259

948 42 14
                                    

A/N: Yung about sa sinabi ni Hansol last chapter, morse code yun haha

Pinapaalala ko lang hehe 
Cheonsa = You
_______________________

Wednesday, 3:08pm
October 26, 2016

Pumunta ka sa isang memorial park para bistahin ang lola mong nakahimlay duon. Ayaw mo kasing sumabay sa dagsa ng maraming tao sa misong All Souls Day kasi nasisikipan ka at naiingayan kaya pumunta ka na agad sa puntod nito.

Nag kwento ka ng kung anu ano sa lola mo at syempre pati lovelife mo. Lovelife mong wala ka naman talaga. Hahahaha! Namiss mo siya kasi wala ka ng tagapayo tungkol sa sakit na nararamdaman mo. Lola's girl ka kasi spoiled ka sa kanya, lahat ng gusto mo ay madali mong nakukuha. Naisip mo tuloy paano kaya kapag siya ang hiniling mo? Maiibigay niya kaya? Napatawa kang bahagya. Move on.

Lumingon ka sa paligid mo kasi parang may naririnig kang humikbi at nakita mo kung sino ito, Naisip mong baka ilusyon lang yun, move on na kasi. Hinampas hampas mo ang sarili mo dahil baka naghahallucinate ka na pero totoong siya nga yun. Ang ganda ko talaga, hinahabol habol niya ako! Hahahahahaha! Yan ang naisip mo. Pero syempre joke lang yun.

Nilapitan mo siya kasi hindi mo matiis na makita siyang umiiyak. Naiisip mo na hindi ka pa rin naman makaka move on kung hindi mo siya lalapitan kaya mas mabuti pang lapitan mo na siya. Binasa mo ang pangalang nakalagay sa puntod...

"In loving memory of
Ayomie Park"

Binasa mo ang date ng pagkamatay at masasabi mong masyadong bata pa ito para kuhanin ng Panginoon. Tumingin sayo si Yuta at madali ring inalis ang tingin. Umupo ka sa tabi niya at binigyan siya ng panyo. Ang gentlewoman ko talaga, yan ang naisip mo.

"Sino siya?" Tanong mo. Hindi mo na inaasahang sumagot siya sa tanong mo kasi naisip mong wala namang kwenta yun para sagutan ka niya.

"Ex ko," saad niya. Nagulat ka kasi sumagot siya sa tanong mo pero mas nagulat ka sa naging sagot niya. Ex? Eh ang bata kaya nung babae nung kinuha ng Lord. Ano ibig sabihin nun? Maagang lumandi si Jagi—I mean Yuta? Ang kiri niya naman. Hehehe!

"Anong nangyari?" Isa mo pang tanong. Hindi mo alam kung bakit pero gusto mong malaman ang dahilan kasi chismosa ka. Joke lang. Hehehe!

Tumingin siya sa malayo at huminga ng malalim.

"Sorry, sige wag mo na lang ikwent-" magsasalita ka pa sana kaso bigla siyang nagsalita.

"Ayomie Park is my childhood friend, my bestfriend and my girlfriend." Napa wow ka naman sa sinabi niya. Edi sila na! Pero wala paring forever kasi may 'END'. Naisip mo yan pero naisip mo na napakasama mo at yan pa ang naisip ko sa halip na damayan siya. Pero, naalala mo ang picture na nakita mo dati na kaakbay ni Yuta na pinagkamalan mong kapatid. Siya siguro yun at siya din ang dahilan kung bakit parang humikbi si Yuta noon.

"Alam kong iniisip mo na bakit parang ang bata naming maging kami pero may dahilan yan." Wow! Mind reader pala siya! Ang galing naman! Clap! Clap! Yan ang sabi mo sa isip mo. "Gusto kasi naming umabot kami ng 100th year anniversary kaya nung bata pa lang kami ay naging kami na." Nakita mo na bahagya siyang ngumiti sa sinabi niyang yun. "Kaso..."

"Kaso?" Tanong mo sa kanya.

"Kaso yung 100 na yun ay nabawasan ng dalawang zero." Nakita mo sa peripheral vision na napalitan ng lungkot ang mga ngiti niya kanina, kaya nalungkot ka rin. Ganun niya pala talagang kamahal si Ayomie. Ang swerte niya.

"Ng dahil sakin," pagpapatuloy niya. Ano raw? Hindi ka na lang nagsalita sapagkat gusto mong makinig na lang sa kanya.

"It was a day for me, mag pepresent kasi ako ng mga dishes ko sa family ko para sa restaurant na itatayo namin dito sa South Korea. Hobby ko ang magluto, I find it as my passion. Masaya akong ipagluto ang mga taong mahal ko. Ang bakla diba? Haha! That day ang pinakahihintay ko, pinaghandaan ko siya na halos hindi na ako matulog para makuha ko ang tamang lasa. I admit that I'm a perfectionist when it comes to cooking. I want to see the faces ng titikim sa niluto ko nasasayahan sila sa natikman nila." Napagtanto mo na kaya pala sobrang sarap niyang magluto ay dahil passion niya yun. Astig! Pero anong kinalaman nun kay Ayomie?

"When everything was prepared, lumabas muna ako sa kitchen para maihanda ko ang sarili ko. Matapos kong ihanda ang sarili ko, nakita ko si Ayomie na parang pinapakielamanan ang dish ko." Tumigil siya saglit at napansin mong nangingilid na ang luha sa mga mata niya. You told him to stop but he just gave you a simple smile.

"She was putting a ketchup in one of my dishes. Nagulat ako at nagalit nun that is why I pushed her to stop." Nagulat ka sa sinabi niya at tila ba parang alam mo na ang sunod na mangyayari.

"The floor was wet, she slipped on the floor and her head at st the edge of the sink. The sink was made of granite and the impact was hard..." Hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya at naiintindihan mo yun. Masakit talagang balikan ang nakaraan lalo na kung ganitong klase.

"We surged her to the hospital but everything was late, she's dead on arrival," pagpapatuloy niya. Ngayon ay nararamdaman mo ang sakit na dinadala niya kahit hindi ka namang gaanong related sa sinabi niya ay damang dama mo ang sakit.

"Hindi ko mapatawad sa sarili ko sa nagawa ko, I'm the reason why she's not here anymore. I broke our promise na aabot kami ng 100th year anniversary. It's all my fault. Kaya simula nun ay pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magluluto." Hinaplos mo ang likod niya para kumalma, you told him na naman sinasadya ang lahat kaya dapat na patawarin nya na ang sarili niya. It's been a long time kaya dapat niya lang palayain ang sarili niya sa guilt na nararamdaman niya.

"Hindi ako pumunta sa burol niya hindi dahil sa takot ko kundi dahil ayaw kong makita siyang mawawala sa piling ko. Hindi ko kaya. Alam mo yung pinakamasakit sa lahat? Bumalik ako sa kitchen kung saan ako nagluto, nakita ko ang dish kong pinakeelamanan niya. Dun nagsimula ang pagbagsak ng mga luha ko na matagal kong pinigilan because yung dish na nilagyan niya ng ketchup ay may salita pala siyang nilagay."

"SARANGHAE"

Speechless. Wala kang masabi. It was heartbreaking. Naisip mo na mas malala pala ang nangyari sa kanya kesa sayo na sobrang na ha-heart broken ka na at hirap na mag move on. Kung ikaw nga hirap na, paano pa kaya siya?

"Alam ba ito ni Hannah? Bago maging kayo?" Tanong ko sa kanya at tumango siya. Nagulat ka nanaman. Madaming tanong ang namuo sa isip mo pero ang salitang lumabas lang sa bibig mo ay "Paano?"

"Hansol and Hannah are my friends since nung lumipat kami dito sa South Korea. Kalaro namin sila ni Ayomie. They also know that promise, baduy nga daw eh. When Ayomie died, si Hannah lang ang nakakapag pagan ng pakiramdam ko. She cheered me up that's why nahulog ako sa kanya. Niligawan ko siya at naging kami. Minahal ko si Hannah, hindi siya isang rebound. Yun nga lang pilit bumabalik sakin si Ayomie sapagkat mapalaki ng lugar niya sa puso ko. Magulo ba?" Umiling ka na lang. Ngayon mo naisip na, ang grabe pala talaga ng bestfriend mo.

"Si Hannah ang humingi ng space sakin dahil alam niya na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Ayaw kong mawalay sa kanya kaya hindi ako pumayag pero sinabi niya sakin na masakit ang may kahati at mas masakit kung ang kahati mo ay isang taong hindi na kailanman mag eexist. Pumayag ako sa space na hinihingi niya kasi ayaw ko din naman siyang masaktan. Pero parang ang sama ko parin kasi hindi ko naisip na nasasaktan na pala siya ng dahil sakin. Napakaselfish ko." Martir. Yan ang masasabi mo sa bestfriend mo, hindi mo alam na mapakalaki ng sakripisyo niya at napaka selfless nito. Dahil dun biglang nangliit ang tingin mo sa sarili mo kumpara sa dalawang minahal ni Yuta. Ano bang laban mo sa kanila? Isa ka lang babaeng hibang kay Yuta na walang alam kundi ang kanyog.

Masyado ka ng nasaktan dahil sabihin na nating hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin na mahalin ka ni Yuta pero ang maliit na chansang iyon ay unti unti ng nawala. Walang wala kang panama sa kanila, mahal na mahal talaga siya ni Yuta.

Biglang may bumusina sa tapat niyo at nakita mo duon ang iyong ina na sinusundo ka na. Nagpaalam ka na kay Yuta at tumayo na papunta sa sasakyan. Sa paglalakad mo ay tumigil ka at lumingon kay Yuta.

"HAPPY Birthday!" 

DAIKIRAI | Yuta [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon