CHAPTER 19: Layuan

393 12 0
                                    

[Tanya's POV]

Nakatingin ako sa kisame nang aking kuwarto ngayon ... di ako makatulog dahil sa sinabi ni Clifford totoo ba talaga iyon? ang buong akala ko ay kaibigan ko lang siya.. pero Mali ako..

"Tanya"

Agad akong napabangon at inayos ang buhok ko nang pumasok si kuya sa kuwarto..

"hmm?"

"Di ka pa tulog okay kalang ba?"

Tanong niya at agad na napaupo sa tabi ko..
napatango tango nalang ako pero seryoso parin ang mukha niya..

"Hahaha ano kaba okay lang ako noh?! okay na okay!"

sigaw ko sakanya habang naka peace sign ayaw kong nakikita si kuya na nag aalala kahit masakit para sakin pinipilit kong ngumiti..

"Alam kong nasasaktan ka,"
Sabi ni kuya kaya biglang naglaho ang mga ngiti sa mukha ko gusto kong lumayo si clifford sakin para maiwasan ang gulo pero ang hirap palang gawin.. sobra..

naramdaman kong may luha na pumatak sa aking pisngi kaya agad ko itong pinunasan at napaiwas nang tingin kay kuya.. tska lumayo.. at nag taklob ng kumot..

hinawakan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko.. Lalo na't nandito si auntie..

Gusto kong umiyak nang umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman ko buong gabi..

naramdaman kong lumapit si kuya sakin at hinawakan ang ulo ko..

"Alam kong nasasaktan ka.. pero magiging okay din ang lahat tanya"

Sambit niya kaya mas lalo akong umiyak nang umiyak at tinanggal ang kumot na nakatakip saaking mukha tska umupo at humarap kay kuya..

"Kuya masyado ba talaga akong tanga? para hindi mapansin yun? masyado ba talaga akong manhid? kaya nasaktan ko siya sobra nang ganun?"

hindi ko napigilan ng sarili ko kaya napakaraming tanong ang lumabas mula sa bibig ko..

"Tanya wag mong sabihin yan hindi mo kasalanan wala kayong kasalanan,, Sadyang masakit lang talaga lalo na pag nagmamahal"

seryosong sabi niya at ipinatong ko ang ulo ko sa aking nga tuhod..

"Ba-bakit ganun kuya?"
sabi ko sakanya..

"Ano?"

tanong niya..

"Bakit ako pa ang minahal niya? bakit ako pa ang nagustuhan niya? bakit di nalang siya sumuko para di siya umasa sa wala"

Niyakap ko bigla si kuya at naramdaman kong hinahawi hawi nya ang buhok ko..

"Tahan na tanya matulog kana may pasok pa,, magiging okay din ang lahat ayaw ni clifford na umiiyak ka.."

Bulong ni kuya sakin kaya agad akong kumalas sa pagkakayap ko sakanya at tumango saka pinunasan ang mga luha ko..

tumayo na si kuya sa pagkakaupo niya at lumabas na nang kuwarto..

agad naman akong napahiga at tinignan ang kisame.. tska napapikit nang kusa ang mga mata ko..
*
*
*
[Jacob's POV]

naawa ako para kay tanya gusto kong makielam pero hindi ko magawa..

agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong nag text si Tracey..

from:Tracey
Hey jaceey how are you!? Miss you na!:(

Agad naman akong napangiti dahil siya agad ang bumungad sakin..

To: Tracey babes..

miss na rin kita sorry ah, marami kasi akong ginagawa eh .. babawi ako sayo ;)

Ang Babaeng MAN HATER (Editing)Where stories live. Discover now