"Dahil sa iyo namatay ako," tumingin ako sa aking likod at nakita ko roon si Vivien, umiiyak pero hindi luha ang lumalabas sa kanyang mga mata kundi dugo. "Dahil sa iyo nagahasa ako."

Sinubukan ko maglakad palayo sa kanya pero nalalapit ako sa karumaldumal na sinapit niya. "Bakit mo ko hinayaan na mamatay? Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit?"

Hindi ko alam ang sasabihin. Malayo ang itsura ni Vivien na kaharap ko sa Vivien na kilala ko. Madilim ang mga mata nito at may bahid ng dugong nagmimistulang luha. Hindi tulad ng mga mata niyang kulay tsokolate at ubod ng ganda kung titignan. Gulo ang buhok niya, halos magulanit ang suot na damit at madungis. Malayong malayo sa Vivien na laki mula sa marangyang pamilya.

Puro paninisi ang naririnig ko mula sa kanya. Mga panaghoy at pagkamuhi. Tinakpan ko ang aking tenga pero yon pa rin ang naririnig ko. At isang matinis na sigaw.

Hinihingal at pinagpapawisan ay nagising ako. Air-conditioned man ang kwarto ay grabe ang pawis ko. Parang hindi isang panaginip ang nakita ko, pero kasagutan iyon. Kasagutan kung paano at sino ang pumatay.

Mabigat ang paghinga ko at nanlalamig ang mga kamay maging mga paa ay nanlalambot dumiretso pa rin ako sa powder room. Sobrang putla ko at tila ako nakakita ng multo. Pero mas malala at nakakapanindik balahibo ang nakita ko.

Nagshower na lang ako at naggayak na para pumasok. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang napanaginipan ko. Karumaldumal, walang puso, nakaka-awa.

Nang nasa estasyon na ako ng tren ay napansin ko si Ryoichi na nakatayo rin at nag-iintay sa pagdating ng tren. "Long time no see, Reed," wika niya kahit diretso ang tingin sa kung saan, ngumisi siya tsaka yumuko.

"You will make a ruckus, poor girl," he said. Tinignan ko siya at sakto rin ng pagtingin niya sa akin. Lalapit na sana ako sa kanya pero naalala ko ang eksena sa hallway ng ospital.

"I hope okay ka na," mahinahon kong wika kahit na kinakabahan na ako sa pagdating ko sa paaralan.

"Never been better, Ms. Tyler, ikaw ang sana maging okay," naramdaman ko siya na nasa tabi ko na. "I know someone that would accuse you as murderer," bulong niya. Naghumindik lahat ng balahibo ko at maging ang bawat himaymay ng katawan ko ay kinilabutan sa kanyang malamyos at baritonong boses na tila kumiliti ngunit nagdala ng malamig na kilabot sa katawan ko.

"I'm no murderer," pagdepensa ko. Pinantayan ko ang titig niya sa akin. Mas matangkad man siya ay hindi ko hahayaang tignan lamang niya ako ng mababa pa kesa sa height ko. "I know."

Nagulat ako sa sinabi niya. "You were sick and stayed on the hospital for two days, you were there before she died, andon ka at binulyawan ko sa hallway dahil sa vertigo ko," iniangat niya ang kamay niya napapikit ako nang makita kong dadapo yon sa ulo ko. "Yet you little brat I wouldn't say sorry for what I said, totoo kasi yon," naramdaman ko na lamang na pinitik niya ang noo ko. "Aray!"

Ngumisi siya at pinamulsa ang mga kamay tsaka tinignan ang paparating na tren. Sabay kaming pumasok doon at siya ay umupo na sa bakanteng silya habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ng upuan niya at tumitingin sa labas ng bintana.

Magkahalo na ang kulay ng langit, nakikita na rin ang sinag ng araw. Tinignan ko si Ryoichi, nakayuko siya tsaka nakahalukipkip at nakapikit habang may earphones sa kanyang mga tenga. Kung titignan ay mukha siyang anghel, maamo ang mukha pero demonyo ang ugali oras na makausap mo kaya mas pipiliin mo na lang na hindi na siya magsalita.

Matapos ang byahe ay nauna pang lumabas ng tren si Ryoichi. Naglalakad ako sa likod niya pero nang makapasok ako sa loob ng gate ay naramdaman ko na ang mga mata nila sa akin.

Nararamdaman ko ang tensyon, may ibang tinitignan lamang ako at magbubulungan.

"Siya yung huling weirdo na kumausap kay Vivien diba?"

"Ang lakas ng loob niyang magpakita rito."

"Siya ang pumatay kay Vivien Delgado, diba?"

"What a murderer."

Tinignan ko si Ryoichi. Nakatingin siya sa akin at tinitignan ang magiging reaksyon ko. He was eyeing me with an I-told-you-they-would-accuse-you look. I just shrug my shoulder.

Naglakad na ako pero nang lalampasan ko na siya ay hinigit niya ang braso ko. Tila ako hindi makahinga. Wala akong maapuhap na salita ngunit pagsinghap lang ang aking nagawa.

"You aren't scared?" He ask. Umiling ako. "Bakit ako matatakot? Hindi naman ako ang may kasalanan, kahit pa sabihin ko sa kanila ang isang bagay na hindi kapanipaniwala o maging sabihin kong wala akong sala kung ano ang paniniwalaan nila yun ang paniniwalaan nila.

Yan ang hirap sa mga tao eh, may paninindigan nga pero minsan yung paninindigan nila ay nasa maling lugar. Minsan kung ano pa ang dapat nilang paniwalaan ay sinasawalang bahala lang nila."

Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatitig lamang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. "What if ang paninindigan nila ang tama ano gagawin mo?" Tanong niya. Naguguluhan ako sa kanya lalo ngayon. Weirdo niya, nabagok ba ang ulo niya nang tumumba siya?

"Sabi ko nga sa iyo kung ako man talaga ang may kasalanan edi nagtago na ako, bakit may pruweba ba sila sa binibintang nila? May pinaniniwalaan sila at wala akong magagawa pa roon dahil di ko pa nasasabi ang side ko, kung ano ang pipiliin nila paniwalaan ay siyang rerespituhin ko."

Pinilit kong kumalag sa pagkakahawak niya pero tila ako tinutunaw ng mata niya. May iba't ibang hindi malamang emosyon ang nagkukubli rito.

"Naniniwala ako sa iyo," mahina niyang wika at binitiwan ang braso ko tsaka tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Naiwan ako roon nakatulala at tinitignan siya maglakad papalayo. Tanging ang malakas na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Para itong tambol sa lakas ng tibok, para na itong sasabog at lalabas ng aking dibdib.

May naniniwala sa akin. Kahit na tumalikod ang ninety-nine percent ng paaralan may isang porsyento pa rin na naniniwala sa akin at si Ryoichi yon. Napangiti ako sa salitang iniwan niya sa aking isipan.

Naniniwala ako sa iyo.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerМесто, где живут истории. Откройте их для себя