FUBU

3.5K 28 5
                                    

Makati, maharot, malandi, tigang. Ilan lamang yan sa mga tawag sa akin ng mga tropa ko. Siguro dahil masyado na akong bukas at kaswal na para sa akin ang usaping sekswal. Hindi naman kaso sa akin yung bagay na iyon dahil naniniwala ako na dapat bukas ang lahat tungkol sa bagay na iyon, lahat naman ng tao dadaan sa parte na iyon ng buhay. Pero kahit na ganito ako birhen pa ako, ni hindi pa nga ako nakakapanood ng porn, hindi ko pa kasi kaya makita yung mga parte na iyon, hindi pa panahon. Nagbabasa ako ng mga nobela na may ganoong tema kaya may alam ako tungkol sa bagay na sekswal.

“Hoy, Tiffany! Tingnan mo yung lalaking dumaan. Masarap ba yun?” usisa ni Theo, tropa kong bakla, habang sinusundan ng tingin iyong lalaking dumaan sa harapan namin.

“At bakit ako ang tinatanong mo?! Alam ko ba ang lasa niyan? At tsaka hindi ko nga alam lasa ng lalaki. Dapat alam mo iyan, gabi-gabi iba-ibang lalaki ang natitikman mo ‘diba?” pagbibiro ko.

“Baliw! Kahit naman ganito ako matino ako ‘no. Bakla ako pero kahit kailan hindi ako makikipag-sex sa lalaki.”

“Kalma ka lang. Ito naman hindi mabiro.”

“Tara Omegle na lang tayo. Masaya yun.” Yaya niya sakin.

“Ano naman yun?” tanong ko.

“Website yun.”

“Porn site?”

“Hindi! Utak mo talaga puro sex. Tigang ka na talaga dapat sayo dinidiligan. Hanapan kita sa Omegle.”

“Ano ba kasi yung Omegle?”

“Parang chatroom yun. Pwede kang makipag-chat sa kung sino-sino.”

“Sige nga try natin.” Kinuha ko yung cellphone ko para doon mag-browse. May mga kailangan pang i-type na interests bago magkaroon ng ka-chat. Nilagay ko sa interests yung pangalan ng school ko.

Stranger: Hi

You: Hello

Stranger: asl

Ano yung asl?

“Hoy Theo ano yung asl?” tanong ko sa kanya. Mukhang abala na rin siya sa paggamit ng Omegle.

“ASL. Age, sex, location.” Sumagot siya nang gindi tumitingin sa akin.

You: 20 female

Syempre pineke ko lang yung age ko, mahirap na.

Stranger: 20 m

You: Yehet University student?

Stranger: Yes.

Stranger: You?

You: Yes

You: college?

Stranger: Sorry for being straight forward, but I’m only looking for a fubu right now.

Fubu? Ano yun? Brand name? Tanong ko sa isip ko.

“Theo, alam mo kung ano yung fubu?”

“Fuck buddy, bakit?”

“Tangina.” Bulong ko sa sarili ko. Dali-dali kong dinisconnect yung chat. “Ayoko na mag-Omegle.”

     Kakatapos lang ng tatlong exam ngayong araw, kaya kailangan kong magsaya.

“Tiffany, Theo, sama kayo sa amin? Shot lang dyan sa may mini bar?” pagyayaya sa amin ni Junrey, yung blockmate namin na tanggero, pero cool.

“Ano Tiffany? Game?” tanong sa akin ni Theo. Alam ko na naman na sasama lang yan kapag kasama ako.

“Game! Tara.”

Sabay-sabay na kaming pumunta sa mini bar. Maingay ang paligid dahil sa malakas na tugtog at ingay ng mga tao, may mga disco lights na sapat lang para mabigyan ng kaunting liwanag ang paligid, mabaho rin dahil sa amoy ng usok galing sa mga usok ng sigarilyo at amoy ng mga taong lasing. Kasama rin namin yung iba pa naming blockmate na tropa ni Junrey. Pumwesto kaming lahat sa isang malaking mesa, syempre magkatabi kami ni Theo.

“Anong order niyo, guys?” tanong ni Dudut, yung isa pa naming blockmate na medyo mahangin. Self-proclaimed gwapo, mukha namang pwet ng manok.

“Kung ano kay Theo yun na rin sakin.” Sabi ko.

“Mag-hard tayo, Tiff, wala namang pasok bukas.” Suhestiyon ni Theo.

“Sige. Ikaw bahala.”

Tumingin sa menu si Theo. “Itong Bush Amber na lang, ang ganda pakinggan ng pangalan eh.”

Naupo lang ako sa couch habang hinihintay yung order namin, samantalang si Theo at yung iba ay kung saan-saan nagpupunta.

Si Theo talaga kahit sabihing matino siya may natatago pa ring kati sa katawan. Sabi ko sa sarili ko.

“Hey.” Sabi nung lalaki na biglang tumabi sa akin. Ang hot sana kaya lang creepy.

“H-Hi.” Medyo alangan kong bati sa kanya.

“You alone?” tanong niya sa akin, at dinikit niya yung katawan niya sa akin, lumayo naman ako.

“No. May kasama ako.” Sabi ko habang mas nilalayo yung sarili ko sa kanya.

“Boyfriend?” Lumapit na naman siya.

“Y-Yes.” Pagsisinungaling ko. Kailan ka pa nagka-boyfriend, Tiffany?! Sigaw ng utak ko.

Ngayon naman mukha na niya yung inilapit niya sa akin, at bago pa ako makalayo narinig ko na yung ibinulong niya sa akin. “Dapat hindi iniiwan ang katulad mo na mag-isa.” Sabi niya na parang nang-aakit yung boses.

Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo ko, parang nag-init din yung mukha ko at nanlalambot na yung mga tuhod ko. “Ahm, excuse me.” Dali- dali akong tumayo at tumakbo papunta sa CR. Ni-lock ko agad yung cubicle na pinasukan ko. “Woooo!!” Huminga ako ng malalim at pinapaypayan yung sarili ko gamit yung kamay ko. “Ano ba yun? Nang-aakit? Wooooo!! Muntik na akong bumigay doon ah.” Pagmo-monologue ko.

Nakatanggap ako ng text mula kay Theo na tinatanong kung nasaan na ako. Nagpasya akong bumalik na sa pwesto namin, nandoon na silang lahat pati yung mga order namin. Dahil yata sa nerbiyos ko dahil sa nangyari inisang lagok ko yung alak na nasa harap ko, at hindi pa ako nakuntento sa isang bote, uminom pa ako ng uminom hangga’t sa hindi ko na alam kung ilang bote na yung nainom ko.

Pakiramdam ko umiikot na yung paligid ko, nanlalambot na rin yung buo kong katawan na anumang oras ay pwede nang bumigay.

“I can take care of her.” Sabi nung pamilyar na boses na hindi ko alam kung sino dahil nahihilo na talaga ako. Naramdaman ko na lang ay may nagbubuhat na sa akin papunta sa kung saan. Maya-maya ay inilapag niya ako sa malambot na bagay, kama siguro ‘to.

Komportable akong nakahiga sa kama, hanggang sa nararamdaman ko na unti-unting naglalakbay yung kamay niya sa binti ko pataas sa hita. Pati yung labi niya ay nararamdaman ko sa leeg ko. Wala na akong lakas para pigilan pa siya, masyadong malakas yung epekto sa akin ng alak na ininom ko. Kung saan-saan na naglalakbay yung mga kamay at labi niya, hanggang sa unti-unti niyang tinatanggal yung damit ko at ginawa ang mga pambababoy sa katawan ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon sa katawan ko. Pero bakit parang nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon habang ginagawa niya iyon? Isang matamis na sensayon.

     “Hoy!! Tiffany ano ba?! Nag-o-omegle ka lang hindi ka nakikipag-sex! Bakit ka umuungol?!” nabalik lang ako sa totoong mundo nung sigawan ako ni Theo.

Tangina! Ano ba yung naisip ko? Bakit bigla na lang lumabas sa imagination ko yung mga bagay na yun?

“Gago tigang ka na talaga! Kakatanong mo lang sa akin kung anong ibig sabihin ng fubu, tapos biglang ka-SOP mo na yang ka-Omegle mo. Tigang na tigang ka na. Tiffany, mukhang kailangan ka nang madiligan tsk tsk!”

Bigla ko tuloy natanong sa sarili ko, kailangan ko na nga ba talaga ng FUBU?

 

fubu :: exo/kris [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon