Fort's POV
Nervous..
Kinakabahan ako ng sobra... di ko alam ang gagawin ko
Eto na kaya yun? Dito na ba matatapos ang lahat?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko na sya na nakaupo sa isang bench sa meeting place namin
"6 minutes and 38 seconds late"
"Sorry.. a-ano may ginawa l-lang"
Bakit nga ba ako kinakabahan? Tutal laro lang naman 'to lahat diba?
Bakit ko ba sineryoso kung alam ko namang masasaktan ako
Bakit ba ako umasa na mamahalin nya din ako
Napayuko ako para maiwasan ang titig nya sakin
At mukhang tama nga ang hinala ko
"Fort... break na tayo" sabi nya na walang halong emosyon sa boses nya
"A-ah.. ganun ba.. s-sige" yun nalang ang sinabi ko saka naglakad ng mabilis paalis
Ang sakit... ang sakit sakit
Di ko namalayan na nabunggo ko na pala si Hence
"Fort? Fort bakit ka umiiyak?"
Di ko na napigilan at niyakap ko sya ng mahigpit saka nilabas ang mga luha ko
"Hence ang sakit... ang sakit sakit.. bakit ba kasi ako umasa? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan? Ayoko na, pagod na ako"
Yinakap nya ako pabalik at hinagod ang likod ko
"Magiging okay lang ang lahat, siguro di sya ang lalaki para sayo" sabi nya at pinunasan ang mga luha ko
"Uwi na tayo? Hatid na kita"
tumango nalang ako bilang sagot
***
"Ha? Ano 'to?" taka kong tanong dahil may flowers at chocolates sa lamesa ko sa dorm
Napansin ko din na may letter sa tabi nito saka ko binasa
Dear Fort,
Sorry, di ko sadyang mahalin ka
Siguro kung nababasa mo 'to masaya ka na ngayon kay Hence
You don't deserve a guy like me Fort, andyan naman si Hence, he's a nice guy
Bagay kayo
Sana maging masaya ka kahit wala ako
I Love You Fort, pero di tayo pwede
-Xzav
Tinabi ko yun at saka kinuha ang mga bulaklak na nasa lamesa at nilagay sa box ko
"FORT! MAY NAGHAHANAP SAYO"
Lumabas na ako, for sure andun na sya
"Fort!" tawag nya sakin
"Hi babe" I greeted then he kissed my forehead
"Halika na? Birthday nya ngayon diba? Baka ma-late na tayo"
***
"Happy birthday
....Xzav"
"Musta na? Tagal mo na dyan ah" I said saka hinawakan ang kamay nya
"Heto na kami ni Hence.. masaya na kami.. wala ka bang balak magising?"
"Bro gising na dyan, sayang yung cake oh, mocha pa naman, diba paborito mo yun?" Sabi ni Hence habang inaayos yung mga gamit namin
Minutes passed pero wala parin.. we waited
Hanggang sa umabot na ng ilang oras, napag desisyunan na naming umuwi.. pero di namin inaasahan
"FORT! GUMALAWA YUNG KAMAY NYA!" sigaw ni Hence saka ako hinila papunta kay Xzav
"Ha?! Teka tatawag ako ng nurse-"
"Teka- bumaba yung heartbeat nya! Tumawag ka ng doctor!"
"ANO?!" taranta kong sigaw saka tinawag yung doctor
***
"Sorry, but he didn't make it.. di na kinaya ng katawan nya" The doctor said
"TIME OF DEATH: 8: 29 pm"
=And now the game has totally ended=
THE END.
____
[LAME]
![GAME OVER [One-Shot]](https://img.wattpad.com/cover/97725654-64-k704629.jpg)