Chapter THIRTY-EIGHT

4K 165 11
                                    

Zyrus' POV

"Hi Zyrus, come here!" masayang bati sa akin ng mommy ni PJ nang makarating kami sa mismong malamansyong bahay nila. Hinalikan pa ako nito sa magkabilang pisngi na medyo kinailangan ko pero di ko naman pinahalata. Di lang kasi ako sanay sa ganun but since dito lang naman sa bahay nila at kami lang yata ang narito kaya okay lang.

"Hello. . . .po," maikli ko namang sagot. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko, Mrs. Magno ba, tita, o ano man.

"Hello m--" babati pa rin sana si PJ ngunit agad na nagsalita na naman yung mom niya.

"Just call me mom, and I call you, uhmm, honey. What d'you think?" she said abruptly to me, rejecting PJ's presence.

"Nakakahiya naman pong tawagin ko kayong mom, tsaka okay na po ako na tawagin nyo ako sa pangalan ko. Zyrus or Zy is okay po," sabi ko naman, sa magulang ko nga ang tawag ko nanay lang. Tsaka, pambabae yung honey.

"Hmm, okay. Zyrus right, but you should call me mom. That's final."

Wala na akong nagawa, tumatango lang ako sa iba pa niyang mga sinasabi at sinatanong. Parang ako nga lang ang kausap nito kahit narito lang sa tabi ko si PJ, na tila hangin lang siya na nariyan. Di maikakailang sobrang tuwa ng mom ni PJ kapag ako ang kausap nito. Simula pa lang noong unang pagkikita namin ay pansin ko na iyon sa kanya.

"You know what Zyrus, marami akong ikukwento sayo. Namiss talaga kita," aniya muli na tila nanggigigil pa. "Alam mo bang nalove at first sight siya sayo yang baby ko."

"Mom, what are you saying? I didn't say anything," PJ reacted.

"Alam mo bang ikaw ang bukam-bibig niyan sa akin. Di ko alam baka sa panaginip niya, ikaw pa rin," dagdag muli nito, at di pagpansin sa sinasabi ni PJ.

"Mom, don't pretend that I'm here. Don't say any fake stories," pairita nang sabi ni PJ, at ako naman di malaman kung totoo ba o hindi. Tinignan ko si PJ ngunit umiiling ito pero pansin kong pagkamula sa mga pisngi nito.

"Anyway Zyrus, let's go outside. Or maybe let's shopping," masayang alok sa akin ng mom ni PJ, hindi na ako makatanggi dahil hinila na niya ako palabas ng bahay.

"Where are you going baby?" tanong nito sa anak niya.

"You said we're going outside," PJ murmured.

"Oh yes baby, but you are not allowed. Stay here or go somewhere. It's just, just the two of us."

"What? Why?"

Para akong nanonood ng magkapatid na nagbabangayan, knowing na mag-ina pala ito. But I found sweet to them, yung tipong matutuwa ka pa sa ginagawa nila.

"Just go to your dad upstair. I think he's watching movies," sumbat muli nito sa anak, at pinagbuksan na niya ako ng pintuan ng sasakyang gagamin namin para mamasyal.

"Don't worry baby, I'll bring him back to you," ang rinig ko pang bulong nito kay PJ, at hinalikan ito sa ulo. Patay-malisya na lang ako kunwari'y di narinig.

-----
PJ's POV

Wala na akong nagawa kundi sundan ng tingin ang lumalayong sasakyang ginamit nila. Napakamot na lang ako ng ulo wari'y natalo sa isang laro.

Bumalik ako sa loob at pinuntahan na lang si dad para samahan siya kung anuman ang ginagawa niya. I knock the door three times and entered. Nanood nga ito ng movie and I think it's Star wars, not familiar.

"What are you watching dad? Mind if I join you?" pambabasag ko sa seryoso nitong mukha habang tutok sa TV.

"Oh sure son. It's Resident Evil. I am just refreshing the scenes here, ipapalabas na kasi ang huling movie nito sa February," saad naman nito, diba ang layo sa Star wars.

"I see."

Di ko man kaclose at di gaanong nakakausap si dad ay ramdam kong mahal ako nito. No drama, it's true. I really feel it.

"May problema ba?" bigla nitong tanong. "Bat di mo tawagin ang mom at boyfriend mo para manood tayo rito."

"Di ba kayo parang nafrustrate sa akin kasi--" ang wala sa wisyo ko't biglang sabi ngunit bago pa matapos ay pinutol na niya ito at nagsalita.

"No son. Don't think that I feel frustated with you. In fact, I'm really proud of you, of how strong you are. Sobrang mahirap pagdaanan ang love, napagdaanan ko rin yan, with your mom. Nandiyan ang trust, courage, and sacrifice. Lagi mong tandaan yan. Tsaka, for me lang ah, not ordinary relationship ang meron kayo, take note na nasa Pilipinas tayo. You know what I mean," mahaba nitong sabi, and yes, that is discrimination. Pero yung pagkakasabi niyang yun, tagos sa puso.

"Thank you dad. I'm also proud of that you're my father," I gave him a short hug and smiled. For the first time, ngayon ko lang narinig si dad about this topic and I think this is our longest conversation ever. Kung mag-uusap man kasi kami ni dad, marami na yung ten words, to be honest.

"Iiyak na ba ako sa sinabi mo?" biro nito at tumawa ng bahagya. "Call your mom and your boyfriend para magbonding tayong lahat dito."

"Umalis sila dad e. Magsa-shopping daw," saad ko.

"At iniwan tayo rito? Tsktsk, gustung-gusto talaga ng mom mo yung boyfriend mo para sayo. What is his name again? Is it Zy, Zyrus, right?"

"Yes dad," I proudly said.

From now on, I can say that I am the luckiest person in the world. Having this loving parents is enough, idagdag mo pa si Zyrus. Yes, I'm freeeeeaking in love with him.

"Ang saya natin huh?" dad said.

**
Isang buwan ang lumipas at ngayon ay first monthsary namin ni Zyrus. Ewan ko ba't nauso pa ang mga monthsary-monthsary na yan. At parang kailan lang noong sinagot ako nito. Sa ngayon, wala pa namang problema simula naging kami. Getting stronger kumbaga.

Paluwas kami ngayon ni Zy papuntang Baguio para doon i-celebrate ang first monthsary namin. Susunduin ko siya ngayon sa bahay nila, ooops sa kanto lang pala nila. Di pa pala alam ng magulang niya ang relasyon namin. Kinausap ko na siya noon tungkol rito pero hindi pa raw takdang oras para ipaalam ito. Kung ako lang ay sasabihin ko agad ito ngunit kung gaanon man ay nirerespeto ko ang mga desisyon nito.

Anim na oras din ang biyahe papuntang Baguio mula Maynila. Nakakapagod din ang magdrive lalo na pazigzag at pataas ang dadaanan. Ramdam pa ang pangangawit ng aking mga paa. Ngunit wala lahat ng iyon dahil kasama ko naman ang pinakamamahal ko. Kinda corny. 😀😂

Nadaanan namin ang Lion's Head at saglitang huminto muna at kumuha ng litrato dito. Mabuti at mababait ang mga nakasabayan naming tao roon. Pagkatapos ay diretso kami sa Burnham Park para doon na lang maglunch. Nagutom din kasi kami sa biyahe.

"Saan natin balak pumunta mamaya rito?" tanong ko habang kami'y kumakain.

"Kahit saan. Ikutin natin lahat dito kung kailangan," natawa ako sa sinabi niyang iyon, mukha kasi siyang nag-eenjoy sa mga oras na ito.

Bago pa kami umalis ay naglakwatsa muna kami rito. Sumakay kami ng bangka at sinubukang magsagwan. Medyo mahirap din pala lalo na't wala kaming experience dito. Pagkatapos, may nakita rin kaming mga nagpapalitrato na may ipinapasuot na alam kong damit-katutubo rito. Di namin inaksaya ang oras at daliang sinubukan iyon. Nagmukha kaming mangangaso sa suot naming nakabahag lang. Kita ko kung paano tinanggal ang kaniyang damit kaya napapakagat na lang ako sa labi sa napakinis at napakagandang katawan meron ito.

"Tingin po sa kamera, kuya," sabi ng photographer kaya bigla akong napaharap. "One, two, click."

Kalaunan, nagtungo pa kami sa Baguio Cathedral, Mines View Park, The Mansion, Camp John Hay, Lourdes Grotto, Botanical Garden, at kung saan-saan pa kami napadpad. At sa bandang huli, nagcheck-in na lang kami ng hotel kung saan ko isasagawa ang nais ko.

-----
N/N:

Ang dami ko pa lang typographical error sa mga ibang chapters. Pagpasensiyahan niyo na, pag tapos na lang siguro itong story ieedit.

BTW, kahit papaano may sumusubaybay pa rin. Salamat talaga! ✌😁👍 Kayo talaga dahilan kaya nakakapag-update ako.

Yung katawan pala ni Zyrus, nasa multimedia.

Next chapter. Fast forward na po tayo. Ilang chapters na lang din pala ito bago mag end. Humahaba na pala ito.

Just keep voting, and comment guys.
Xoxo

'Til I Met You (BoyxBoy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now