DIMENSION

18 0 0
                                    

Takbo ako ng takbo nasa isang madilim na lugar na naman ako. Gusto kong umalis sa lugar nato, gusto kong kumawala sa humahabol sa akin. Puno ng katahimikan ang lugar at tanging paghinga ko lang ang maririnig. Di ko alam kong nasaan ako basta pagmulat ko nandito ako sa isang lugar na puro kadiliman ang naghahari. Wala ka man lang makikitang ilaw pag apak ko palang dito ang bigat ng aking pakiramdam na para bang may kumukuha ng enerhiya ko at bigla nalang may humawak sakin kaya tumakbo ako palayo sa lugar na kinatatayuan ko ou wala akong nakikita dahil sa kadiliman pero nararamdaman ko ang humahabol sakin. Takbo lang ng takbo ang ginawa ko na parang wala ng bukas.

Shie, gising, shie binabangungot ka. SHIE....... Rinig kong tawag sakin ni Beverly kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Akala ko totoo na akala ko katapusan ko na. Napansin kong basang basa na pala ako ng pawis. Ilang araw nabang nangyayari to paulit-ulit lang yong panaginip ko. May taong gustong kumuha sakin, may gustong kunin ako no yong kaluluwa ko pala.

Shie are you okay? Binabangungut ka kanina pa kita ginigising....... Tanong ni bev. Sakin. Nag aalala talaga ang babaeng to sakin dahil mula pagkabata kami na yong magkaibigan.

Ou bev. Okay lang ako tara na sa labas........ Sabi ko at inakay siya palabas. Napatingin ako sa wall clock ko its 3:33pm. Ganitong oras ako laging nagigising iwan ko kong bakit.

Hi shie and bev. San ang punta niyo?.......... Bati at tanong ni kristine sa amin.

Jan lang sa may bakery tine bibili ng tinapay...... Sagot ni bev. At nagpatuloy na kaming maglakad. Parang kakaiba ngayon parang may mga matang nakatingin sakin pero tuwing lumilingon ako wala naman akong nakikita.

Anjan na naman yong matanda shie oh lika bigyan natin ng money mukhang di pa ata nakakakain yon....... Sabi ni bev. Sakin at hinila ako.. Nagbigay kami ng pera sa matanda at akmang aalis na sana ako pero hinawakan ng matanda ang kamay ko at nong tiningnan ko siya biglang tumirik ang mata niya. Pinipilit kong makawala mula sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya. Nakatulala lang si bev. Habang tinitingnan kami.

Ikaw. Ikaw. Mag iingat ka iha sapagkat nasa panganib ka. Nasa panganib ang iyong buhay kong hindi mo siya lalabanan. Wag sasama sa kanya tandaan mo kahit anong mangyari gumising ka sapagkat gagawin niya ang lahat para makuha ka niya......... Sabi ng matanda at binitiwan ang kamay ko.

Beverly wag mong hayaang mag isa lang si shie. Wag mong hayaang makuha siya ng kadiliman....... Sabi naman nito kay bev.

Ano po ang ibig niyong sabihin manang? Anong kadiliman? Sino ang gustong kumuha sakin?....... Nalilito kong tanong kay manang.

Diba hinahabol ka niya at ipinaparanas niya sayo ang kadiliman. Shie wag mong kalimutan na sa oras ng pangangailangan handa niya tayong tulungan. Nanjan lagi ang panginoon shie...... Sagot niya sakin.

Yong panaginip ko.........bigla kong nasambit..

Itigil mo na ang ginagawa mo shie binibigyan mo lang siya ng malakas na kapangyarihan..... Sabi niya at may ibinigay sakin. Isang munting papel na may address at pangalan.

Ah. Shie bat niya tayo kilala bago lang siya dito sa lugar natin diba?.......takang tanong ni bev. Ou nga noh bago lang siya dito sa barangay namin.

Naku wag ako ang tanungin mo bev. Tara na nga oh malapit ng mag 5.....aya ko sa kanya. Kinakabahan ako sa sinasabi nung matanda parang ayaw ko ng matulog.

StoriesWhere stories live. Discover now