Meet-and-Greet

4 2 0
                                    

Naiinip.

Naiirita.

Nanggigigil.

Nasasaktan.

Sabay-sabay iyan na nararamdaman ko habang nakatayo sa mahabang pila na ito. Pila para sa meet-and-greet ng bandang Frost, kung saan main vocalist at leader ang aking boyfriend.

Kinababaliwan.

Pinagaagawan.

Pinagkakaguluhan kong boyfriend.

Ang hirap ng patago naming relasyon pero hindi namin mabitawan ito dahil mahal namin ang isa't-isa. At hinding-hindi namin ito bibitawan.

Sino nga bang nakakakilala sa akin? Ako nga pala si Zaira, Zaira Ramirez, hindi sikat, hindi mayaman. Kaya sobrang gulat ko na lang na paggising ko kinabukasan, BOOM! Zaira Ramirez, in a relationship with Star Leo Shin-Park. Lucky? Maybe, yes, pero he's not all mine. Dahil nga sikat na artista siya, nobody lang ako.

Nilabas ko na lang ang cellphone ko at napagdiskitahang itext si Star.

To: 신-박 (Shin-Park)
Tagal...-3- been waiting for almost an hour. Love you still.... ^3^

Sent.

Napalingon-lingon ako sa paligid ko upang masigurado na walang nakakita. Ilang saglit lang ang lumipas ay nag-vibrate ang cellphone ko na ikina-excite ko naman.

From: 신-박
Sorry....I love you... ^-^

Antipid.

Sinulyapan ko siya sabay ng paglaki ng aking mga mata, akala ko ba MEET-AND-GREET LANG? May dipa holding-hands holding-hands pa siyang nalalaman dun sa babae? Malambot ba, Star? Sayo na yan, saksak mo sa baga mo!

Legal na ba pumatay? 2017 na ah?!

Isang oras ang nakalipas at susunod na ako sa babaeng nangunguna sakin. Si Kaze muna ang una at si Star ay pangatlo. Ngumiti si Kaze sakin ng namamangha. Ibinigay ko na ang album tsaka niya ito pinirmahan ng nakangiti pa rin.

"Please.....come again" bulong ni Kaze sakin na ikinatayo ng balahibo ko kaya hindi agad ako nakagalaw sa aking pwesto.

Pagtapos kong makarecover, sunod naman na lumipat ako kay Luis, ang main dancer nila. Nginitian niya ko at naglahad ng kamay at kinamay ko naman. Napangiti ako sa pagiging gentleman niya and he seems nice.

"What's your name?" Tanong niya bago siya pumirma.

"Za--.....Sam. I'm Sam" at ngumiti ng pilit. Di nila pwedeng malaman ang totoo kong pangalan dahil baka nabanggit or mabanggit yun ni Star sa kanila.

"Nice to meet you, Sam. Sana makapunta ka ulit. You're so beautiful" sinabi ni Luis ang last part in Korean, which I understand clearly.

Sumunod ay si Star, nakaangat ang ulo ko ng kaunti dahil matangkad pa rin siya kahit nakaupo na. Nakatitig lang siya sakin bago pa ako makalipat sa kaniya. Tsaka naman pumorma ang isang sabik at malaking ngiti sa mga labi niya. I remained expressionless pero magwawala na talaga ko anytime.

"Hey....." malambing niyang bulong.

"I'm sorry to keep you waiting" at tsaka iniabot ang isang hoodie na color gray.

Di ako nagalinlangang kunin yun, sabay naman ang paghiyaw ng nakararami dito. Pinirmahan na niya ang album tsaka ako nginitian na nagsasabing 'I love you'.

Nakanguso siya nang umalis ako kaya't di ko mapigilang matawa ng mahina.

Sumunod si Wayde. Vocalist. Cute siya at charming, mukha pa siyang mas bata kay Kaze na maknae nila (youngest in a band/group). Ngumiti siya kasama ang kaniyang mga mata na ikinangiti ko din habang nagsisign siya. Nakalipat ako agad pero agad ding nagiba ang awra ng paligid.

Si J na. Wala siyang expression na ipinakita sakin, di tulad kanina sa ibang mga babae. Madali niyang pinirmahan ang album at sinulyapan si Star. Ngumiti si J ng pilit bago ako tuluyang umalis sa loob ng venue.

Alam ba ni J? Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol samin ni Star.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold On, Never GoWhere stories live. Discover now