Chapter 1: Kenneth Spencer Guzman

6 2 0
                                    

Papunta ako ngayon sa Core, tawag namin sa aming studio. It is just 30 mins. away from my house, walking distance lang kaya hindi na kailangan ng sasakyan.

Isa nga pala akong animator, I graduated Civil Engineering pero nasa sistema ko talaga ang pagiging animator.

Hindi naman ito problema sa parents ko kasi wala naman silang pakialam sakin. Pinayagan nga nila akong bumukod sa kanila. Tss..

Anyway, nandito na ako sa Core and as usual ako na naman ang pinaka maaga. Ano ba naman kasi ang maaasahan ko sa dalawa kong kasama. Si James, dinaig pa ang babae sa pag-aayos ng sarili, si Tala naman ang bagal kumilos.

Haysstt...
Ewan ko ba kung pano ko natagalan ang dalawang yun. Eh kung magbangayan akala mo kung sinong magkalabang attorney sa korte. Dinaig pa nga nila ang bunganga ng nanay ko.

Papasok na sana ako ng....

"Kenneeeeeethh!!"- James/Tala

Speaking of.. -,-

"Good morning" bati ni Tala sakin
Nginitian ko lang siya pabalik.
Kahit kailan talaga ang light ng mukha niya.

"Good morning din Tala" bati ni James sabay akbay sa kaniya.

Tsk! Masyado siyang napaghahalataan.

"Ano ba James yung kamay mo nga! Pasmadong-pasmado na nga, ang baho-baho pa!" Sabi ni Tala sabay irap kay James.

Haaaaayyyyyssstttt!!! Ayan na naman sila...

"Uy hindi ako pasmado ah, tsaka anong mabaho, ang bango bango ko kaya. Pinanligo ko nga yung pinaka mahal kong pabango eh"- James

"Ang sabihin mo sa imbornal ka naligo"- Tala

Pfft.. Imbornal

"Oy hindi naman, ikaw Tala ah sumosobra ka na, sinasaktan mo na naman ang damdamin ko, huhuhu" banat naman si James habang umiiyak kunno.

"Ano ba tumahimik nga kayo umagang umaga nagsisigawan kayo, buti sana kung mababango yang mga hininga niyo" sabi ko sa kanila

Tss.. Nakakarindi na kasi yung mga bunganga nila *pok*

"Sh*t" binatukan lang naman ako ng mga punyetang nilalang

"Palibhasa kasi di nagmumog eh, Pre lagi mo tong tandaan, ang ilong malapit lang sa bunganga" sabi ni James sakin sabay akbay

Ang hilig talaga nitong mang akbay,porke matangkad. Si Tala naman tawa lang ng tawa. Isa din to eh, akala mo kung sinong mahinhin ang lakas din naman ng topak.

"Tss!"- ako

"Oh diba pre, speechless ka kasi nahihiya kang maamoy ko ang hininga mo"- James

"Ewan ko sa'yo"- ako

"Pfft.. Tama na nga yan, pasok na tayo at kanina pa tayo staring dito sa labas"- Tala

"Itong si Kenneth kasi eh"- James

"Tumahimik ka nga jan imbornal"- Tala

"Imbornal daw oh Ken-"- James

At Pumasok na ako bago pa humarap sa akin si James.

"Oy maghintay naman kayo"- James

-----------------------------------------------------------
Okey chapter 1 is done. Tuloy pa ba?
Kenneth Spencer Guzman on the media.

-RPY.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now