Chapter 38 *Orasan*

Comenzar desde el principio
                                    

"Sa oras na tanggalin ko ang kapangyarihan ko kay Nikela, maglalaho na si Zero One. Ayos lang ba iyon sayo?"

Hindi nakasagot si Emerald. Napatungo lang siya.

"Pero puwede rin naman mangyari na si Double Zero ang maglaho basta mahihigitan siya ni Zero One."

Muling napatunghay si Emerald matapos iyong marinig.

"Ang problema, mahirap mahigitan si Double Zero. Siguradong alam mo iyon dahil sinubukan mo na iyong gawin, tama ba?"

Alam pala ni Echezen ang mga nangyari, naisip ni Emerald.
Ngayon may hinala na siya na may ideya na si Echezen sa nararamdaman niya.

Oo, gusto niyang makasama si Zero One, wala iyong duda. Pero parang di ata kakayanin ng konsensiya niya kung si Double Zero naman ang mawawala.

Gayunpaman, ayaw niya na manatiling walang ginagawa.
Iyon ang rason kaya gusto niyang makausap si Double Zero. Upang alamin dito kung ano pang puwede niyang gawin para makasama si Zero One.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang naiisip kong solusyon?"

"Ah!" Muling napatitig si Emerald kay Echezen.
Tama siya. Alam nga nito ang nararamdaman niya.

"Ang nakikita kong paraan para di ka na magkaroon ng problema ay ang paibigin at mahalin din si Double Zero."

"Ano?" Nagulat si Emerald sa sinabi ni Echezen.

"Kung iibig sayo si Double Zero,  hindi ka na niya sasaktan. At kung mamahalin mo siya, hindi ka na mangangamba kahit mawala pa si Zero One."

"Imposible ang sinasabi mo!" giit ni Emerald. 

Oo, napaka imposible noon.
Paano niya mamahalin ang gaya ni Double Zero?
Si Zero One lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Si Zero One lang ang kanyang Nikela.

"Kung ayaw mo sa solusyon ko, wala na akong magagawa para tulungan ka," sabi ni Echezen bago ito tumalikod. "Puntahan mo na lang ako kung gusto mo nang makatanggap ng kapangyarihan," sabi nito bago ito tuluyang lumisan.

Naiwan ang naguguluhang si Emerald.

Mali ba na minahal kita, Nikela? naiiyak na tanong niya sa sarili.

Nagpalit ng damit si Emerald.
Kinuha niya rin ang kanyang espada.
Ito ay dahil nais niyang bumisita sa Seventh Region. Gusto niyang makausap si Mary.
Gusto niyang humingi ng payo rito.

Tiwala siya na magagawa nitong pagaanin ang kanyang loob.

Palabas na si Emerald nang makasalubong niya si Mia.

"Ah, Mia..."

Tiningnan siya ni Mia. "Bakit ganyan ang suot mo? Saan ka pupunta? "

"S-Sa Seventh Region," mabilis niyang sagot.

"Ano?" Lumapit sa kanya si Mia. Binulungan siya nito. "Hindi puwede. "

Napatingin si Emerald kay Mia.

Matagal na rin mula nang una silang magkita. Matagal na rin iyong araw na muntik na siyang mamatay dahil dito.

Huwag mong sabihing may balak na naman itong masama?

Agad na hinawakan ni Emerald ang kanyang espada.

Biglang napatawa nang malakas si Mia.

Napakunot ng noo si Emerald. Bakit siya tumatawa? tanong niya sa isip.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka puwedeng umalis ng walang paalam," linaw ni Mia.

"Kung gayon, magpapaaalam ako!" sabi ni Emerald.

Prisoners in VenusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora