya.
Yung tingin na nagsasabing 'ang babaeng ito ang kukumpleto sa akin'
At nais kong malaman mong nasasaktan ako pero ang hirap aminin.

Nakikita man ng lahat na masaya ako sa ngiting ipinapakita ko
Kahit na sa totoo'y umiiyak ako, naghihinagpis ngunit pilit kong itinatago
Sana kahit ngayon lang ay lumingon ka sa direksyion ko
Ng makita mong may nasasaktan tuwing iba ang tinitingnan mo

Na mayroong babaeng nangangarap mula sa malayo
Nangangarap na sana siya nalang ang babaeng mahalin mo

Inaamin kong ako'y di nababagay sayo
Langit ka, lupa ako
Gwapo ka, panget ako
At higit sa lahat, hinahangaan ka ng lahat habang ako'y nagpapakatanga lang sayo

Alam ko kung minsan ay baliw ako
Pero pagnagmahal ako, aasahan mong ako'y seseryoso
Alam kong makulit ako
Pero alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko
Alam kong matalino ako
Pero bakit pagdating sayo ang tanga-tanga ko?

Mahal kita ba't di mo yun makita?
Sadya bang di mo talaga makita o nagbubulag-bulagan ka?
Andito ako para sa'yo
Pero sasabihin kong malapit na akong sumuko

Sobra-sobra ang pagmamahal ko sayo
Na umabot sa puntong para akong aso na sunod ng sunod sayo
Sunod ng sunod sa taong may gustong iba
Kahit na nagmumukha na akong tanga

Pakiusap lumingon ka lang sa direksiyon ko kahit isang beses
At kahit sa huling pagkakataon ay marinig ko ang iyong boses
At kahit masakit sana sabihin mo ang linyang ito.
'Patricia, sumuko ka na. Hindi ikaw ang mahal ko'

Patzyboo's One-Shot CompilationWhere stories live. Discover now