"No."

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nila hinahabol?" Walang bahid ng interes na dagdag ni Taguro. Natitigilang tumitig si Eerah Anitha sa kaniya. "Ayos lang kahit hindi mo sabihin."

"I have no idea. I don't know who those people are." Nanghihilakbot na umiling nang umiling si Eerah Anitha. "Bigla na lang nila akong hinabol kanina, hindi ko sila kilala."

"I want to know what you were doing there," sinulyapan ni Taguro ang gawing pinanggalingan ni Eerah Anitha.

Noon lang ako nagtaka. Gusto kong tanungin bigla si Eerah Anitha kung bakit siya naroon.

"But I'm not that interested. Besides, nangyari na," dagdag ni Taguro. "Iwasan mo na lang na magpagala-gala sa lugar na 'to nang mag-isa."

Sa halip na tumugon ay napatitig lang si Eerah Anitha kay Taguro. Na noon ay bumaling naman kay Lovemir at sinuyod ito ng tingin.

"What are you doing here?" hindi namin inaasahan ang tanong ni Taguro. Napamaang si Lovemir. "Saan ka nagmula at bigla kang sumulpot?"

Namamanghang ngumisi si Lovemir. "Sa tingin ko ay salamat ang unang salita na nararapat kong marinig mula sa iyo," pormal nitong tugon.

Ngunit hindi nagawang baguhin niyon ang blangkong mukha ni Taguro. Pakiramdam ko tuloy ay misteryong bumabalot sa pangyayaring ito.

"Papauwi na sana ako nang makita ko kayo. Hindi naman kabawasan sa pagkatao ko kung tutulungan ko ang isang kakilala," preskong sagot ni Lovemir.

"Salamat."

Nakangiting tumango si Lovemir. "Inaasahan kong mas magiging maingat ka sa susunod, Maxpein."

"Hindi ko na hahayaang maulit pa 'to, Lovemir."

"Hindi ko rin hahayaang mangyari uli sa iyo ito."

Awtomatikong nangunot ang noo ko. What do you mean by that? Hindi ko nagawang magprotesta. Tanging buntong-hininga at pagkuyom ng kamao ang nagawa ko. Naramdaman ko ang kawalan ko ng pakinabang kay Taguro.

"Lohr?" Natinag ako sa pagtawag ni Eerah Anitha.

Ngunit hindi ko nagawang alisin kay Taguro ang paningin ko. Bagaman wala sa akin ang kaniyang paningin.

Maski ang galit ko ay hindi ko magawang ipakita kay Taguro. Gusto kong malaman ang nararamdaman niya. Nagkamali na naman ako. Hindi man ipakita ang galit, mas nakakabahala ang pananahimik at kakaibang kilos niya. Sanay na ako ro'n pero iba pa rin ang dating niyon ngayon. Pinakakaba ako sa paraang siya lang ang may kaya.

Gusto ko nang umalis sa lugar na 'yon para magkausap kami nang ayos. Gusto ko iyong sandaling kaming dalawa lang.

"Lohr, I'm afraid," garalgal ang tinig ni Eerah Anitha.

Nagtiim ang bagang ko. Ngunit ang paningin ay naroon pa rin kay Taguro.

"I don't know who they are," patuloy ni Eerah Anitha. "And I'm afraid that they'll follow me again."

Napanood ko nang marahang lingunin ni Taguro si Eerah Anitha at suyurin ito nang nababagot na tingin. "May magagawa ba si Lohr d'yan sa takot mo?" Ipinagkadiinan ni Taguro ang pangalan ko.

Napanguso ako. Bakit kailangang may diin 'yong Lohr? Tch!

Napapahiyang nagbaba ng tingin si Eerah Anitha. Ngunit nabigla kaming pareho ni Taguro nang ngumisi ito.

"Why? Are you jealous?"

"Yes," agad na tugon ni Taguro na siya namang ikinagulat ni Eerah Anitha. "Kung pwede nga lang kitang lagutan ng hininga habang nasa paligid niya, ginawa ko na. Pero masyado kang mababaw para maging dahilan."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon