Chapter 4

5 0 0
                                    

Minsan talaga yung mga hindi natin inaasahang mangyari ay nangyayari na lang basta basta. 

"Hey..." Walang ganang sambit ng kung sino sa aking likuran na siyang ikinagitla ko. Pagtalikod ko ay hindi ko inaasahang masilayan ang mukha ni Seth na nakatambad sa aking harapan. Walang kurap na naitulak ko siya.

Dinig na dinig ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. Alam kong sa amin nakatuon ang atensyon nila. Dahil ang kaninang maingay na hallway ay bigla na lamang tumahimik.

What the hell?! Ano ang problema nito at basta basta na lang sumusulpot?!

Anong kailangan ng mokong na ito sakin?! I know this past few weeks ay naging usap usapan yung pangyayari sa amin ni Seth sa classroom. Maraming nagalit sa akin at pinaulanan ako ng hate mails. Na dumadag sa inis ko dahil hanggang ngayon ay mayroon paring nagpapadala sa locker ko.

Seth's bitches were jealous.

Kahapon nga lang ay may dalawang babaeng pinagtripan ako. Na alam kong isa sa mga luka luka kay Seth. Hinarang ng isa sa babae ang kanyang paa habang dumadaan ako sa may cafeteria, na siyang ikinadahilan kung bakit ako natapilok. Buti na nga lang ay hindi natapon ang laman ng aking tray dahil kung hindi ay malamang naihampas ko na iyon sa mukha niya. Pasalamat na lang siya at nakapagtimpi pa ako. Kung hindi. Naku!

"WHAT THE ACTUAL F*CK?!" Isang nakakatindig balahibong sigaw ni Seth. Nakatingin ang nanlalaking mata nito sa kanyang sapatos habang nakataas ang kamay. Para itong bomba na maya maya lamang ay sasabog. Namumula ang maputi nitong mukha. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkagalit. 

I was covering my mouth with my right hand. Gaya niya ay nanlalaki rin ang aking mata. Bumababa ang tingin ko sa sapatos niya. May bahid iyon ng kulay pink na icing. Hindi ko sinasadyang maibagsak ang hawak kong cupcake habang kaharap siya.

Kasalanan niya iyon!

Kung hindi ba naman siya basta basta sumusulpot sa likuran ko. Hindi sana ako magugulat at maibabagsak ang hawak kong cupcake!

"You fuckin ner--" Dumiin ang pagkapikit ko dahil mukhang galit na galit na talaga ang dragon at ready na akong bugahan ng apoy.

Hindi niya naituloy ang kung anong mura ang dapat sana ay isisigaw niya dahil naawat na agad siya ng mga kaibigan niya.

Dinilat ko ang isa kong mata at tiningnan ang itsura ni Seth.

Hawak hawak siya ng dalawa niyang kaibigan. Akmang inialayo sa akin. Ayaw paawat ng nag pupuyos sa galit na si Seth habang binibigyan ako ng nakamamatay na tingin. Halos mamula ang mata nito sa galit.

F*ck!

Mukhang na unleashed ko ang demon sa kaloob-looban ni Seth! Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon.

"Pare, yaan mo na. She's just a girl... hindi naman niya iyon sinasadya" Bulong ng chinito sa kanya. Mariin siyang tumingin sa akin ng akmang lalapitan ko si Seth. Para bang sinasabing, kaya niya na iyon. 

"Yeah, and shes just a waste of time kung papatulan mo pa..." Sabi naman ng morenong mukhang suplado. Hindi ko ba alam kung maiinis ako dahil sinabi niyang sayang lang ako sa oras o magiging masaya kasi kahit papano ay napakalma niya ang dragon. 

Tumingin sa akin si Seth. Bakas parin ang galit sa kanyang mukha. Mukhang pinagiisipan niya kung susundin niya ba ang mga kaibigan niya o talagang susugurin niya na ako. Gayunpaman ay mukhang pinili niyang sundin na lang ang mga kaibigan. Umiwas ito ng tingin. 

"Tss..." Pinilig nito ang ang kanyang ulo at hinawi ang kamay noong chinito at moreno. Walang pasabing umalis ito sa harapan namin at dere deretsong naglakad palayo.

He left leaving his friends behind. Umiiling lamang ang moreno habang matalim na nakatingin sa akin. Umalis ito at sinundan ang nagwalk out na si Seth.

Ang chinito naman ay nakatingin sa akin na parang humihingi ng pasensya. Tumango lamang ito sa akin at umalis na rin. Naiwan ang walang imik na kambal, na ngayon ko lamang napansin.

As far as I remember ay ito ang Terreiro Twins, si Hayden at Hunter.
Kilala ang dalawang ito hindi lang dahil sa angking kagwapuhan. Umaapaw din ang mga ito sa talento. Miyembro sila ng isang sikat na sikat na banda dito sa Pilipinas.

Well lahat naman ng grupo ni Seth ay may itsura at may maipagmamalaki. Hindi lang iyon, alam kong mayayaman din sila.

Iyong chinito ay si Ethan Estefan may ari ng mall. Tapos iyong moreno naman ay si Slade Montellor, laki sa pamilya ng mga artista. Parehas sikat na actress at actor ang ang magulang nito. Hindi lamang dito sa pilipinas, pang international din. 

Kung magtatanong kayo kung bakit kilala ko iyong mga iyon? Well not because I stalk them kundi dahil talagang pinaguusapan sila dito sa university. Sila ang palaging bukang bibig ng mga babae dito. Kaya imposibleng walang makakakilala sa kanila. 

"Umm... Ate isang order po nung sisig at one and a half rice. Pasamahan narin po niyong lumpia." Binigay ko ang bayad kay ateng canteener.

"Ito na ineng"

"Thank you po!" Binalik niya sa akin ang sukli. Umalis ako sa pila at naghanap ng mauupuan.

Halos papuno na ang cafeteria kaya medyo mahirap nang humanap ng lamesang pagkakainan. Luminga linga ako sa paligid pero wala talagang bakante. Di bale sa field na lang siguro ako kakain.

Akmang lalabas na ako nang marinig ang kung sinong tumawag.

"Oyy! Girl dito ka na!" Luminga linga pa ako para hanapin iyon. Tumigil ang tingin ko sa lamesa kung saan may isang babaeng nakatayo.

Tumingin tingin pa ako sa gilid kung ako ba talaga ang tinatawag niya.

"Ako ba?" Tumango lang ito sakin at ngumiti.

Lumapit ako sa lamesa noong babae. Unti unti kong naaniwan ang mga nakaupo doon. Mayroong 2 lalake at 1 babaeng nakaupo. Bale 4 silang lahat kasama iyong babaeng tumawag sa akin.

"Uy, dito ka na oh." Binigyan naman ako ng mauupuan noong isang lalaki. Tumango ito sa akin.

"Hello! Bago ka dito no? Ako nga pala si Elishannarie pero Elisha na lang itawag mo sakin, masyado iyong mahaba eh" Siya iyong tumawag. Ngumiti ito sa akin at nag abot ng kamay.

"Ahh Alcee" Tinanggap ko iyon at nginitian din siya.

"Ito pala si Noir" turo niya sa nagbigay sa akin ng upuan. Nginisian niya ako na ginantihan ko lang ng ngiti.

"Ito si naman si Damien" iyong mukhang may dugong banyaga. He just rose his eyebrows at me.

"And ito naman si Riley." Itinuro niya ang isa pang babae. She's so beautiful though mukhang maarte. Pero nagulat ako ng yakapin ako nito.

"Omg Hi! Im Riley, you're so beautiful just like me! Alam mo matagal na kitang nakikita rito sa campus at talagang gandang ganda ako sayo!" Maarte nitong sabi, kasama ang lag pilantik nito ng kamay.

I chuckled.

Buong break ay nasa cafeteria lamang kami, nag kukwentuhan ng kung ano ano. Kwento sila ng kwento na ginantihan ko lang ng ngiti. They were laughing like theres no tomorrow everytime one of the boys cracked jokes. I feel comfortable with them. Nalaman ko nga rin na 'NERD' ang tawag sa kanilang grupo. They literally looked like nerds with their round thick glasses, but what makes them NERD was their initials. N for Noir, E for Elisha, R for Riley and D for Damien. Ayos diba?

I was thankful dahil pansamantala kong nakalimutan ang mga problema ko. I decided not to stalk Seth for today. Pagkauwi ko ay agad akong naligo at gumawa ng asssignment.

"How are you doing anak?" My mom on the other side of the phone.

"Good Ma, the place is good. Everyone's nice. Meron na rin akong mga kaibigan. Siguro konting araw na lang ay makakapag adjust din ako."

"Good to hear anak. Im glad you like the place."

Ilang minuto rin kaming nag usap. I ended the call when we bid our goodbye. I was ready to sleep when I heard my phone ringing.

+63929-×××-×××× calling...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ArchnemesisWhere stories live. Discover now