3

3.7K 98 11
                                    

Gems's POV:

         Nakabusangot akong bumaba sa sasakyan ng huminto kami sa mall para bumili ng mga gamit. Napag alaman lang naman po namin na mag over night kami doon at ni isang damit wala kaming dala. This is so fail!

         Kanina pa din ako pikon na pikon dahil hindi talaga nila ako tinigilan sa kakasar. I hate them! Kaya minsan hindi ako sumasama sa kanila e napilit lang talaga ako nila Mommy and Daddy na sumama.

          Pag pasok namin sa Forever 21 ay nag hanap kaagad kami ng mga kakailanganin namin buong trip at dahil binadtrip nila ko, lagot sila sa akin.

          I put all the things na makita ko, gusto ko man o hindi. D*mn it! I can pay them at dahil sila ang magdadala ng paper bags mamaya lagot sila.

           Kuha lang ako ng kuha until mapahinto ako dahil may nag salita na isa sa kanila. Tinitingnan nila akong lahat ng nagtataka habang sila Kuya Cob, Kuya Josh at Kuya Teejay ay tiningnan ako ng nakangisi sabay lingon sa hawak ko.

          Napalunok naman ako ng makita ko na may hawak akong brief. Gooosh! This is so embarassing. Nilingon ko kung saan ko kinuha yun and I saw a two piece bikini beside where this thing placed. Nginisihan ko sila at bumalik sa racked na yun habang sila nakasunod sakin ng tingin.

                "Well," Ngumisi ako at ibinalik ang brief sabay kuha nung maroon two piece. "I thought eto nakuha ko." Inilagay ko yun sa pinaglalagyan ng pinamili ko na hawak ni Kuya Cob at Kuya Josh. "Let's go!" Aya ko sa kanila pero napahinto ako sa paglakad ng may humawak sa braso ko.

       Nakita kong ibinabalik ni Kuya Cob sa racked yung bikini pero nagmadali akong lumapit at hinablot yun sa kanya.

                 "What are you doing?" Mataray kong sabi habang hawak yung bikini.

                 "No one will wear that fabric." Sabay-sabay nilang sabi nila Kuya Josh at Kuya Teejay.

                 "Well." Nakangisi kong sabi ng sabay-sabay na nagtaas ng bikini sila Hope, Lex at Ate Chesca. Sabay-sabay naman din silang napamura at para di na sila mapigilan ay nagmamadali silang nagpunta sa counter to pay even Kuya Cob na dala ang mga pinamili ko. D*mn! Too childish.

        Lalakad na sana ako para magbayad ng may humila nung bikini sa kamay.

               "Oww! Not you young lady." Seryosong sabi ni Tito Bronze at ibinalik sa racked yung bikini. Huminga ako ng malalim para magtimpi pero punong-puno na ako dahil kanina pa nila ako iniinis.

                "What the hell is your problem?!"  Parang gustong kong isigaw ang frustrations ko sa kanila. Napatiim bagang naman sya.

               "Watch your mouth!" Gusto kong umatras dahil sa boses nya pero hindi ko ipapakita sa kanya na natatakot ako.

                "I can do what I want. I can wear what I want. And you don't care." Seryoso kong sabi at kukunin na sana yung bikini ng hilahin nya ako palayo doon.

        Ipinalag ko yung kamay ko at tuluyan ng naiyak dahil sa inis. Yun yung ugali ni Mommy na nakuha ko, umiiyak kaming patehas pag nasobrahan sa inis o nasobrahan sa galit. He looked at me shocked.

                "D*mn all of you!!" Hiyaw ko at nag martsa na palabas habang sya iniwan kong nakatitig lang dun.

       Nadaanan ko sila sa counter kaya naman hinila ko ang mga pinamili ko kay Kuya Cob at walang sali-salitang ibinaba yun sa counter. Maraming customers na nakapila ang nag reklamo pero wala akong pakealam. Gulat man ay iniayos naman nung sales lady ang mga pinamili ko.

          Inilabas ko ang card ko at iniabot agad yun. Narinig ko pang nag salita si Kuya Teejay pero wala akong pakealam. Mag sama-sama sila.

                  "Sagot lahat ni Tito Bronze ang buong trip even this thing Gem."

          Pagkabayad ko ay kinuha ko ang sampung paper bag na pinaglagyan. Lima sa kanan at lima sa kaliwa, kukunin sana nila pero hinila ko. Nakita kong nag aalala naman akong tiningnan nila Ate Chesca, Hope at Lex.

                  "I can handle this. I don't need anyone's help. " Seryosong sabi ko bago sila talikuran.

         D*mn it! Ako din pala mag hihirap sana pala di ko na dinamihan. Argg! Gusto ko man mag pasundo ay di ko ginawa dahil napakalayo na namin at mukhang malapit na kami sa beach.

        Nauna na ko sa sasakyan. I sat on my place and put my aviators and earphones on. Ipinikit ko ang mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Ano ba problema nila sa gusto ko? Ano ba problema nila sakin at ako lagi ang iniinis nila? Nandyan naman sila Lex, Hope at Ate Chesca bakit hindi sila ang pagtripan nila.

          Wala pang 20 mins. ay naramdaman ko ang pagbukas ng sasakyan. Hindi ako gumalaw at pinanatili ang ayos ko. Alam kong tinitingnan nila ko dahil nararamdaman ko ang mga titig nila. This time alam kong babae ang tumabi sa akin dahil naririnig ko ang mga salita nila.

         Mas tahimik ngayon compare sa kanina. Naririnig kong nagbubulungan sila pero I don't care. Hindi ko alam na nakatulog pala ako, nagising nalang ako ng may yumugyog sa balikat ko.

                "Gem. We're here."

        Tinanggal ko naman ang earphones ko at inilagay sa handbag ko bago itaas ang aviators ko. Tinanguan ko lang sya at tuluyan ng bumaba. Inilibot ko ang paningin, hmmm. Not bad! In my pheriperal view nakita kong nakatingin sakin ang mga lalaki habang may kinukuha sa trunck.

         Lumapit ako dun kaya tumabi sila. Kinuha ko ang mga pinamili ko kanina at ako mismo ang nag buhat nun. Walang sali-salitang tinalikuran ko sila at pumasok, sumunod naman sakin ang mga babae na walang dala.

         I sat on the sofa at hinayaan na sila ang makipag usap dun at dahil hindi kalayuan ay naririnig ko pa din sila kahit nakasandal ako sa sofa at nakapikit. D*mn! I'm still sleepy, the trip is so tiring! Haaay!

               "In Bronze Axel Smith reservation please. " Rinig kong sabi ni Ate Chesca.

              "2 rooms Ma'am?" Paninigurado nung receptionist kaya tumango naman sila.

               "We'll gonna get one key first. We're so tired na kasi pero Tito Bronze is coming na rin naman." Sabi ni Lex.

       Hindi ko na hinintay na tawagin nila ako. Dumilat agad ako at tumayo na at sabay-sabay kaming lumakad papunta sa elevator.

        Pagdating sa room ay ibinagsak ko kaagad sa tabi ng isang kama yung mga gamit ko. Well may 4 na kama na pang isahan, the room looks clean though.

        Tinanggal ko ang rubber shoes na suot ko leaving only the socks bago tuluyan humiga sa kama at mag talukbong ng comforter dahil nilalamig ako sa lakas ng aircon. Tinalikuran ko sila at pumikit. Alam ko di ko dapat sila binibigyan ng silent treatment pero gusto ko munang palamigin ang ulo ko. Hindi ako yung tao na magsasalita ng di pinag iisipan. Haaay!

. . . . . . . . .

Hala! Galit si Gem. Hahahaha 😂😂 So guys? Comments are much appreciated. 😝😝 #NoBrain

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon