Chapter 3

28 0 0
                                    

Chapter 3

Ang strawberry

I was looking at him from the streetlight. Nakatayo ako sa gilid ng poste at tahimik na minamanmanan si Seth.

Pinagtitinginan na ko ng mga iilang taong dumadaan. Hindi ko iyon pinansin. Tanging si Seth lang tinitignan ko ngayon.

In a few seconds, I saw how he put his right arm to the girl in his right. May ibinubulong ang babae sa kanya. Humahagikhik si Seth sa ibinulong ng babae.

Ang epal ano ba yan! Sino ba ang babaeng iyan? Girlfriend niya? Hmm may taste naman pala itong si Seth sa babae. Pinasadahan ko ng tingin ang huli. Maganda ito at makinis. Ang kulay puti nitong kutis ay bumagay sa suot niyang pulang dress. She is really beautiful. Kung ito ay nasa ibang bansa papasa ito bilang model. Or yet pwede itong sumali sa Miss Universe. 

Pero hindi sila bagay ni Seth. The girl looks like an angel. While Seth is dangerously devil. The badass and the good girl? Hmm para sakin hindi bagay. Sasaktan lang ng mga badboy ang mga goodgirl. Cliche, very very cliche. Sa libro lang iyon nangyayari. 

I rolled my eyes.

Nilalamok na ako dito habang pinagmamasdan parin ang dalawa. Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng cafe at pumasok ang isang lalaki. Luminga linga ang lalaki at tumigil nang tumama ang mata niya sa table nina Seth.

I saw how his brows creased. Hindi naman galit pero para bang nagtataka sa nakikita. Nang mapansin ng babae ang lalaki ay agad nitong tinapik palayo ang kamay ni Seth na ikinagulat nito.

Habang lumalapit ang lalaki ay unti unti kong nakita ang kanyang mukha. He seems familiar. I think i saw him before.

Until realization hits me. Shoot! Its Paris! Iyong bartender sa bar noong party! Iyon yung lalaking uminsulto sa akin. Hindi ko alam na magkaibihan pala sila ni Seth at ng girlfriend nito?

Bago umupo si Paris ay sinalubong agad siya ni girl at binigyan ng halik sa labi. Literal na bumagsak ang panga ko sa nakita.

P-pero... Kanina lang ay kalandian iyon ni Seth. 

Habang pinagmamasdan ang eksena hindi ko mapigilang mapakunot ng noo. Huh? Napaisip ako ng malalim. So hindi pala iyon girlfriend ni Seth? Kundi ay kay Paris? Hindi nakawala sa aking mata kung paano nag iwas ng tingin si Seth na tila ba galit sa nangyayari. Nawala ang ngiti nito sa labi. 

Parang may pumitik sa aking puso sa reaksyon
niya. He seems, jealous? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Wala lang dapat ito sa akin dahil unang una wala akong pakialam sa buhay nila. But why am I feeling this way? Siguro ay dahil nararamdaman ko yung sakit ni Seth ngayon? Dahil narin sa sariling karanasan? 

Parang gustong gusto ko pawiin yung lungkot sa mukha ni Seth. Alam ko kung anong nakita ko at kung ano man ang bumubuong ideya sa isip ko ay sakin na lang.

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pangiistalk sa kay Seth o umuwi na lang ako at magpahinga. God! This is stressing me out! And thats the least thing I need right now!

Nevertheless ipinagpatuloy ko ang pagpasok sa cafe. Umupo ako roon sa katabing table nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman nila ako napansin.

Pasimple kong hinilig ang ulo ko para makinig sa kung ano mang pinaguusapan nila.
"Kuya are you sure about your plan? I-i think masyado pang maaga kung magpapakasal na kayo." Hindi maitatago ang pait sa tono ng pagsasalita ni Seth . Tila asido ang ang pagbigkas niya sa bawat letra. Ang nakakunot kong noo ay mas lalo pang kumunot.

Tinawag niyang kuya si Paris! Which means magkapatid sila hindi magkaibigan! Palpak ang research ko, ni hindi ko nacheck kung may kapatid ba siya oh wala. Nakakapagtaka hindi sila magkamukha. Paris looked dashing and innocent with his look. Samahan pa ng silver nitong buhok. While Seth was the total opposite. Hes just... Devil. They're like heaven and hell.

ArchnemesisWhere stories live. Discover now