Mistakes With Surprises.

7 0 0
                                    

Zephany's POV

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras, ginawa ko na.

Tinignan ko ang katawan niya at ilang ulit na ipinasok sa utak ko kung ano ang nangyayari.

Nasasaktan ako, kahit galit na galit ako sa kanya.

"D-Dad?" naluluha kong sabi.

"T-Tell me... Biro lang 'to, d-di ba?" I held his hand and cried more.

Shit.

I just realized na kahit gaano ko pinagkakamuhian ang isang tao, ganoon ko rin pala siya kamahal.

Just seeing my dad lying on the bed unconsciously made my heart tear into pieces... Slowly. Parang mas dumodoble ang sakit kapag unti-unti itong pinupunit.

Pinagsisisihan ko.

Pinagsisisihan ko ang mga kabastusang ginawa ko sa ama ko na ang gusto ay ang mapatawad ko lang at ma-alagaan ako sa mga araw na wala siya sa tabi ko.

Pinagsisihan ko ang pagiging walang-hiya kong sarili kapag nasa harapan ko na si Dad. Na kahit ang tinatanong niya sa'kin "Anak, okay ka lang ba?" sinasagutan ko siya ng masasamang bagay.

Mama? Alam mo ba na ganito ang mangyayari kay Dad?

I was sobbing deeply na pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

I made so many shitty mistakes.

"M-Ma'am Zeph." inalalayan ako ng isa sa mga kasambahay namin na tumayo dahil nakaluhod na ako habang umi-iyak at hinahawakan ang kamay ni Dad with full of fucking regrets.

___________________________

"Your father had cardiac arrest while having his meeting. Mabuti nalang at agad siyang nadala sa ospital." tinignan ko siya.

"How many days, Doc?" naga-alala kong tanong. I know na kahit hindi ko sabihin kung ano ang ibig kong sabihin sa ilang araw ay maiintindihan niya ito.

"Apparently, Miss Gonzaga, we do not know on when he is going to wake up pero he is stable. There's nothing to worry about. Your Dad will be fine as long as you're by his side and pray always." matapos ang ilang sandali ay nagpa-alam na si Doctor Alquizar dahil may gagawin pa siya.

I tried to hold the door knob para makapasok na sa kwarto ni Dad pero hindi ko kayang gawin.
Natatakot ako na baka paggising niya, wala na akong mukhang ihaharap dahil sa ginawa ko sa kanya sa mga panahong mabuti pa ang kanyang kalagayan.

Hindi muna ako pumasok dahil masama ang loob ko sa sarili ko.

I sat on a chair where some of the visitors wait in the hallway.

I didn't notice na kinuha ko na pala ang phone ko from my pocket and dialed Gen's number.

Ugh. Gusto ko ulit umiyak.

"[Hello? Zeph? Bakit ka napatawag? May problema ba?]" sunod-sunod niyang tanong dahilan para tumulo bigla ang mga luhang kanina pa na bumabadyang lumabas.

Mistakes With SurprisesWhere stories live. Discover now