Chapter 1

155 2 0
                                    

Althea PoV

"Yes mommy natanggap ko na po yung sulat" kausap ko si mommy sa telepono. Nasa ibang bansa kasi siya ngayon.

"Okay, make sure na makakapag tapos ka dyan ha. Maganda raw dyan, at oras na makapag tapos ka dyan makakapasok ka raw ng madali sa magagandang paaralan sa Manila"

"Talaga po? Kung ganon, hindi ako mahihirapan mag hanap ng trabaho pag sa Manila ako nakapag aral ng collage" nakangiti kong sabi

"Oo anak"

"Kapag nakahanap ako ng magandang trabaho, uuwi na po kayo dito ha. Miss ko na po kayo" malungkot kong sabi

"Miss na rin kita anak, kaya pag butihin mo ang pag aaral mo para makauwi na si mommy dyan okay?"

"I promise mommy, sige na po mag-aayos na po ako"

"Sige mag iingat ka ha, bye"

Binaba ko na yung telepono at kinuha ko yung sulat kung nasaan nakalagay yung address nung paaraalan na sinasabi ni mommy.

"No Name University" basa ko rito.

Ang weird nung pangalan nung unibersidad kaya medyo kinabahan ako. Pero gusto ni mommy na dito ako mag aral kaya di na ako pwede tumanggi.

Nag madali akong kumilos para makapag enroll na ako agad. Sa totoo lang, 2nd week na ng klase kaya di ako sigurado kung matatanggap pa ako doon. Bago ako umalis nag iwan muna ako ng sulat para kay lola, hindi kasi siya marunong gumamit ng cellphone, sya lang kasama ko sa bahay dahil wala na si daddy.

*

"Ito po yung bayad" inabot ko yung bayad sa trycicle driver.

"Dyan ka mag-aaral?" Tanong niya habang nakatingin sya sa unibersidad.

"Opo, bakit?"

"Wala, basta mag iingat ka lang. Sana makapag tapos ka ng ligtas sa paaralan na yan" bilin niya tapos ay agad na nyang pinaandar yung tricycle.

Nabalot naman ako ng kaba sa sinabi niya. Itong lugar na kinatatayuan ng unibersidad sobrang layo sa mga bahay, napakasukal ng daanan dito na tanging mga tricycle o motor lang ata ang pwedeng makapasok dito. Sobrang lalaki ng mga punong nadaanan namin at parang gubat ng tingnan.

Paano kaya nalaman ni mommy ang unibersidad na ito?

Pumasok ako sa loob ng unibersidad kahit na sobra akong kinakabahan, sobrang tahimik at ang hangin na nadampi sa aking balat ay nag papatayo ng aking mga balahibo. At ang amoy ng hangin ay hindi kaaya-aya masangsang ang amoy.

"Sino ka?" napaigtad ako sa gulat ng bigla nalang may mag salita. Isang gwardya.

"Ah, mag eenroll po sana ako" sabi ko, napatingin siya sa dala kong folder na nag lalaman ng mga papeles na kailangan ko kaya binigay ko sa kanya ito.

"Althea Florez" basa niya "sumunod ka sa akin" agad naman akong sumunod sa kanya ng mag lakad sya.

Malaki ang unibersidad, pero sobrang lumang tingnan at parang hindi man sila nag abalang lisin ito dahil sa sobrang daming dahon na nag lalaglagan sa mga puno na sobrang laki. Nakakatakot ang lugar na ito kung tutuusin.

"Ah manong, may nag aaral po ba dito?" tanong ko

"Meron" matipid na sagot niya bago siya huminto sa isang pintuan. "Pumasok kana" inabot niya sa akin yung folder at pinag buksan ako ng pintuan. Nakakatakot ang dahan dahan niyang pag bukas ng pintuan dahil nalagatik ito dahi siguro sa kalumaan.

"Ano pong gagawin ko diyan?" kinakabahan kong tanong

"Dito ka mag reregister para makapag-aral ka sa unibersidad na ito. Pumasok kana, iniintay ka na niya"

Sky, Red, SamaelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt