"Huh?"

"Her past self is a prostitute," she laugh. "Kidding aside, medyo nahuli ka lang ng konti pero malaking pasalamat na rin iyon at nalaman ko kung nasan ka."

She cleared her throat. "I'll leave these roses to you, oras na naging malapit ka sa isa sa kanila mamumukadkad ang isa sa kanila," pinulot niya ang itim na rosas. "For example," lumapit siya sa akin at unti-unting bumukadkad ang itim na rosas.

"Kailangan mahanap mo na sila," kinuha niya ang kamay ko at iniwan sa palad ko ang itim na rosas. "Good luck, Reed." Ngiti niya at naglakad na palayo. Naiwan ako nakatingin sa rosas na andoon.

Where the hell would I look for them?! Hindi ko naman hiningi ang kakayahan na ito! Tumakbo ako papunta sa nilikuan niya pero wala na siya. What the?!

"Ano ginagawa mo rito?" Nagulat ako nang nakita ko si Ryoichi sa likod ko. "Ano yan?" Kinuha niya mula sa kamay ko ang itim na rosas at tinignan yon. "Dull color. Bakit ka nagtatago rito?" He asked.

"Hindi ako nagtatago!" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi siya ulit. "You know, you're in trouble when you're with me," makahulugan niyang wika. Nilagpasan ko siya at lumapit sa lamesa kung nasan ang mga rosas.

"Para san yan?"

"I thought I should not stick my nose on other's business, bakit di mo gawin yon sa sarili mo?" Mataray kong wika. Nilingon ko siya and he have a big "O" in his face.

"Is that really, Reed Tyler?" Halos matawa siya habang tinatanong ako. Ipinadyak ko ang paa ko kaya lalo siyang natawa.

"Stop making those cute gestures," aniya at pinitik ang noo ko. "Aray naman eh! Pangalawa na yan!"

Tumingala siya at lalong natawa. "Why so cute?" Pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Weird ka!"

"Talaga?" He smirk. "Paano mo nasabi?"

"Parang nung nakaraan lang ang sungit mo sa akin, ngayon naman ganyan ka kakulit. May kumain ba na alien sa iyo at ibang ikaw na yan?"

"Look who's talking weird."

Tinignan niya ang mga rosas na hawak ko. "What are those roses for?" He asked. "Wala namang taniman ng rosas dito so imposibleng pinitas mo yan," tinuro niya isa-isa ang mga rosas. "Besides may pagka-weird yung kulay nung iba."

Wala to! Inilagay ko sa bag ko ang mga rosas pero napansin kong medyo nakamukadkad ang pula. Nasa paligid lang yung may hawak ng isang mata.

"Naniniwala ako sa iyo."

Biglang pumasok sa isip ko ang mga salita ni Ryoichi. "Ryoichi, totoo ba yung sinabi mo kanina?" Tinignan niya ako na para bang imposibleng magsinungaling siya sa akin. "Oo, bakit?"

"Paano kung lahat ng tao, as in 100% eh di maniwala sa akin?"

"Then maniniwala pa rin ako."

"Paano nga?" Pumadyak ako muli at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

"Kung ayaw nilang maniwala sa iyo, wag mo kalimutan na ako ang isang porsyento ng populasyon na naniniwala sa iyo."

Sinsero ang boses niya at nang tumingala ako ay nakatingin siya sa akin. Ipinamulsa niya ang kamay niya at naglakad na palayo sa akin. "Halika na, mahuhuli tayo sa klase."

Agad akong sumunod sa kanya nang isukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Itong snoberong to? Maniniwala sa akin? Wow, such a mercurial person. Capricious.

Habang nagkaklase ay halos mahulog-hulog ang talukap ko habang nakapalumbaba.

"Wag na tayo lalapit sa kanya, nakakatakot siya baka mamaya mamatay tayo oras na lumapit tayo sa kanya."

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now