"Ineng, nastress ka lang, wag ka mag-alala, gagawin ko ang pinayo mo pero mamahinga ka na, nadadala ka lang ng pagiging emotionally unstable mo," mahinanong wika niya at tumalikod na sa akin tsaka naglakad palayo.

Naiwan ako roon na nakatingin sa maliit na kahon. Sino nga naman ang maniniwala sa isang katulad ko? I'm crazy. Nababaliw na ako, hindi ko na nga alam kung nasa tamang pag iisip pa ako. I can't probably sane but I'm not yet insane. Maybe I'm on the verge of it.

Nang pumasok ako sa kwarto ay sumandal ako sa pintuan. Nakita ko roon ang isang puting papel.

"Reed Tyler, date of birth: 011917, time of delivery: 16:34"

Pinanlamigan ako sa nabasa ko. Sa loob pa ng kahon ay may isang itim na rosas. Sa ilalim non may isa pang puting papel.

"Parang isang itim na rosas hindi alam kung lanta na o hindi, sa dilim nakikita ang kagandahan, pero wag magpalinlang dahil hindi lahat ng nakikita ay totoo."

Tinignan ko kung kanino ito nanggaling ngunit walang nakalagay. Wala ring pwedeng padalan pabalik. Kanino nanggaling to? Saan nanggaling to? Sa isang katulad ko? Pero bakit ang pagkapanganak ko ang alam niya?

May posibilidad ba na may katulad ako na may kakaibang kakayahan. Pero bakit siya buhay o kapanganakan? Ako kamatayan?

"Sino ka?" Tanong ko habang nakatitig sa itim na rosas. Hindi ko alam kung bakit binabagabag ako ng itim na rosas na ito.

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo,"

Bumuntong hininga ako. Sana nga hindi lahat ng nakikita ko ay totoo, sana nga lahat ng tao na nakikita ko ang kamatayan ay pwede pang maiba, pwede pang maisalba at pwede pang mabuhay ng mas matagal.

Umupo ako sa sofa at pinaikot-ikot ang itim na rosas sa daliri ko. Ano ang ibig sabihin nito? Para saan to?

Inilagay ko ulit sa maliit na kahon ang rosas tsaka isinilid sa bag ko. Inayos ko ang mga gamit ko atsaka natulog.

Sobrang dilim. Wala akong makita, teka! May kumukutitap sa isang eskinita. Pumasok ako roon.

"Please! Wag po! Wag po!" Isang sigaw ang nagmumula sa eskinitang yon. Tumakbo ako papunta roon. Nakarinig ako ng nakakapanindik balahibong tawanan.

"Wag po, please. Kunin niyo na lang po lahat ng pera at gadgets ko, pawalan niyo na po ako."

Nakita ko ang kaklase ko na nasa isang sulok ng dead end sa maliit na eskinitang iyon. Pundido ang ilaw na kumukutitap lamang. Lalo akong lumapit. Nakikita kaya nila ako?

Lumandas ang luha sa mga mata ko at wala akong maapuhap na salita. Walang kalaban-laban ang kaklase ko. Halos mawasak na ang pang-itaas niya at maging ang palda niya. Umiiyak at tigmak na ng luha ang mukha. Nagsusumamo na wag siyang pagsamantalahan ng mga lalaking nasa harap niya pero para itong walang mga naririnig. Nagtatawanan lang at pilit pa rin lumalapit sa kaklase kong pilit na sumisiksik sa kanto ng dead end na iyon. Pilit siyang humihingi ng tulong at sumisigaw pero walang nakaririnig.

"Wag, wag!" Sumipa siya at tinamaan sa sikmura ang isang lalaki. "Aba nanlalaban ka!" Itinulak nito si Vivien at tumama ang ulo nito sa isang bato. Hindi siya pinukpok kundi tumama at nabagok ang ulo niya. Tila mga hayok sa laman ang mga lalaki at isa-isang tinanggal ang mga saplot niya tsaka pinagpyestahan ang katawan niya.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now