"𝐄𝐥 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐛𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨" ♥𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫♥

Start from the beginning
                                    


Kabanata 3: Ang Mga Alamat

       Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.


Kabanta 4: Kabesang Tales

      Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa't anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa't mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako'y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya'y mapabalik; nguni't kung ako'y matalo, di ko na kailangan ang anak. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.


Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

       Gabi na't inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito'y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili' ng kura. (Bakit kaya hikaw?)Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita'y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

Life and Works of Dr. Jose P. RizalWhere stories live. Discover now