Buong Pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Araw at Lugar ng Kapanganakan: June 19,1861 sa Calamba, Laguna
Araw at Lugar ng Kamatayan: Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan, Manila
Mga Magulang: Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos
Mga Isinulat: Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at , Germany.
Ang kanyang dalawang nobela "" at "El Filibusterismo" naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na "La Liga Filipina." Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang "" (Ang ) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta ).
YOU ARE READING
Life and Works of Dr. Jose P. Rizal
Historical FictionContents: ✔ ♣ 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪𝓷𝓰 𝓟𝓪𝓾𝓷𝓪𝔀𝓪 ♣ 𝑻𝒂𝒍𝒂𝒎𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒊 𝑫𝒓. 𝑱𝒐𝒔𝒆 𝑹𝒊𝒛𝒂𝒍 ♣"𝑵𝒐𝒍𝒊 𝑴𝒆 𝑻𝒂𝒏𝒈𝒆𝒓𝒆" ♥𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫♥ ♣"𝐄𝐥 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐛𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨" ♥𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫♥ ♣ 𝓢𝓪𝓷𝓰𝓰𝓾𝓷𝓲𝓪𝓷