Flowers, foods and fruits kasi ang dala ko. :)

"Hindi kaya." naka pout nasabi ko grabe siya!

"Kala ko naman anong pakulo gagawin eh inulit lang din yung pagdadala ng flowers!" parinig nito sa hangin.

Wala na siya nagawa ng isama ko siya sa unit ni Zehra. Since si Coy dapat kaso busy ang lolo niyo.

"Pag eto palpak. Pag aralan mo na yung tula at pag sasayaw!" inis niyang sabi.

Napailing na lang talaga ako sa moral support ni Abby. :)

Hingang malalim. Wooh!!! This is it!

I push the doorbell two times.

Then another 3 times.

Pero walang nag bukas. Wala rin akong ingay naririnig.

"Baka tulog.?" naka ngiwing hula ko.

"Mali nga yata tayo ng oras ng punta." dagdag ko pa.

"Tsk! Yan na nga ba ang sinasabi ko. Hala doon nako sa unit mo maghihintay. Kaya mo na yan!" inabot sa akin ni Abby yung foods na pinahawak ko at yung mga prutas.

"Bye! Thank you sa support." sarkastikong sabi ko bago siya makasakay sa elevator.

Haist! Asan kana ba kasi Zehra???

Napasandal na lang ako sa pinto habang nag iisip kung saan posibleng nag punta yon.

Tumawag ako kay Tita Agatha ang sabi niya wala naman daw sa mansion si Zehra at wala din sa office.

Baka nag date sila ng pugo na yon. >:(

Dapat pala inagahan ko kaninang umaga. Bakit kasi lunch pa ako pumunta.

Feel na feel ko pa yung pagsandal sa pinto kulang na lang mag walling ako dito.

"Woof"

Napaayos ako ng tayo ng marinig ako kahol ng aso. Teka aso ba ni?

"What are you doing here?" napamulagat naman ako sa tono ng boses ni Zehra. Hindi ko alam kung inis siya o asar. Dahil naka kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Ah eh.." paano ko ba sabihin. Takte hindi yata ako na briefing nung dalawa pag dating sa confrontation like these.

"Woof" tapos ay dinilaan ng aso yung sapatos ko at umikot-ikot pa sa tabi ko. Ang cute ano nga ba name niya? hay ulyanin na yata ako.

Napaangat naman ako ng tingin kay Zehra na naghahalukipkip na pala sa  harapan ko.

"So what now?" taas kilay na tanong muli nito at bahagyang napatitig sa mga dala ko.

Nahihiyang ngumiti ako. Confidence Far! Go for it!

Huminga muna ako ng malalim sabay kamot sa kilay.

"K-kakatok sana ako ng ligaw este aakyat ng ligaw? Wala pala tao dito kanina." turo ko sa unit niya.

Natigilan siya saglit halatang nabigla pero agad din nakabawi at napailing.

She's My Ultimate Crush (Completed)Where stories live. Discover now