Part Nine.

344 9 0
                                    

Dedicated to @Azeil_28 @JennyDedace. Sorry for keeping you to wait for so long 😘

Sorry po sa super late update. Tas ngayon po sorry kasi short lang, but this time. May konting SPARKLE. Hihi. I hope you like it po. Thank you po sa nagbabasa parin. I love youuuu ❤️

Eunice'

"A-ano?" Napaglakihan ko siya ng mata.

"Kila Angelo. Yung nakabangga natin kanina." Sagot niya sa tanong ko.

Ang ibig niya bang sabihin makakasama ko siya sa iisang building na nagtatrabaho?

"Ano namang in-apply mo?" Tanong kong muli. Napatungga muna siya sa bote niya sabay tingin sakin.

"Ewan." Sagot niya sabay ngisi.

Pinalo ko siya sa braso.

"Anong ewan sinasabe mo? Nag-aaply ka, di mo alam in-aapply-an mo?!" Pagtataray ko sakanya.

"Tss. Eh sa di ko nga alam." Sagot niya sabay kain ng kornik. "Basta ang sabi ni Angelo, magbigay lang daw ako ng bio-data sakanya tapos tatawagan niya na ako."

Inirapan ko siya't tumungga ako saking bote.

"Wala ka na bang ibang pag-aapplyan?" Tanong kong muli sakanya.

Kinunotan niya ako ng noo. "Ayoko. Anjan na nga yung grasya, tatanggihan ko pa ba? Atsaka kahit anong trabaho naman na ipagawa sakin ni Angelo kaya ko."

Pumikit ako ng bahagya. Nakaramdam ako ng hilo sabay na rin ang takot.

Natatakot ako. Natatakot ako na kapag magtrabaho siya don sa kumpanya nila Angelo ay malaman niya ang tungkol saamin. Baka malaman niyang may naging relasyon kami ni Angelo at baka sabihin niya ito kay kuya.

Tahimik lang kami ng ilang segundo nang siya namang basag ni Khalid.

"Eh ikaw, san ka nagtatrabaho?" Napa-kisapmata ako ng ilang beses sabay tingin sakanya. Napalunok ako.

"Ahh, d-dun rin eh." Sagot ko sabay tungga ng alak.

"Ano? Saang doon?" Kunot noong tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"Doon nga. Kila ano... sa companya nila ano... Ni..."

"Angelo." Pagpapatuloy niya sa sasabihin ko. Tumingin lang ako sabay tango.

"So kilala mo siya? Bat di mo sinabe kanina?" Napatingala ako ng bahagya.

Kilalang-kilala. Siya yung taong minahal ko. Yung akala kong makakasama ko habang buhay kahit tago ang relasyon namin. Yung akala kong di ako sasaktan. Yung akala kong gagawin lahat para sa relasyon namin... pero hindi. Siya pa ang gumawa ng paraan para magsawa ako. Akala ko ako lang pero di pala. Akala ko sapat na yung pagmamahal na binibigay ko sakanya para di siya maghanap ng iba pero hindi pala. Oo kilalang-kilala ko siya. Siya yung taong minahal ko, pero sinaktan langa ako. Kilala ko siya pero di pa ako handang kalimutan siya.

Yan ang gusto kong isagot kay Khalid pero di ko magawa.

"Ah? Oo. Malamang boss ko siya. P-pero ako.. h-hindi niya yata ako kilala." Pagsisinungaling ko kay Khalid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Took His Leave (On-Hold)Where stories live. Discover now