chapter one- Pinagtagpo

10.2K 198 47
                                        

Chapter 1 - Pinagtagpo

Cha's POV

"Naku, anak galingan mo. Sana ma-inspire mo ang mga estudyante mo," sabi ni nanay habang nakahawak sa kamay ko with matching patalon-talon dahil sa labis na excitement.

"Opo, 'nay. Paano, mauuna na po ako. Bye, 'nay!" Humalik ako sa pisngi niya bago ako tuluyang umalis.

Heto na! Dati-rati ay ako ang tinuturuan, tapos ngayon ako naman ang magtuturo. Excited na ako sa bagong yugto ng aking buhay bilang isang guro.

Ako si Champagne Sarvida. Cha ang tawag nila sa akin. Twenty years old na ako pero maraming nagsasabing mas mukha akong bata kaysa sa aking edad. Katamtaman lang ang aking katawan na bumagay sa taas kong limang talampakan at limang pulgada.
Isa akong bakla. Yes! Tama, correct! Check! Kapederasyon ako ni Vice Ganda at Allan K. Ewan ko nga ba diyan kay papa God kung bakit hindi pa ako tuluyang ginawang babae. Mas okay sana ikung ganoon. Anyway, katulad ng ibang mga bakla, pangarap ko ring magkaroon ng world peace!

Unang araw ko sa trabaho ngayon kaya siniguro kong maging presentable bagamat naka-simpleng polo shirt lang ako at maong pants. Bitbit ko ang isang bag na naglalaman ng mga mahalagang bagay habang nilalakad ko ang daan papuntang eskuwelahan.

Bago pumasok sa paaralan ay saglit akong napahinto at pinagmasdan ang gusali. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na dito ako magtatrabaho. Hindi pa rin kumukupas ang school na 'to para pahangain ako. Nakamamangha ang laki at lawak nito. Ang mga estudyante naman ay mga sosyal at hindi basta-basta.
Habang iginagala ko ang aking cute na mga mata sa kabuuan ng school ay bigla akong tumilapon. Yes, tumilapon talaga 'yung term. Ang sakit ng puwet ko!

"Shit! Bulag ka ba?" sabi ng lalaki.

Ako, bulag? Oh, come on! Kung hindi lang ako teacher dito, sasapakin ko 'to. Kainis!

Pinagpag ko na lang ang aking pantalon nang hindi tinitingnan ang lalaking bumangga sa akin.

Tumayo ako para bigyan ng leksyon ang lalaking ito. Teacher ako rito kaya may karapatan akong pagsabihan siya.
Nagulat ako at hindi agad nakapagsalita nang makita ko ang itsura ng niya. Guwapo siya at matangkad. Siguro ay hanggang balikat lang ako ng tukmol na ito.

"Nakikinig ka ba, ha?" singhal niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Galit ang lolo n'yo. Siya pa talaga ang may ganang magalit samantalang ako nga ang tumilapon at nasaktan. Hindi nga siya natinag man lang dahil sa laki ng kanyang katawan.
Hindi ako sumagot dahilan upang muli niya akong itulak na akin naming naiwasan dahil aware na ako sa posible niyang gagawin.

"Mark, tama na 'yan. Mukhang hindi naman lalaban ang isang 'yan. Bakla yata. Kung tumilapon kasi, wagas na wagas. Akala mo, kotse ang bumangga sa kanya," sabi ng isang lalaking nasa gawing kanan niya. Guwapo rin ito at chinito.

"New student siguro. Hindi tayo kilala, eh. Hindi rin natakot," sabi naman ng isa pang lalaking kasama rin nila. Guwapo rin ito at nakasalamin kaya kung titingnan ay mukhang matalino.

"Sa susunod ay matuto kang tumingin sa dinadaanan mo," hirit ni tukmol at talagang binangga pa ako ulit bago sila tuluyang umalis ng mga kasama niya.

Haay! Unang araw pa lang wasak agad ang beauty ko. Nakakainis lang dahil hindi ko man lang nasuntok ang lalaking iyon.

May oras karin sakin hambog ka sisiguraduhin kong magiging madugo ang report card mo.Ipagdasal mo nalang na sana hindi ako ang Filipino teacher mo kundi gagawin kong impyerno ang school year 2017-2018 mo.

Inayos ko nalang ang aking sarili at pumunta sa faculty room para kunin don ang mga papeles na dadalhin ko sa klase.Grade 11-adviser ako ng section C kung saan ang mga anak ko eh GAS o General Academic Strand ang kinuha.Agad akong nakarating sa Faculty room dahil kabisado ko narin naman ang daan.

Sir, mahal kita (boyxboy)Stories to obsess over. Discover now