Kabanata 6

93 5 4
                                    


KALAT na ang lagim. Kanina pa tapos kumain sina Quene at Faith at agad na humiga. Ayon sa babae, may pupuntahan pa raw sila bukas. Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang hitsura niya sa pag-uwi at tinanong kung anong nangyari sa kanya.

Wala siyang sinabi.

Hindi na niya ito bibigyan pa ng ano pang iisipin.

Pilit na lang niyang kinakalimutan ang sinabi sa kanya ng Demetrio na iyon. Naniniwala siya kay Faith. Naniniwala siyang hindi siya nito ipagkakanulo.

11:45 ng gabi.

Dapat na siyang matulog dahil sa mahabang biyahe kanina at stress ngunit hindi niya magawa. Parang sirang-plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ni Demetrio.

Nagpapaniwala ka sa stalker na iyon. Gagawin ng lalaking iyon ang lahat para lang mapansin mo.

Baka ang isa sa rason kung bakit ito sumunod sa kanila ay ayaw nitong mapahamak siya. Nasasayangan ito sa kagandahan niya kaya gusto siya nitong protektahan sa lahat ng bagay.

Hay.

Magpasensyahan silang dalawa. Wala pa nga siyang ginagawa, nahulog na agad ito. Ano na lang kung may gawin siya? Eh, 'di mas lalong deds na deds sa kanya?

Napakunot ang noo niya nang biglang bumangon si Faith.

Nagkaila siyang natutulog nang lingunin nito ang higaan niya.

Saan ba ito pupunta ngayong dis oras ng gabi? Hindi naman siguro ito naiihi. Hindi naman ganoon ang pagkakakakilala niya sa babae.

"Quene, Quene...ang ganda mo."

Mariin siyang napapikit.

Nandoon na naman ang mga boses. Bakit kung kailan pa siya matutulog, saka pa lang aatake ang mga ito?

"Huwag kang magkailang natutulog diyan. Alam naming umaarte ka lang. Gusto mo bang malaman kung anong gagawin ni Faith?"

Huwag, Quene. Huwag kang magpadala sa kanila.

"Pag-uusapan nila ang mangyayari bukas ng tanghali, alas dose."

Marahas niyang naimulat ang mga mata.

Wala siyang makita subalit alam niyang nasa paligid pa rin niya ang mga boses. Wala na rin si Faith.

"Anong ibig ninyong sabihin?" bulong niya.

"Iaalay ka nila. Tumakbo ka habang kaya mo pa dahil bukas, hindi mo na magagawa iyon. Magiging alila ka na ng diyos ng kagubatan. Huwag kang magpahuli, Quene."

"Nag-apply ba akong maging katulong? Hindi naman, ah."

Maniniwala ba siya sa mga boses na ito?

Narinig niya ang halakhakan ng mga ito.

Ilang boses ba ang kausap niya? Dalawa? Tatlo?

Isa lang ang sigurado niya. May isang babae at ang iba ay lalaki. Ang mga lalaki ang palaging pumupuri sa kagandahan niya.

"Tama nga si Demetrio. Napakatigas ng ulo mo," ani ng isang boses babae.

"Bakit kilala mo si Demetrio? Ex ka ba niya?"

"Mas malalim pa riyan ang pinagsamahan namin."

"Mas malalim pa sa Mariana Trench?"

"Filipino ang ginagamit natin. Mag-Filipino ka," asik nito.

The Naughty Lady of San NicolasWhere stories live. Discover now